Dana's POV
Tumawag sa'kin si Tita para tanungin kung nasan si Lheanne, hindi ko alam ang isasagot ko, dahil hindi ko alam kung nasaan si Lheanne, tinatawagan ko siya pero naka-off ang phone niya. san na naman ba nagpunta yun??
Ang alam ko lang na pinupuntahan niya eh si Christian tinawagan ko si Christian pero si Manang naman ang sumagot, kanina daw dumaan don si Lheanne pero umalis din daw agad, wala na akong alam na lagi niyang pinupuntahan ishhh Lheanne asan kana ba??
Kanina pa ako paikot ikot sa lugar na ito, pero wala talaga si Lheanne, pati si Tito Zac nag-aalala na rin. Biglang nagring ang phone ko, agad kung hininto ang sasakyan at kinuha ang phone ko, si Lheanne, agad kong sinagot ito.
{Hello , My Goodness! Asan kana?? Alam mo bang nag-aalala ang mommy mo??"}
[Da-dana——]
{Lheanne??? Hello!!! Lheanne}!! May narinig akong bumagsak, agad akong lumabas sa kotse ko, Jusko po Lheanne, nakita ko siya nakahiga sa daan at walang malay, basang basa siya sa ulan, agad akong tumakbo papalapit sa kaniya at hinubad ang jacket ko para isuot sa kaniya. Jusko po inaapoy pa siya ng lagnat ang init niya, hindi ko alam ang gagawin kaya tinawagan ko sila Tito pero walang sumasagot, ganun din si Tita. Nasan na ba ang mga tao ngayon?? Sh*t minsan lang akong hihingi ng tulong sa kaniya, tatawagan ko si Christian. Kinuha ko ang phone ni Lheanne sa kotse niya, at dali daling tinawagan si Christian.
Sagutin mo gago ka!! Palakad lakad na ako sa daan dahil sa sobrang kaba, ilang minuto pa'y sinagot na niya. Hay salamat!
[Hello?? Lheanne??]
{Bakit ang tagal mong sumagot?? Huh?? Dana ito!, please sunduin mo kami ni Lheanne dito."
[Bakit ano bang nangyari at parang natataranta ka diyan??]
{Si Lheanne nawalan ng malay sa daan, hindi ko alam kong pano siya buhatin tulungan mo ak—-}
Ay Pu*a pinatayan ako, ang gago talaga niya. wala talaga siyang paki alam kay Lheanne tssk. Naramdaman kong nagvibrate ang phone ni Lheanne may nagmessage??
Si Christian nagmessage?? Agad kong inOpen . . .
/Sabihin mo sa'kin kung nasan kayo, pupuntahan ko kayo diyan./
agad kong nireplyan si Christian kahit nanginginig pa ang mga kamay ko, Minsan pala may puso din ang gagong yun. Wala pang 3 na minutes nandito na siya. Dali dali siyang lumapit samin at binuhat si Lheanne at ipinasok sa kotse niya.
"Dana!!" Tawag niya sa'kin.
"Ba-bakit??"
"Ikaw na bahala magdrive sa kotse niya!"
"Eh pano naman yung kotse ko??"
"Problema mo na yun." Sabi niya at sumakay tsaka niya pinaharurot ang kotse niya.
Ah?? Ishhhh ang bastos talaga niya. Pasalamat siya may ginawa siyang maganda ngayon Grrr. Tatawagan ko na lang si Manong para siya na ang magdrive sa kotse ko pauwi at ako ang magdadrive sa kotse ni Lheanne tulad ng sinabi ni Christian-_-
Lheanne's POV
"Look at your daughter she's not feeling well!!"
"Kasalanan mo 'to! kinokonsente mo yang anak mo, Kaya lumaking matigas ang ulo!"
"Cesar naman, Malaki na ang anak mo!"
"Yan! Ikaw ang nagtuturo sa kaniya, Rhina lumalaking walang alam ang anak natin and someday siya ang magmamana ng Company na'tin! At hindi ako papayag na bumagsak na lang na walang ginagawa!"
"Lagi mo na lang ba iniisip ang business?? Wala ka bang panahon para intindihin mo ang anak mo? Subukan mo kaya siyang kausapin ng matino?? Hindi yung puro pabulyaw!"
"You don't—-"
"Pwede ba tama na???!!!! kung ako lang ang pinag-aawayan niyo, mas mabuti pang umalis na lang ako dito.!!!" Ito ba ang bubungad sa'king paggising?? Ano pa ba aasahan ko?? Kahit kailan naman hindi nagkaroon ng concern si Dad sa'kin, lagi na lang si Mitch ang bukambibig niya. eh di siya na ang anak niya.!! tumayo ako,para makaalis sa maingay na kwarto ko.
"Wag ka munang tumayo anak, hindi ka pa okay."
"Hayaan mo siya!! Umalis ka kung gusto mo!!!"
"Cesar ano ba!!!"
"Para matauhan yang anak mo! Akala mo hindi ko alam, na lagi mong pinupuntahan si Christian sa bahay nila! Kakausapin ko si Christian para layuan ka!"
"No need Dad!" tuluyan na akong lumabas sa kwarto ko, feeling ko masasakal na ako, nahihilo pa ako. Kaya umupo muna ako sa sofa sa living room. Bigla kong naalala si Dana, kamusta na kaya siya?? Namimiss ko na siya, at gusto ko rin siyang pasalamatan sa pagliligtas niya sa'kin. Tatawagan ko sana siya, nakalimutan ko pala yung phone ko sa kotse ko, kaya sa telepono na lang ako tumawag, kahit papaano memorize ko yung number ni Dana, yung akin lang ang hindi ko maalala -_- ewan ko ba!
Dinial ko ang number niya, pero di ko sure kung ito nga ang alam ko 4 yung last number e. ah bahala na.
{Hello??}
[Dana!!!!] sigaw ko sa kabilang linya.
{Lheanne??? Kamusta kana??}
[Uh??? Ah e okay lang, Dana.]
{Oh?? May problema ba??}
[Huh?? Wa-wala, gusto ko lang magpasalamat sa iyo.]
{Wala yun. O sige na! may gagawin pa ako. Pagaling ka Bes.}
[Wait—]
Hayyy pinatayan ako?? Ano kaya yun?? Lumabas na sila mommy at daddy sa kwarto ko, hindi parin ako kumikibo, lumapit sa'kin si Mommy.
"Lheanne anak. Sana naman irerespeto mo ito, desisyon naming ito ng daddy mo, sana naman anak makinig ka. Me and your Dad napagkasunduan namin na ikukuhanan ka namin ng tutor-"
"Mom!"
"Lheanne Please, para sa'kin."
Wala akong magawa kundi umagree, siguro nga kailangan ko ng magbago at mag-aral ng mabuti at itigil na ang kahibangan ko kay Christian.
Tumango ako bilang sagot.
"Really??? Salamat anak! Mamaya nandito na siya!"
Ano?? Akala ko ba kukuha muna sila?? Bakit nakakuha na sila?? Ang bilis naman , pero atleast napasaya ko si Mommy, ang tagal kong nagmatigas at sumuway sa mg autos nila, ito na yung time para makabawi ako sa lahat ng kasalanan ko sa kanila, at nagpapasalamat ako dahil hindi ako sinukuan ni Mommy.
BINABASA MO ANG
Happen Ending
Teen Fiction" What is love for?" I let him know all my secret feelings for that stupid guy. He smiled at me, Why he's not answering my question??? Perhaps He feel irritated dahil sa ilang beses ko na yan tinanong sa kaniya. He took care of me. Yes. Once.? T...