Ken's POV
Hayyy!! Ibang klase talaga siyang babae, tao ba talaga yun O aso??? Ahhh! aisst.
"Oh Pre. Anong nangyari dyan???" tanong ni Xander one of my friend, nandito kasi ako ngayon sa Room E23, dito ang next subject namin ngayon at dahil 1 hour vacant pa namin ngayon, pwedeng pwede pa mag-ingay.
"ah ito ba??? Kinagat ng aso." Totoo namang aso ang kumagat sa'kin nagkatawang tao lang -_-
"ibang klase ka talaga Ken. Pati aso nagkakagusto sayo." Sabi niya -_-
"Oh!" sabi niya, may ihinagis siyang scarf sa'kin.
"Bakit 'to??"
"Pantakip diyan sa kagat. Para hindi isiping kinagat yan ng gf mo."
"Gago. Alam mo namang single ako."
"Eh malay mo. Nambabae ka kagabi. Hahahaha." Binato ko siya ng notebook.
"Isipin mo na ang gusto mong isipin bro. Sya nga pala salamat dito." Sabi ko at isinuot ang scarf sa leeg ko. alam kong mainit ang weather ngayon pero titiisin ko na lang.
"Welcome pare." He said and he patted my shoulder.
"Balik na ako sa upuan, baka dumating na si Ma'am piso."
"Hahaha, Sige baka mamuro ka na naman." Biro ko, ma'am piso ang tawag namin kay ma'am Janice Perez, mahilig kasi siyang maningil ng piso. Everyday, hindi namin alam kong saan niya ito ginagastos. Pero magaling naman siyang magturo kaya wala akong mairereklamo.
I'm sorry. Nakalimutan kong magpakilala. Kelangan ba talagang magpakilala?? Sige J I'm Ken Lawrence Dwaine son of Mr. Carlo Dwaine and Mrs. Jen Dwaine, 18 years old. Tagapamana ng Shoe Company. si Dad ang kasalukuyang nagmamanage ng Shoe Company and the next ako na ang magiging President ng SC. Noong una ayaw kong pumayag sa gusto ni Dad, dahil hindi yun ang pinangarap ko. Gusto kong maging Engineer someday, at dahil ayaw kong sawayin si Dad at pasamain ang loob niya. At kahit magiging Businessman na ako someday I want to continue this course, Malaki ang tiwala ni Dad sa'kin at ayaw kong madisappoint siya sa'kin.
Tungkol sa pagiging tutor ko. ang totoo niyan hindi lang tutor ang pinasukan ko, noon naging salesman ako sa isang mall at marami pa. Tutol si Dad na mag-aral ako ng Engineering he want me to take the course BSBA. Nakiusap ako kay Dad na kahit man lang dito payagan niya ako. Pumayag siya pero sa isang kondisyon. Dapat ako ang magpaaral sa sarili ko. kaya ito ako ngayon, pinag-aaral ko ang sarili ko, sa sarili kong sikap.
Wala akong galit kay Dad, naiintindihan ko siya. Hindi niya makasundo si Kuya, at lagi silang nag-aaway dahil palaging bagsak si kuya at minsan hindi pumapasok. Nung nalaman ni Kuya na ako ang magpapatakbo sa SC, nagbago si kuya sa'kin I mean hindi na niya ako masyadong kinikibo at hindi na kami tulad ng dati, perhaps gusto niyang siya ang maging President someday. Wala akong magagawa si Dad ang nagdesiyon yun. Hindi ako.
"Class. Please pass your piso."
"Ano ba naman yan, piso na naman??"
"Oo nga. Grabe san niya ba ginagamit ang piso na'tin??"
"Kaya nga. Nako siguro napupunta yan sa bulsa niya."bulung-bulungan ng mga kaklse ko. She's here.
Walang angal kong iniabot ang 5pesos ko sa harap ko.
"Oh! Ken wala ka bang piso???" tanong sa'kin ni Jester na nasa unahan ko.
"Wala eh. Kung gusto niyo tayong lima na dyan." Sabi ko, ngumiti lang sila sa'kin.
"Ken. Nakabayad kana ba??? Gusto mo tayong dalawa na lang dito sa 2 pesos ko???"
"Karen. Pwedeng ako na lang??? nakabayad na si Ken Eh." Sabat naman ni Xander. Pfffft kahit isipin kong aso't pusa sila. Bagay na bagay sila.
BINABASA MO ANG
Happen Ending
Teen Fiction" What is love for?" I let him know all my secret feelings for that stupid guy. He smiled at me, Why he's not answering my question??? Perhaps He feel irritated dahil sa ilang beses ko na yan tinanong sa kaniya. He took care of me. Yes. Once.? T...