Lheanne's POV
Nandito kami ngayon sa kwarto niya. anubayan bakit ba niya kailangan maglasing??? Hindi man lang ako niyaya-_-
Ang sakit tuloy ng kamay ko dahil sa pagsalo ko sa kaniya kanina. Ewan ko ba diyan bigla na lang natumba dahil sa kalasingan. Aaminin ko nag-alala ako sa kaniya.
Umupo ako sa side ng kama niya, nandito kasi ako sa kwarto niya. Si manang ang gumawa lahat siya na ang nagpalit kay Ken ng damit, lahat lahat at wala akong ginawa. HihihihiJ
Wala si Mommy at Daddy ano pa ba. About business na naman ang pinagkakaabalahan. Tinawagan ko sila kanina dahil nawawala tong lalaking ito. Eh siyempre nag-aalala si Mommy feeling kasi anak niya si Ken tsk.
Napatitig na lang ako kay Ken. Sa di ko malamang dahilan napangiti ako. Gwapo siya. Oo na!, Mukhang matalino. Matalino naman talaga siya. Mabait??? Minsan??. Siguro Hahaha:D
Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko para kuhanan siya ng picture. Ewan ko, trip ko lang. ewan ko ba sa tuwing nakikita ko siya. nagiging masya ako. Siguro Dahil may napagtitripan ako. Kaya ganito ang nararamdaman ko.
Tumabi ako sa kaniya para makuhanan ko siya ng malapitan. Pero nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay ko.
"Tigilan mo nga yan."
"Okay sabi mo eh." Binulsa ko yung phone ko at tumayo ako.
Tumingin ako ulit sa kaniya, naglakad ulit ako, lumingon ulit ako sa kaniya.
"Ano??" irita niyang tanong.
"Okay kana ba??"
"Nakainom lang ako. Kaya wag ka ngang mag-alala na parang may sakit ako." Tapos tumalikod na siya.
Psh ang sungit.
"Ken."
"Mmmmm." Nakatalikod parin siya.
Pumunta ako sa harapan niya.
"Monday na bukas. Hinndi mo ba ako tuturuan ngayon???" wala lang ngayon lang ako nagkainteresadong turuan niya ako. Siguro nasanay lang ako.
"Bukas na lang. at tsaka nahihilo ako." Sabi niya, umupo ako sa side ng kama niya.
"Hindi ka pa ba matutulog??"
"Hindi pa ako inaantok eh. Masyado pang maaga."
"Pumunta ka na sa kwarto mo." Ayan na naman siya. panong hindi kami mag-aaway e sinisimulan na naman niya-___-
"Boring kasi sa kwarto ko eh."
"Ano bang gusto mong mangyari???" tumayo siya at tinanggal niya ang kanyang kumot. Napalunok na lang ako, dahil sa messy hair siya ang cute niyang tignan *u*
"Gusto mo bang merong mangyari sa atin???" bigla akong napatayo sa sinabi niya.
"Ano bang sinasabi mo?? Diyan ka na nga." Bago pa ako makaalis narinig ko siyang tumawa. Psh. Nakakainis siya, pumunta na lang ako sa kwarto ko at humiga sa kama ko at sinigurado kong nakalock yung pinto. Baka pasukin pa ako dito e >.<
Dahil sa sobrang inis ko sa kaniya nilabas ko yung phone ko para iedit yung picture niya. Papapangetin ko siya*evil smile*
After 4 minutes waaahhhhhh ang hirap niyang papangitin. Mukhang hindi tatalab 'to sa kaniya. Nakakainis. Tinapon ko na yung phone ko sa kama ko.
Humiga ulit ako.
"Gusto mo bang merong mangyari sa atin???"
"Gusto mo bang merong mangyari sa atin???"
'ahhhhhhhhh' grabe nakakabaliw siya. bakit ba nagpapaapekto ako sa kaniya??? Psh.
Dahil sa paulit ulit na pumapasok sa utak ko yung sinabi niya. 2:00am na hindi parin ako makatulog >.< bakit ba hindi ako makatulog???
Nakakainis........!
———————————————————————————
"Oh bakit ganyan mukha mo??? At bakit ganyan itsura mo??? Nakatulog kaba ng maayos?? HAHAHAHAHA."
"Dana. Inaantok pa ako eh. Pwede bang umuwi muna ako???"
"Bakit?? Pfft Sige na nga mukha kang zombie e. Ihahatid na lang kita baka kung batuhin ka ng mga plants diyan sa tabi.tabi Hahahaha." Hinampas ko siya ng notebook ng mahina. Grabe lang siya mang-asar e. Inaantok pa talaga ako e. Hanggang 6:00am hindi pa ako nakatulog.
Inalalayan ako ni Dana papunta sa parking lot..
"Oh Ken. Ikaw pala." Napalingon ako sa kaniya. Sh*t bakit sa dinami rami pa ng makakasalubong namin siya pa. agad kong tinakpan ang mukha ko at yumuko para hindi niya Makita yung mukha ko.
"Dana. Tara na." bulong ko kay Dana.
"Wait lang kinakausap ko pa siya e." Psh hang landi mo talaga.
"Napano siya??" Jusko po. Bago pa magsalita si Dana hinila ko na siya paalis.
"Ano ka ba. Nagmukha tuloy tayong bastos kay Ken."
"Hay. Ihahatid mo ba ako?? O kakausapin mo pa yang Ken na yan??"
"Psh. Nag-away na naman ba kayo??"
"Hindi. May napanuod lang ako kagabi ng nakakatakot kaya ako ganito."
Nagsimula na naman siyang tumawa. Hindi ko na siya pinigilan pa. nanghihina kasi ako sobrang inaantok na talaga ako eh.
Nakarating na kami sa parking lot, pumunta na kami sa sasakyan ni Dana at sumakay na ako sa backseat at agad akong humiga. Naramdaman ko namang pinaandar na ni Dana ang kotse niya. Hindi ko na talaga matiis. Matutulog na ako dito.......
BINABASA MO ANG
Happen Ending
Jugendliteratur" What is love for?" I let him know all my secret feelings for that stupid guy. He smiled at me, Why he's not answering my question??? Perhaps He feel irritated dahil sa ilang beses ko na yan tinanong sa kaniya. He took care of me. Yes. Once.? T...