Chapter 12

7 2 0
                                    

Lheanne's POV

Naglalakad kami ngayon ni Christian, at kahit first time ko maglakad ng malayo. Wala akong pakialam basta kasama ko siya.

 Walang nagsasalita sa aming dalawa. Bigla kong naisip yung sinabi niya noon, noong kinausap niya ako sa may vacant room.

"Enough!!! Lheanne hindi kita gusto!!! Naiintindihan mo ba yun??? Hindi kita gusto!!!!"

 

"Enough!!! Lheanne hindi kita gusto!!! Naiintindihan mo ba yun??? Hindi kita gusto!!!!"

 

Mahina kong sinampal ang mukha ko. Siguro nga may dahilan siya kung bakit niya nasabi yun. Pero gusto ko siyang tanungin. Pero natatakot ako sa isasagot niya. "Lheanne." Huminto siya sa paglalakad, ganun din ako, nakatingin siya sa baba habang ako nakatingin sa kaniya.

"I'm sorry." Biglang kumirot bahagya ang puso ko, bakit??? anong mali??? Nagsorry lang siya diba???

"Gusto kong magkaibigan parin tayo, pagkatapos ng nangyari noon." Kaibigan??? Hindi na ba magbabago yung tingin mo sa'kin??? Hanggang dun na lang ba tayo??? Ngumiti ako ng pilit at nag-umpisang maglakad, ganun din siya. Nakarating kami sa School ng hindi nagsasalita. Umupo na ako sa upuan ko. Ganun din siya. Walang oras na hindi ko siya nililingon. Pero siya kahit minsan. Hindi pa siya tumitingin sa'kin*sigh* ang hirap magkagusto sa taong hindi ka naman gusto.

Natapos ang buong klase namin na halos mapuno ang notebook ko at puro kalyo na ang kamay ko. Siyempre Joke lang. yung iba may binigay na Handouts samen para di na raw kami mahirapang habulin yung topic. Babasahin na lang daw namen at intindihin. Para sa next day quiz namin. Oh ha! Ang galing tingin niyo??? Matuto kami pag ganun??? Siguro nga para naman kahit minsan buklatin namin ang notebook at libro namen para magbasa at matuto, sabi nga nila responsibilidad ng mga teachers ang turuan kami. Pero responsibilidad din namin gawin yung part namen. Yung magbasa, at  gumawa ng Homework Research.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ako nag-aaral at bakit kailangan kong magtapos. Narealize ko kanina lang HihihiJ

Nandito ako ngayon sa may harap ng office ng president ng University, Hahaha siyempre joke lang. Nasa Park ako ngayon, mag-isa. Hindi ko na naman kasama si Christian, malamang kasama niya ngayon si Mitch. Nasabi na niya sa'kin na dalawa na sila. Psh hindi ko naman tinanong e siya ang unang nagsabi. Nang-aasar ba siya????-____-

Pero kanina hindi ko siya maintindihan.

"Lheanne masaya ka ba??? Pwedeng ako na lang ang dahilan ng kasiyahan mo???" humarap siya sa'kin at ngumiti, yung ngiting yun. First time kong nakita yun, nakatingin parin ako sa kaniya, Christian tell me ano bang nangyayari sayo??? Pwede mo bang sabihin??? Kasi hindi ko maintindihan.. Hindi kita maintindihan.

"Ano ka ba. Wag mo nga akong tignan ng ganyan." Iniwas niya ang tingin niya, at nagsalita ulit. "Pwedeng mapagod kana sa kahihintay, sana hindi ko pagsisihan kung sakaling mangyayari yun." Sa tingin mo. Kaya ko pang maghintay??? Siguro nga kaya ko pa. kasi kahit isang % lang hindi nabawasan ang pagmamahal ko sayo. Pero hindi ko maintindihan, bakit parang gusto mo sumuko na ako ngayon.

Happen EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon