Alas dose ng umaga na sila dumating mula sa LA. Non stop ang flight nila. Sandali itong nag stop over sa Hongkong para mag re fuel.
Niyayaya siya ni Matthew na bumaba ng magstop over sila, pero nagpanggap siyang inaantok. Ayaw niya muna itong makasama.
May kaunti pa siyang tampo dito na hindi basta matatanggal dahil lang nag alala ito para sa kanya. Naiinis pa rin siya na hindi ito naniniwala na hindi siya nag suicide. She was never suicidal, kung ganun lang e di sana noon pa. Pero hindi iyon pumasok sa isip niya kahit minsan.
Ugh! Imagine two pills equals five days! Kung alam lang niya, hindi na sana siya uminom ng dalawang piraso nito.
Princess...? Narinig niya ang boses ni Matthew. Hindi siya kumibo. Naramdaman niyang ibinaba nito ang arm rest sa pagitan nila at pinahilig siya sa dibdib nito. Nag relax siya. Naamoy na naman niya ang pabango nito.
Naramdaman niyang hinawakan ni Matthew ang kamay niya. Pinadaanan ng daliri ang palasinsingan niya. Saka lang niya naalala na hinubad ngapala niya ang wedding ring nila.
Anu kayang iniisip niya?
Hmpft! As if naman he cares about the ring. Its not important.
Youre not his love Sheena....Tila nabikig siya matapos niyang pagalitan ang sarili niya. Nag-umpisa na naman siyang mag self pity. Hindi tuloy niya napigilan ang pagtulo ng luha niya.
Naramdaman niyang pinahid ni Matthew ang pisngi niya at dumilat siya. Tiningnan niya ito.
Dont cry princess... may masakit ba sayo? nanaginip ka ba? sunod sunod na tanung ni Matthew.
Kitang kita sa mata nito ang worry sa kanya. Tiningnan niya ito saglit saka siya nagbaling ng tingin sa bintana. Habang tumatagal yata lalo lang siya nahuhulog dito. Naramdaman niyang hinagod nito ang likod niya at hinila siya para sumandal sa dibdib nito.
Magpahinga ka na.. ilang oras pa ang byahe natin.... Bulong nito sa kanya.
By the time na nag touchdown ng eroplano sa Naia, pagod na siya. Hindi siya nakatulog sa biyahe. Naubos yata ang antok niya sa limang araw na itinulog niya.
Nangalay ang binti niya sa kakaupo. Si Drew ang nag drive ng SUV. Sa harap umupo si Dwight at katabi naman niya si Matthew sa likod.
Shes falling in and out of conciousness sa pagod. Makakatulog siya saglit tapos bigla siyang magigising kapag papalalim na ang tulog niya. Pag nararamdaman niyang parang malalaglag siya biglang mapapa kapit siya kay Matthew. Nag aalala itong tumingin sa kanya. He laced his fingers with hers and hold her hand.
Ok ka lang ba? Bakas sa boses nito ang pag aalala.
Hmm.. Lang ang nasabi niya bago muling pumikit.
Nagising na naman siya ng dumating sila sa mansiyon. Pero bago pa siya nakababa binuhat siya ni Matthew.
Lalakad na lang ako... Sabi niya dito pero hindi siya nito ibinaba.
Idiniretso siya sa kusina. Kumuha ng tinapay sa ref at ginawan siya ng sandwich. Tinimplahan din siya ng gatas.
Uuwi na ko... see you tomorrow..
Sabi ni Dwight kay Matthew at nginitian siya. Yung mga gamit nasa living room.
Sige pahatid ka na kay Drew. Sagot naman ni Matthew. Salamat bro.
Kumaway lang ito at umalis na. Naiwan silang dalawa sa kusina.
Umupo si Matthew sa harap niya at pinilit siya na kumain. Ipinaubos ang gatas sa kanya ng kalahati lang ang kainin niya sa sandwich na ginawa nito.
Hindi ka pa kumakain...
Pamimilit nito sa kanya.Inaantok na ko...sabi niya sabay tulak palayo ng platitong may sandwich.
Nag tsk tsk ito at nainis siya kaya
nagdabog siya. Hindi na ko bata!
Stop treating me like a kid!
Iniwan niya ito sa kusina at dumiretso siya sa kwarto niya. Nagpalit siya ng damit at humiga sa kama pero nawala na ang antok niya. Naiinis siya kay Matthew.
Panay ang pakita ng concern pero hindi naman siya mahal. Ayaw niyang maging assumera kaya pinipigilan niya ang sarili niya.
Napaka pangit na future tuloy ang naiimagine niya a pagitan nila.
Nuon lang niya narealize na sobrang unfair sa kanya ng mundo.
Ibinigay sa kanya ang isang bagay gaya ng kasikatan pero hindi ibinigay ang gusto niya.
Kumatok muna si Matthew bago ito pumasok sa kwarto niya. Naka pajama na ito.
Im sorry... Sabi nito. Nakahiga ito patagilid para nakaharap sa kanya.
I just want to take care of you..
Galit ka ba sakin?Hindi..matipid na sagot ni Sheena.
Hindi naman din kasi nagtatagal ang inis niya dito. Nagbuntunghininga siya at pumikit.Matulog na tayo..sabi naman ni Matthew.
Babantayan mo ko? Tanung niya ng hilahin siya nito at yakapin.
Uhmm.... Ang isinagot nito.
Gaya ng nakagawian nila hinawakan nito ang kamay niya.
Nagulat siya ng dinala nito sa labi ang kamay niya at hinagkan.
Namilog ang mata niya at napatitig siya dito.
Natawa naman ito sa reaksiyon niya at pinisil ang ilong niya. Nagtitigan sila ng ilang saglit bago siya nagbawi ng tingin.
Matulog na tayo princess...
Sabi ni Matthew at ng makitang nakadilat pa rin siya, niyakap siya nito ng mahigpit at ipinatong ang baba nito sa ulo niya. Nagulat pa siya ng mag umpisa itong mag hum.
Napangiti siya ng makilala niya ang kanta. Maya maya bumibigat na ang mata niya. Nagbuntunghininga siya saka sumiksik sa dibdib nito.
MATTHEW POV
Nagulat siya ng halikan ko ang kamay niya. Tapos napalitan ng pagtataka. Iba ibang emosyon na nagpalit palit sa mukha niya kaya natawa ako. I saw sadness in her eyes bago siya yumuko, at parang kinurot ang puso ko.
I want to tell her my feelings ng mga oras na iyon pero pinigilan ko ang sarili ko. Kailangan kong maghintay.
I want everything to be perfect kapag sinabi ko na sa kanya.
I saw her eyes are closing when I peek at her pagkatapos kong mag hum. Bakit ba di ko agad naisip iyon nuon pa. Napaka dense ko talaga pagdating kay Sheena. All the signs are there.
I kissed her on the forehead as she sleep. Im looking forward to tomorrow. But right now, matutulog muna ako katabi ng prinsesa ko.
BINABASA MO ANG
When I dream about You
Teen FictionJS Prom. A magical night where Sheena plans to confess to her long time crush Matthew... But, how can she? Matthew just happens to be her stepbrother! CAST ====== lee jong hyun - matthew kristian luis chloe jhoyz - sheena lopez che paz - mommy tris...