XVll

48 5 5
                                    

Isang linggo na lang at babalik na siya sa LA. May schedule na siya mg modeling stints sa Elle at Ceci. Mayruon pa siyang commitment bilang face of Tresseme' Asia.

Nagpunta sila sa EK pagkagaling sa kay doc Jaime at maghapon silang sumakay ng rides. Na enjoy niya ang magahapon at magka holding hands pa sila sa pagtakbo sa theme park. At nung pauwi na sila kumain sila ng ice cream na may sampung scoops.

After two days naman pumunta sila sa Laguna para i try ang zipline. Lahat ng gustong i try ni Sheena nuong highschool siya ay pinuntahan nila. Nagtataka nga siya kung bakit gusto din iyong puntahan ni Matthew.


Nag bibihis siya sa comfort room niya at tinitigan niya ang mukha niya sa salamin. Malaki ang naitulong ng session niya kay doc Jaime.

Madalang na niyang mapanaginipan ang nangyari nuong JS Prom. Pero hindi pa rin huminto si Matthew sa pagbabantay sa kanya sa pagtulog.


Paglabas nya sa cr ay naabutan niyang nagbabasa si Matthew ng isa sa mga pocketbooks niya.

Anu yan? Tanung niya tinutukoy ang librong hawak nito.

Nancy Drew...sagot naman  ni Matthew na nakatitig sa binabasa niya.

Kinuha mo sa tree house..? Takang tanung niya.


Tiningnan siya nito at ngumiti. Matutulog ka na?


Tumango siya. Hinawakan naman nito ang kamay niya. Matthew... Tawag niya dito ng muli nitong buklatin ang pocketbook.


Hmmm...sagot naman nito.


Sa...linggo... Nagbuntung hininga siya. Sa linggo babalik na ako sa LA. Tinitingnan niya ang reaksiyon nito.


Nakatutok ito sa binabasa ng sumagot sa kanya. Oo nga pala... gusto mo ihatid kita sa LA? Tanung nito at sinulyapan siya.


Napakagat siya sa labi. Hindi man lang ba siya pipigilan umalis ni Matthew?

Tiningnan niya ang kamay niya. Suot niya pa rin ang wedding ring niya. Inikot ikot niya ito hindi niya napansin na nakatitig sa kanya si Matthew.

Princess... anu na naman iniisip mo? Sabi nito at nag-angat siya ng tingin.

W-wala... Sabi niya saka pumikit.


Naramdaman niya ang pagkilos ni Matthew at paghiga nito sa tabi niya. Hinaplos nito ang buhok niya.
Inilagay sa likod ng tenga niya. Mag iingat ka dun princess... Sabi nito. Mahina lang pero narinig niya.


Dumilat siya at nakita niyang nakatagilid ito nakaharap sa kanya. Nakatingin sa mukha niya.


Bakit? Tanung niya dito.

Wala lang... Sagot naman nito.
Matulog ka na. Babantayan kita...

Talaga? Tanung naman niya ulit. Natutuwa siyang makipag biruan dito. Paano na kaya pag nasa LA na ako.. Tiningnan niya ulit si Matthew at nakita niyang naghikab ito.
Mauna kana matulog...babantayan kita... Sabi niya.

Hmmm..talaga ha... Sagot naman nito. Hinila siya nito at pinaunan sa braso niya. Saka hinawakan ang kamay niya. Ayan matulog na tayo..
Pagkasabi nun ay pumikit na ito.


Hinayaan niya lang si Matthew. Maya maya naramdaman niyang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Nakapatong ang mga kamay nila sa dibdib nito.
Tulog ka na? Mahinang tanung niya.

Hmmm... Yun lang ang isinagot nito.

Pinanood niya ang pagtaas baba ng dibdib nito. Mas batang tingnan si Matthew kapag natutulog ito. Hindi nakakunot ang noo at walang linya sa paligid ng mata nito. Napangiti siya.

Mami miss kita pagbalik ko sa LA. Bulong niya kay Matthew pagkaraan ng ilang minuto. Tapos pumikit na siya.

Kanina pa niya pinipigilan ang antok niya gusto niya kasing makita itong matulog. Palagi na lang itong nagbabantay sa kanya.  Ngayon may memory na siya na nakikita itong matulog. Hindi na siya masyadong malulungkot pagbalik niya sa condo niya sa LA.


Pagkaraan ng ilang minuto dumilat si Matthew. Nakatingin lang siya sa kisame. Nalulungkot siya dahil aalis na si Sheena, pero ayaw niya itong pigilan.


Narinig niya ang sinabi nito. Kahit papano sumaya siya sa isiping mami miss siya ni Sheena. Ngayon pa lang na mi miss na niya ito.

Bumiling siya ng higa paharap sa asawa niya. Huwag mo kong kakalimutan...hihintayin kita.. Siya naman ang bumulong dito.


Tumulo ang luha sa mata ni Sheena at pinahid niya ito. Kumunot ang noo niya ng kumapit ito sa damit niya.

Shhh...princess Im here.. Sabi niya.
Niyakap niya ito at hinalikan sa noo.
Lets sleep... Sabi niya at pumikit na siya.

When I dream about YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon