Xl

61 5 0
                                    


I understand... Sabi naman ni Matthew. May naiwan ka sigurong boyfriend sa LA no? Nakangiting tanung nito.

Bahagyang tumango si Sheena.
Wala naman siyang boyfriend, pero natatakot siyang pakasal kay Matthew. Hindi niya nakakalimutan ang tingin nito nuong gabi ng prom. Ang rejection na alam niyang sasabihin nito kung sakaling hinintay niya itong magsalita.


Teenager ka pa lang nun Sheena. You should move on and forget about it.
Sansala niya sa sarili niya. Pero di niya malimutan.
At tuwing naaalala niya iyon inaatake siya ng sakit niya. Kaya nga umiinom siya ng sleeping pills bago matulog. Dahil napapanaginipan pa din niya ang nangyari ng gabi na iyon.

Tinitigan niya si Matthew at nakita niyang nagiisip ito pero muling ngumiti ng mapansing nakatingin siya. Napayuko si Sheena. 


Binasa niya ang last will ng mga magulang nila. Kung  hindi siya magpapakasal kay Matthew, mawawala ang lahat lahat dito. Ang bahay nila at ang negosyong pinamahalaan nito ng ilang taon.

Dont think about it ok? Me isang a buwan pa tayo. Hahanap ako ng paraan....sabi ni Matthew na tila nahulaan ang iniisip niya.


Hinila siya nito patayo at sabay silang lumabas ng opisina. Sinundan sila ng tingin ng mga empleyado nito. Sanay na si Sheena samg ganung tingin, in the two years ng pagiging model niya, sanay siya sa mapanuring tingin at titig ng mga tao.


Isang tao lang nag papawala ng confidence niya. At iyo ay ang lalaking katabi niyang maglakad. It takes all her willpower para ipakitang di sya naapektuhan ng pagiging malapit nito.


Sumakay siya sa limo at umupo naman sa unahang upuan ang bodyguard niya. Nagulat siya ng sumakay sa tabi niya si Matthew.

Nanlaki ang mata niya pero agad siyang lumingon sa labas. Kagat kagat ang labi niya.

Relax..ihahatid lang kita. Sabi nito ng mapansing bahagyang nanginginig ang kamay niya.


I just want to make sure your ok. Namumutla ka pa rin. Are you sure you dont need a doctor? Tanung pa nito.


Umiling lang si Sheena. Sumandal siya sa upuan. Mag rerelax na lang sya. Nag imagine siya ng masasayang nangyari sa buhay niya para kumalma. Naalala niya ang daddy niya, nuon madalas siya nitong ipinapasyal. Bahagya siyang napangiti.

Nagkakalikot si Matthew sa cellphone niya ng maramdaman niyang nakasiksik si Sheena sa kanya. Nilingon niya ito. Nakatulog na ito sa tabi niya. Inakbayan niya ito at ihinilig sa dibdib niya.

Im sorry...I cant marry you...

Naalala niya ang sinabi nito kanina.
Napabuntung hininga siya. Saka napangiti ng mapait.


Nakamove on na si Sheena sa mga nangyari dito at may boyfriend na.


Pero siya hanggang ngayon ito pa rin ang laman ng puso't isip niya.


-------

"Son..masaya ka yata ngayon."
Bati sa kanya ng papa niya.

Ngumiti siya. "I found her papa. My ideal girl."

"Talaga? "Nakatawang tanung nito.
"Then I think I should tell you that I've setup a dinner date with your tita Trish.."

Si Trish ay girlfriend ng papa niya ng isang taon na. Nagbabalak na itong mag pakasal. Gaya ng papa niya, namatay na din ang asawa nito.

Ilang beses na niya itong na meet at alam niya na may isa itong anak na babae.


Kagagaling lang niya sa basketball practice at dumaan siya sa jewelry store sa mall at bumili siya ng isang bracelet bago umuwi sa kanila.

Kanina iniaboy ni Dwight sa kanya ng schedule ni Sheena. Balak sana niyang ihatid ito sa bahay kinabukasan pagkatapos ng klase.

"Are you free tonight?" Tanung ulit ng papa niya. Tumango naman siya.

Pumunta sila sa bahay nila Trish. Para ipakilala sila ng personal sa anak nito. Masaya pa silang nagbibiruan ng papa niya ng bumaba sila sa kotse.

Hindi niya inaasahan na makikita niya duon si Sheena.

When I dream about YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon