V

64 6 1
                                    

Naglalakad si Sheena papunta sa cafeteria ng school. Nauna nang pumunta duon ang bestfriend niya dahil nagugutom na daw ito. Dumaan muna siya sa locker niya para iwan yung ibang libro.
Nagulat siya ng may bumangga sa kanya. Napaupo siya sa semento at humagis ang dala niyang gamit.

Slut! Watch where your going! Sabi ng nakabangga sa kanya.

Nagtaas siya ng tingin. Si Candice pala. Certified bitch ng St Andrew School. Cheerleader at muse ng graduating class.

Anung sabi mo?! Naiinis na tanung niya sa babae. Pinagpagan niya ang palda pagkatayo. Are you talking to yourself?

Abat... Alam mo Sheena, its a well known fact na patay na patay ka kay Matthew! Nakaiinsultong ngumiti ito sa kanya. Siguro ngayon ang saya saya mo dahil sa iisang bahay na kayo nakatira!

Pwede ba? Wag mo kong itulad sayo! Sagot agad ni Sheena at pinulot ang gamit niya. Palibhasa kasi hanggang paglalaway ka lang kay Matthew!


You bitch! Sigaw agad ni Candice. Hinila nito ang buhok niya at napaluhod siya.


Candice! Narinig niyang sigaw ni Matthew. Hinawakan nito ang kamay ni Candice ng mahigpit para mabitawan siya.

Matthew... Im sorry nauna kasi siya...sabi naman ni Candice at kumapit agad sa braso ni Matthew.


Pinulot ni Sheena ang gamit niya at naglakad palayo. Ni hindi na siya lumingon. Nagulat pa siya ng may humawak sa braso niya.

Ok ka lang ba? Si Matthew yon.
Hinila siya sa isang bench malapit sa quadrangle at tiningnan ang braso niya. Kinuha nito ang panyo sa bulsa at pinunasan ang gasgas niya.


Tinitigan niya lang ito. Sa totoo lang iniiwasan niya si Matthew. Mula ng ikasal ang parents nila naging malapit na ito sa kanya. Parang totoong kuya, pero nahihirapan naman siya. Dahil kahit na anong tanggi pa ang gawin niya, lalo lang siyang na i inlove dito.

Tama na yan. Mahina niyang sabi matapos nitong lagyan ng bandaid ang sugat niya sa tuhod. Tumayo siya at naglakad palayo dito.

Sinundan lang siya ng tingin ni Matthew. Nagtataka siguro sa ginawa niya. Dumiretso siya sa cafeteria at hinanap si Tara kelangan niya ng makakausap.

Bessie? Bakit? Tanung agad ni Tara ng makita siya papasok sa cafeteria.
Inaway ka ba ulit ni Candice?


Hah? Paano mo nalaman? Nagtatakang tanung niya dito.


Sinabi sakin nila Roma kanina. Inawat lang daw ng kuya mo...
Tuloy ang daldal ni Tara at di napansin na nanahimik na siya.
Kung nandun lang ako sinapak ko na yun eh...

Bessie.... Nasabi niya lang bago tumulo ang luha niya.


B-bakit me masakit ba sayo? Tanung naman ni Tara.

Umiling lang siya. Hinila siya ng kaibigan. Umakyat sila sa rooftop ng kanilang school. Tatlong palapag iyon at ang ikaapat ay rooftop tambakan ng ilang upuan na hindi na ginagamit.

Umiyak siya ng umiyak sa balikat ni Tara. Habang parang batang nagsusumbong dito.


Tara nahihirapan na ako....
Sabi pa niya. Hindi dapat to kasi kapatid ko siya eh...


Hinaplos naman ni Tara ang likod niya. Bessie.. its just a crush. Once na gumradweyt tayo, magkakahiwalay na kayo ng school. Hindi mo na siya palaging makikita.. Naaawa siya kay Sheena. Naplano na kasi nito ang gabi ng JS prom nila. Mula nuon pa gustong gusto na nito si Matthew. Bukambibig niya ito araw araw.


In three weeks graduate na tayo.
Sabi ni Tara. Makakalimutan mo din siya. Stop crying ok? Tumango na lang si Sheena. Nag vibrate naman ang cellphone niya. Tumatawag si Matthew.


Uwian na nasaan ka na ba? Tanung nito.

H-ha? M-mauna ka na... sasabay na lang ako kay Tara... Mahinang sabi ni Sheena. Magtataka si Matthew kapag nakitang namamaga ang mata niya. Maya maya na siya uuwi tatambay muna siya sa bahay nila Tara.


Inakbayan siya ni Tara at sabay na silang bumaba mula sa rooftop.


Nang makababa na sila Sheena at Tara, saka lang siya lumabas mula sa pinagtataguan. Umakyat siya kanina sa rooftop dahil naiinis siya. Hindi niya akalaing maririnig niya ang pangungumpisal ni Sheena kay Tara.


Napailing siya. Hindi niya akalaing hanggang ngayon pala may gusto pa si Sheena kay Matthew Luis.

When I dream about YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon