I took her to Tagaytay for her birthday.
We sent word to her company that she will be resting from her commitment for at least a month.
She look so happy. Her face is so serene when she look at me that I cant help but fall for her if I havent already. We walk hand in hand sa picnic grove and enjoy the sights just like the tourists around us. Shes slowly beginning to be comfortable with me. I can join her in the sofa and even place my head on her lap without her flinching.
It felt so surreal. But Im happy. Shes smiling and I can be this close to her.
It drizzled after a while at nagtatakbo kaming pumunta sa kotse. Shes laughing and I like hearing her laugh. By the time we pulled out from the site, the rain is falling in torrents.Napilitan kaming mag check in sa isang motel because the road is slippery. Shes almost sleeping on her feet, napagod siguro sa pinag gagawa namin. After she dried her hair I told her to sleep. I called Dwight to make sure about the arrangement for tomorrows wedding.
She was out like a light. Then I just lay beside her and sleep.
Nooo..please stop it! Nagpupumiglas si Sheena sa pagsabunot ni Candice sa buhok niya. She tried to run pero pinatid naman siya ni Ariana.
Shes crying hysterically now. Ayaw na niyang marinig ang pinagsasasabi ng mga ito. She keeps on pushing them away till she hear Matthews voice.
Tinabig niya sila Candice palayo sa kanya at niyakap siya.Suddenly she felt calmer. She turned to him saying sorry. Hinagod naman ni Matthew ang buhok niya. Until she quiet down.
Matulog ka na Sheena. Babantayan kita.. Narinig niyang sabi ni Matthew. Napangiti siya.
Thank you...for saving me...
Sabi niya sa kuya niya. Pakiramdam niya sobrang antok na antok siya kaya pumikit na siya. Nakakapit pa siya sa polo ni Matthew para hindi siya nito iwan.Sleep ... Narinig niyang bulong nito. Sumiksik siya sa dibdib ni Matthew.
Niyakap naman siya nito, hanggang nakatulog na rin ito sa pagod.Nagising siya sa mahinang ihip ng hangin sa noo niya at bahagya siyang dumilat. Natagpuan niya ang sarili na nakakapit sa polo ni Matthew at nakayakap ito sa kanya.
Ang hangin na nararamdaman niya ay dahil sa paghinga nito. Pinagmasdan niya si Matthew. Nakapikit ito. Medyo nakakulot ang pilik mata nito, matangos ang ilong at mapula ang labi. Bahagya siyang ngumiti ng maalala niya ang panaginip niya kagabi.
Kaagad siyang pumikit ng gumalaw ito. Nagpanggap siyang tulog pa. Naramdaman niyang gumalaw ito at dahan dahang inalis ang pagkakayakap sa kanya. Tapos inayos ang kumot niya.
Maya maya naramdaman niyang hinaplos nito ang buhok niya at ang pagdampi ng labi nito sa noo niya. Napaungol siya ng di sinasadya pero hindi siya dumilat. Hinaplos nito ang balikat niya at bahagyang tinapik. Napabuntunghininga siya.
Unti unti siyang dumilat. Nakatitig sa kanya si Matthew. Nakangiti pati ang mga mata nito at sobrang lapit ng mukha sa kanya. Bahagya niya itong naitulak sa gulat.
Nagaalalang nagtaas ng kamay si Matthew. Sorry...ang sarap kasi ng tulog mo...ok ka na ba? Tanung nito sa kanya.
Tumango siya. Nararamdman niyang nagiinit ang pisngi niya at yumuko siya.
Bangon na tayo...baliwalang sabi nito at nauna na itong pumunta sa banyo. Narinig niya ang pagtunog ng tubig at mayamaya lumabas ito na nag pupunas ng mukha.
Siya naman ang pumunta sa banyo at nag ayos ng sarili. Nang lumabas siya mayruon ng kape at tapsilog sa ibabaw ng kama.
Kain na tayo. Yaya sa kanya ni Matthew. Dahan dahan siyang lumapit dito. Kumakain ka ba nito? Gusto mo ng ibang food?
Umiling siya at nakisabay na sa pagkain ng almusal. Hindi niya naubos ang pagkain niya. Hindi naman kasi talaga siya kumakain ng marami sa umaga. Kinuha ni Matthew ang tirang sinangag at tapa mula sa pinggan niya at kinain ito. Napangiti siya.
Bakit? Nagtatakang tanung nito.
Matakaw ka pa din kumain... Nakangiting sabi niya.
Wala namang masyadong nagbago sakin....sagot nito. Ako pa din yung dating nag aalaga sayo..
Napatitig siya kay Matthew. Nakaramdam siya ng bahagyang panlulumo. Alam na niya kung bakit gusto siya nitong pakasalan. Yun ay para alagaan siya gaya ng dating pag aalaga nito sa kanya. Walang nabago. Magkapatid pa rin ang turing nito sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
When I dream about You
Teen FictionJS Prom. A magical night where Sheena plans to confess to her long time crush Matthew... But, how can she? Matthew just happens to be her stepbrother! CAST ====== lee jong hyun - matthew kristian luis chloe jhoyz - sheena lopez che paz - mommy tris...