Mag iingat ka dun princess.. tawag ka kapag me kailangan ka ha? Inayos ni Matthew ang buhok nito at inilagay sa likod ng tainga.
Napangiti naman si Sheena.
Ini announce ang flight niya at hinila niya ang dalang luggage.
Bye...Matthew. Sabi niya. Tumingkayad siya para halikan ito sa pisngi. Salamat...Ngumiti siya ulit at saka humakbang na palayo dito. Hindi siya lumingon.
Kung lilingon siya makikita ni Matthew ang pagtulo ng luha niya. Kung pipigilan lang siya nito hindi na siya aalis. Pero hanggang makarating sa loob ng rampa papunta sa eroplano, wala siyang narinig dito.Bumalik siya sa pagiging model.
Nuong mga unang linggo ay panay ang tawagan nila pero ng lumaon, dumalang na ito ng dumalang.
Nakailang tawag siya pero hindi nito tinatanggap ang tawag niya.
Isang taon pagkatapos ng kasal nila, hinubad na niya ang wedding ring niya. Isinabit niya iyon sa kuwintas na binigay sa kanya ng mommy niya noon.
Nakatanaw lang siya sa langit ng gabing iyon. Maraming bituin at naalala niya yung sabi ng daddy niya bago ito namatay...
" yung mga bituin mga kaluluwa yan ng mga pumanaw na. para kahit malayo man kayo sa isat isa.. makikita ka pa din nila. mababantayan.. kaya huwag kang iiyak. kasi malulungkot ako kapag nakita kitang umiiyak..."
Pero daddy hindi pwedeng hindi ako iiyak. nalulungkot ako... nag iisa lang ako... ayaw sa akin ni Matthew... pasensiya na kayo.. daddy.. tito leon.. mommy...
im sorry...
Hindi niya mapigil ang pagiyak niya.
Inubos niya ang alak na laman ng baso niya. Hindi naman siya mahilig uminom. Pero hindi niya kakayaning matulog mag isa ngayon. Kapag hindi siya uminom mapipilitan siyang uminom ng sleeping pills.
Bahagyang umikot ang paningin
niya ng maglakad siya papunta sa kwarto. Hindi na siya nagpalit ng damit. Dumapa na lang siya sa kama at pumikit. Umiiyak pa rin siya hanggang makatulugan na niya ang pag iyak.
Last modeling stint niya sa Elle runway. Tapos na ang kontrata niya.
Binigyan siya ng farewell party ng organizer at ng agency. Marami ang bumati sa kanya. Napagod siya sa kakangiti.This is the best performance of my life. They dont know how sad I am.
Naisip niya.
Mas masaya siguro kung nandito siya pero ayaw naman niya sa akin. Kinalimutan na niya ako.
Hindi niya maiwasang maging nega sa kabila ng kasikatan niya.Nung bumalik siya sa LA, inisip niya na hahabulin siya ni Matthew at pipiliting umuwi. Nang tigilan niya ang pagtawag dito, na imagine niya na mag aalala ito sa kanya at bigla na lang kakatok sa pinto ng condo niya para ibalik siya sa mansiyon.
Pero kahit alinman sa mga iyon, hindi nangyari.Kaya sinabihan na lang niya ang sarili niya na huwag ng umasa. Mula nuong highschool siya hanggang ngayon, hindi siya naging mahalaga para ituring ng higit pa sa kapatid ni Matthew.
Umuwi siya sa condo niya na mas malungkot pa kaysa nung umalis siya kanina. Nagpalit siya ng damit at humiga sa kama pero hindi siya makatulog. Tiningnan niya ang wall clock half past two na, dilat na dilat pa rin siya.
Napabuntunghininga siya. Binuksan niya ang drawer at inabot ang bote ng pills niya. Kumuha siya ng isa pero nagdalawang isip siya. Wala naman siyang project pa. Dinalawa niya ang hawak niyang tableta saka uminom ng tubig.
Bumigat ang talukap ng mata niya at napangiti siya. Sleep take over me...bulong pa niya sa sarili niya. Finally, makakatulog na din siya.
Narinig niyang nag ring ang cellphone niya. Kinapa niya ito sa ibabaw ng lamesita. Nasagi pa niya ng bote ng pills.
Unknown number.
Sino to?In slide niya ang screen para i receive ang tawag.
Sheena... Narinig niyang sabi sa kabilang linya. Si Matthew ba yon? Bakit naman siya tatawag?
Nanlabo ang paningin niya sa sobrang antok. Last thing she heard ay ang pagbagsak ng phone niya sa sahig.
MATTHEW POV
Sheena.... Pangalan agad nito ang tinawag niya. Na delay ang flight nila dahil sa lakas ng ulan. Dapat, i su surprise niya si Sheena sa party na ihinanda ng agency nito.
Nang hindi sumagot si Sheena, nagtaka siya. Lalong kinabahan siya ng marinig niyang may nalaglag na kung ano at hindi ito nagsalita.
Princess...are you ok? Tanung niya ng masigurong hindi na off ang cellphone nito. Pero wala siyang naririnig sa kabilang linya.
Pinadiretso na siya sa condo nito ang taxi at tinawagan niya si Dwight na sumunod sa kanya sa LA. Natataranta siya at di niya malaman ang gagawin niya.
This is my fault.... Paninisi ni Matthew sa sarili niya. Isang linggo na si Sheena sa ICU ng Cedars-Sinai hospital pero hindi pa rin ito nagkakamalay.
Nang dumating siya sa condo nito ay nagpatulong agad sa concierge.
Hindi niya alam kung anung hitsura niya, ang natatandaan niya lang sobrang natakot siya ng makitang nakakalat ang sleeping pills sa tabi ng cellphone ni Sheena at wala itong malay.
Tinapik ni Dwight ang balikat niya. Hindi na niya kailangan pang sabihin ang " i told you so". Ilang beses niyang sinabihan ito na puntahan si Sheena.
Noong unang gabi pa lang ni Sheena sa LA, naglasing na si Matthew. Pagkatapos nang mapansin nito na madalas tumatawag si Sheena, sinadya niyang hindi tanggapin ang tawag nito. Katwiran niya dapat masanay si Sheena na hindi sila palaging nagkakausap para maging matapang ito. Hanggang sa tumigil na ito sa pagtawag.
Noong gabi ng anniversary nila, hinintay nitong tumawag si Sheena pero hindi na tumawag pa ang babae. Kinabukasan, pagkatapos ng kontrata nito sa Elle at ng party, nag overdose si Sheena ng sleeping pills.
BINABASA MO ANG
When I dream about You
Fiksi RemajaJS Prom. A magical night where Sheena plans to confess to her long time crush Matthew... But, how can she? Matthew just happens to be her stepbrother! CAST ====== lee jong hyun - matthew kristian luis chloe jhoyz - sheena lopez che paz - mommy tris...