Chapter four

3 4 0
                                    


Chapter four

FRIDAY! Ang pinaka favorite kong araw! Sa wakas at makakapag pahinga na rin ako! Feel ko tumanda ako ng limang taon dahil sa stress na bigay ng lalaking 'yon.

Gago yon, wala ng ginawa sa buhay kundi bwisitin ako—ewan ko ba, kahit wala s'yang ginagawa kumukulo na yung dugo ko! Lakas ng amats e.

Sa nagdaang araw, masasabi kong normal lang naman ang pagiging studyante ko kung hindi ko lang sana kasama sila Patricia at yung iba pa. Akala kasi ng mga punyenta na ginagamit ko lang sila Patricia para sumikat! Mga mahihina ang kokote. Parang yung hunter lang, lakas maka-gago.

Pero sa nag daang araw, walang oras na hindi ko yata s'ya pinupuri! Parang araw-araw guma-gwapo s'ya sa paningin ko! Tongono, nakulam ata ako ng Gago.

Papunta ako sa music room, sabi nung dalawang babae nandito daw yung mga kaklase ko kaya walang tao sa classroom. Pagkatapos din nilang sabihin yon ay agad silang kumaripas ng takbo.

Abno, kinakausap pa tapos biglang tatakbo?

Hindi mo na talaga maintindihan ang mga bata ngayon, mga abnormal.

Pagkarating ko do'n ay sumalubong sa akin ang tahimik na silid. Nangunot ang noo ko.

Akala ko nandito yung mga kaklase ko? Nilibot ko ang paningin ko at tuluyang pumasok sa loob, pero maling hakbang yata iyon dahil bigla na lang sumarado ang double door ng music room.

Kung minamalas ka nga naman!

Dali-dali kong kinalampag yong pinto nagbabakasakaling mabuksan iyon.

"Hoy! M-May tao ba diyan?! Pakibukas ng pinto! Hello!?" Sigaw ko. Natatakot na din ako, ang dilim pa naman dito. Anong gagawin ko?!

Nataranta ako kaya sunod-sunod kong kinalampag ang pinto sabay tinadyakan. Napahinto lang ako ng may marinig akong kaluskos sa likod.

Pinusisyon ko ang kamay ko, inangat ko yon sa era at parang handa na sa panganib na dadarating.

"S-Sino ka?!" Sigaw ko. Dinig ko ang tawa nito kaya lalong kumunot ang noo ko.

Tangna ah.

"Masasaktan ka sa akin! Labas! Duwag ka ba?!"

"Heck, chill man, hindi kita sasaktan" sabi nung Aldrin? Yung kaibigan ni pat! Yung babaero! Anong ginagawa nito dito?! Wag mong sabihing siya ang may pakana nito!?

"Anong kailangan mo!? S-Sagot! Ikaw siguro yung nag lock sa akin dito!" Galit kong sigaw. Napahalakhak s'ya at napahawak pa sa tiyan na akala mo ay may nakakatawa sa sinabi ko.

Baliw ampota.

Tumawa pa ito sandali bago magsalita."Oh no, I just wanna inform you, there's a second door, at bukas iyon, nagtataka ako kung bakit—bakit nagwawala ka" tawang-tawang sabi niya at nginuso ang pinto sa likod niya. Nanlaki ang mata ko at namula.

May pinto don? Ibig sabihin hindi din ako kinulong? E bakit may paganon-ganon pa ako? Lord.. ano 'to?

Napapahiyang nagbaba ako ng tingin, tinago ko na lang ang hiyang nararamdam at inirapan na lang siya.

"A-Alam ko! Sinadya ko lang 'yon! T-Tch! Tabi! nga!" inis na sabi ko. Natatawang lumihis siya sa daan. Alam kong nakatingin pa rin siya sa akin dahil ramdam ko iyon. Bakit naman kasi walang nag sabing dalawa yung pinto dito.

Potangna.

Last period ngayon Friday, bagot na bagot na ako, gusto ko ng umuwi, late kasi yung teacher sa MAPEH kaya yung mga kaklase ko ngayon ay parang palaka na naulanan dahil sa ingay. At nangunguna na roon si Patricia na kanina pa dada ng dada.

"Alam mo, maganda ka na sana kaya lang ang daldal mo! Nakaka turn off sa akin 'yon! Yak!" Sabi sa kanya ni Joaquin, halatang iniinis siya.

"Ah talaga ba? Pake ko sa'yo! I don't care in your opinion 'no! And what the fuck, ano naman kung maturn off ka?! Hindi kita gusto 'no!" Gigil na sabi ni Patricia.

Baka naman magkatuluyan itong dalawang 'to? Haters turns to lovers ang peg nila.

"Sus! Amin na din kasing gusto mo ko! Tagal mo ng tinatago 'yan ah!"

Nanlaki ang mga mata ni Patricia at namula. 'wag mong sabihing totoo yon? Ay jusko, ganyan! Ganyan! Ganyan nag sisimula yung mga mag shota!

"A-Assuming! Diyan ka na nga!" Sabi ni pat sabay talikod.

"Binibiro lang e, anong problema no'n? Babae nga naman." Naiiling na sabi nito at bumalik na sa upuan na siya ding pag dating ni Mrs. Aguinaldo.

Sure na kong Mrs 'to, tinanong ko na e, mahirap ng mapalabas ulit.

"Okay. We have a weekly activity, sa Monday niyo iyon gagawin."

Sige po, pakibilis, gutom na ko.

"I'll group you into two, walang mag rereklamo kung sino ang magiging ka-grupo nyo, wag kayong maarte." Dagdag pa nito. Napatingin ako sa kanan ko kung saan nandon si Sam na nakasandal sa boyfriend niyang si Ezekiel.

"Ramirez.."

Dun lang ako naglipat ng tingin."And Mr. Crift, kayo ang magka partner."

tumingin ako bigla kay hunter, ngumisi siya. Abnormal!

Hindi ba dapat aayaw siya?! Bakit hindi s'ya tumutulol?! Kainis.

"Ma'am!" Tawag ko. Napatingin silang lahat sa akin pero wala akong pake dahil gusto kong magpalit ng partner!

"Yes, Ms. Ramirez?"Napalunok ako.

"I—I want to change my partner ma'am!"

Nang sabihin ko yon ay s'ya ding pagkaingay ng classroom.

"Tss! Akala mo kung sino! Kung ako yan masaya ako!"

"Arte, maganda ka ba?"

"Ma'am ako na lang yung kapalit!"

"Feeling."

"Quiet!" Sigaw ni ma'am."bakit gusto mong makipag palit Ms. Ramirez?"

"Paniguradong wala po s'yang gagawing mabuti ma'am!" Matapang kong sabi. Ngumisi si ma'am.

Oh? Napano ka gurl?

"Are you agree Mr.Crift? Ayos lang ba sayong makipag palit ng partner?" Nanlalaki yung butas ng ilong ko.

Jusko, ako yung nagtanong tas yung dog abuser na yon yung aanuhin nya? Napaka ano! Porket yung pamilya nila yung may ari nito!

"Mm, well, I'm not. Just ignore her tita." Napanganga ako. T-Tita?

"Okay. well then Ms, hindi payag ang inaanak ko, take your sit."

Nananadya ba sila?

_______

Rusty_ris

Kindly vote, comment your thoughts and share this storyyyy! Thank youuuu❤️


High School Romance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon