Chapter 4

7 2 0
                                    

Dana's POV

Hindi ko sinabi kay Lheanne ang totoo, ayaw kasing ipasabi ni Christian ewan ko ba don! hindi rin alam ni Tita Rhina at Tito Cesar dahil nung naihatid na namin si Lheanne sa bahay nila bago pa dumating sila Tita at Tito at isa pa agad ng umalis si Christian pagkatapos niyang ihatid si Lheanne sa kwarto niya.

Pero bakit nga ba nandun si Lheanne?? Bakit siya napunta don?? Di kaya masyado niyang seneryoso yung mga sinabi ko nung nakaraan araw sa kaniya???

Hindi ako galit kay Christian, ang concern ko lang eh yung masyadong patay na patay si Lheanne sa kaniya, and I know na kaibigan lang tingin nya kay Lheanne kung hindi eh bakit pumapayag siyang landiin siya ni Mitch instead na manligaw siya kay Lheanne. Since 3years old pa lang kami Crush na ni Lheanne si Christian. Si Lheanne pa nga ang laging nagbibigay ng bulaklak kay Christian, at sasabihin ko sa inyo bata palang si Christian salbahi na siya no wonder, wala na siyang ginawa kundi paiyakin si Lheanne noon, tinatapon niya yung mga bulaklak na bigay sa kaniya ni Lheanne hay ang sama talaga niya!

At noon pa lang tanga na si Lheanne ayaw mag give up, minsan nga naaawa ako kay Lheanne, nagiging masaya lang yan pag kasama niya si Christian. Pag wala si Christian hindi siya mapakali, pag galit si Christian sa kaniya gumagawa siya ng kahit anong paraan mapatawad lang siya.

Gusto ko talaga matuldukan na lahat ng paghihirap ni Lheanne gusto kong sapakin yung gagong yun, at patayin. Ilang taon ding nagtiis si Lheanne sa ugali ng Bipolar na yun, Mas madalas nga lang ang pagkasuplado niya. Sana makahanap na si Lheanne ng totoong magmahal sa kaniya, yung hindi hihingi ng kapalit, yung magiging masaya siya.

Siyempre naman nasasaktan din ako pagnakikita ko siyang malungkot Bestfriend ko kaya yun at kahit may pagkabobita love ko parin siya noh! Lahat ng tao may nakatadhanang tamang tao na magmamahal sa kanila.and I can feel it now parating na Mr. Right para kay Lheanne.

Lheanne's POV

"What?? Siya?? Tutor ko?? Mom eh halos magkaedad lang kami niyan eh, hindi pa ata tapos yan sa pag-aaral eh." Kainis naman sabi ng pwede silang kumuha ng tutor ko wag lang sa kaedad ko O mas Bata sa'kin -_-

"Anak. Valedictorian siya nung Highschool siya and lagi siyang top one sa klase, and he is now taking up Engeneering. Uh Ijjo Introduce yourself."

"Uh! I'm Ken Lawrence Dwaine, you can call me Ken, I'm 17 years old--"

"Mom see?? 17yearsold--"

"Lheanne patapusin mo muna siya!" sabi ko nga-_- hindi ko lang talaga matanggap, eh mukhang mayaman naman 'to eh ang kinis nga ng mukha, mukhang hindi naghihirap tsk.

"I can teach your daughter kahit anong subject." ishhh pasikat, Oo na matalino na siya. Kailangang ipagyabang?? -_-

"Really?? Kahit ano?? So kailan mo balak magturo sa kaniya Ijo??" Please wag muna ngayon, please!!! Next week na lang please.

"Tomorrow ma'am." Napabalikwas ako sa kinauupuan ko. What bukas??? Hindi pwede!! Pwede bang tuwing Saturday o di kaya Sunday na lang?? Huhuhu

"Pwede bang araw-araw mo siyang turuan?? Wala ka naman sigurong night classes diba??"

"Mom!"

"Wala naman po." Haist. Sana di ka na lang sumagot -_- napakagat na lang ako ng labi, wala naman akong magagawa eh. Sana naman wag akong papahirapan ng lalaking 'to! Nako pag talagang ginawa yun tsk lagot siya sa'kin. Tanggal agad siya Hahahaha!

"Lheanne, don't act like that, may binabalak ka na naman bang kalokohan. Nako sinasabi ko sayo Lheanne magagalit na talaga ako sa'yo." Seryosong sabi ni Mommy hayyy kilalang kilala talaga ako ni Mommy.

"Wala po."

"Good, Oh Hijo gusto mo muna bang magstay dito at magmeryenda??"

"Op--"

"Ah manang kumuha ka ng maiinom at makakain." Wow hanep pag sa kaniya, mabilis ne hindi pa siya umOO eh. Dumating na yung meryenda, sakto nauuhaw na ako,agad kong kinuha yung baso na may lamang Juice at ininom ito.

"Kung pwede dito ka narin tumira"

Tssssssssssssssssssssssssshhhhhuuuuuuuuuuuu!

Sa sobrang gulat ko nabuhusann ko sa mukha si Manang galing sa bunganga ko.

"Sorry po." Agad kung sabi at pinunasan ang mukha ni Yaya gamit ang tissue na hawak ko. At bumalik ako sa usapan nila.

"Mommy parang sobra naman yung binibigay niyo, eh diba 5,000 ang ibibigay niyo every month?? Eh parang--"

"Para naman hindi na siya mahirapan pumunta dito, and guess what Schoolmate kayo, at pag nandito na siya hindi na siya mahihirapang pumunta sa school, ang layo pa ng bahay nila mula dito, so pagbigyan mo na anak." Haist, ano pang magagawa ko?? Basta wag lang siyang gagawa ng ikakainis ko.

"Okay!" sabi ko at umalis na ako, gusto ko muna magpahinga, hindi pa ako okay, medyo nahihilo pa ako.

"Lheanne! san ka pupunta??"

"Sa Kwarto ko po. magpapahinga." Sagot ko , nakita ko si Dad na nagtatago sa isang kwarto, oh! nakikinig siya?? Hindi ko na lang pinansin, kunwari hindi ko siya nakita, pumasok na ako at nahiga. Mapapahinga na ako para sa Monday handa na ako para sa lahat ng pagbabago sa buhay ko.

Happen EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon