Chapter two

12 4 0
                                    


Chapter two

Hindi na lang ako nito pinansin at naglakad na papaalis ng hindi man lang nag papaalam sa mga kaibigan nya.

May sarili s'yang Mundo, cey.

Tinitigan ko lang yung papalayong bulto nya
hanggang sa hindi ko na s'ya matanaw.

"Saan pupunta 'yon?"

"Hayaan n'yo na, hindi pa kayo nasanay"

Pauwi na ko ngayon sa bahay. nakakapagod, halos alas singko na ng hapon bago pa 'ko makapag-enroll dahil sa dami ng tao. Buti na lang talaga kasama ko sila Patricia.

Nagawi yung tingin ko sa plaza. Ang peaceful sana kaya lang dahil sa mga mag shotang nag tatawanan, nag haharutan, nag hahalikan ay nasisira yung vibes ng lugar.

Napairap ako.

Jusmiyo naman, pati sa park nagkakalat sila? Puwede naman na hindi sila ganiyan kalapit sa isa't-isa! Naiinis na naman ako. 'di bale MWAHAHAHAHA mag hihiwalay din naman kayo!

Lalo pa kong nairita nung nakita ko yung batang kasama yung jowa nya. Sa hula ko'y 13 years pa lang yung batang babae samantalang yung lalaki nasa 18 years old na.

Pedophile yan? Yakk, nag aanuhan na kaya 'yan? Joke lang. pero 'di nga? Nag chukchukan na kaya sila?

Sinampal ko yung sarili ko.

Ano ba 'tong iniisip ko?

Hindi na ko nagtagal do'n at umuwi na sa bahay. Naabutan kong nagsasaing si kuya pero mababasa mo sa muka na labag iyon sa kalooban n'ya.

"Nandito na ko!" Sigaw ko kaya napatingin sa akin si kuya. Bigla ding sumama ang muka n'ya at inirapan ako.

"Hoooyyy! Dapat Ikaw yung mag sa-saing e! Kanina pa ko nag sa-saing!" Salubong n'ya sa 'kin."Maaaa!! Si Chancey ang tamad na!" Tumaas yung kilay ko.

Ang kapal! Ngayon lang naman s'ya nag saing ng ganito!

"Excuse me? Kita mong umalis ako tapos mag sasaing ako?! Ikaw nga hindi ka kikilos hangga't hindi ka inuutusan!" Inis kong sabi.

"Oh talaga ba? Edi ikaw magsaing!" Sabay bigay na lang sa akin ng kaldero at naglakad papalayo. Dahil sa inis ko ay binato ko s'ya ng nahablot kong sandok kaya ayun! Natamaan s'ya sa ulo.

"Ay sorry akala ko poste nun pala tao, di ka bagay sa Japan bagay ka sa imburnal! Chee!" Natatawang kanta ko.

Babawi na dapat s'ya kaya lang biglang lumabas si mama sa kuwarto kaya ang ending ayun, piningot n'ya yung tenga ni kuya.

Akala mo ha, ang bilis talaga ng karma! Stupid creature.

"Kenzo! Kita mong kadadating lang ng kapatid mo aawayin mo na naman! Mas matanda ka kay Chancey kaya dapat maging mabuting halimbawa ka." sabi sa kanya ni mama.

Bleee! Kala mo ha!

Umalis na ko don at binaba ang kaldero. Bahala sila dyan.

"Maaaa, yung sinaing!" Rinig ko pa.

Tawa-tawang naglakad ako papuntang kuwarto ko at naligo.

Pasukan na naman. Parang wala lang ah. Ang bilis talaga ng panahon.

Pagkatapos kong maligo ay napatingin ako sa sarili ko sa salamin.

Ang pangit ko talaga. Sinong magkaka-gusto sa 'kin? Bat si kuya ang pogi? Tch, ang unfair ng mundo. Kung wala lang nga akong birth certificate at picture no'ng bata ako iisipin ko ng ampon lang ako.

High School Romance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon