Lheanne's POV
"What?? Si Ken?? Ang tutor mo??" sigaw ni Dana, ishh ang ingay niya talaga, teka kilala niya si Ken??
"Kilala mo siya??"
"Oo naman! Kilala kaya siya dito, Mommy niya ang may-ari ng Shoe Company." Huh?? May company sila?? Eh bakit siya nag apply bilang tutor ko?? Eh mas mayaman pa sila kaysa sa'min. alam ba ni Mommy 'to? Oh baka naman. . . .
"Oh No!, hindi maaari, hindi ako papayag!"
"Anong Oh No?? ano bang nangyayari sayo at ano ang hindi maaari?? Lheanne nabaliw kana ba??"
"Che! Naisip mo ba na bakit si Ken ang kinuha nila Mom at Dad ??"
"Hindi!! Bakit nga ba??"
"Masama ang kutob ko Dana. Ayaw ko munang matali sa lalaking yun!"
"Ano bang pinagsasabi mo?? Nasiraan kana nga!"
"Hindi! Isipin mo nga bakit si Ken pa ang pinili nilang maging tutor ko?? Marami namang iba dyan. At bakit sobrang bait ni mommy sa kaniya?? Pinatuloy pa niya sa bahay, at alam mo ba, nakiusap si Mommy na don muna daw tumira si Ken.."
"What?? OMG Best magkasama kayo sa iisang bahay??!" -_-" nagtinginan lahat ang mga dumadaan saamin, sana nga talaga di ko na lang sinabi sa kaniya, nakalimutan ko mala Aegis ang boses niya. Malakas -_-
"Uh! Bakit?? anong tinitingin niyo??" sabi niya sa mga nagtitinginan agad namang umalis yung isang girl, natakot siguro kay Dana Pffft Hahaha.
"Kasalanan mo 'to, ang ingay mo kasi."sisi ko sa kaniya.
"Sorry Best. So ano magkasama nga kayo sa iisang bahay??" at talagang inulit p, buti na lang hindi niya na nilakasan.
"Oo, pero hindi ibig sabihin na iisang kama lang ang tinutulugan naming dalawa, Mukha niya!" siyempre hindi ako papayag, ano siya sinuswerte??
"Nako girl ikaw ang swerte pag nagkataon..Siya nga pala, maiba nga ng topic. Mukhang may iba sayo huh!"
"Huh?? Gumanda ba ako?? O pumayat??"
"Tanga ka parin talaga, ang ibig kong sabihin bakit hindi mo na bukangbibig si Christian??, at mukhang napagod ka ng sundan siya." hindi pa niya pala alam ang nangyari, ang totoo niyan nasaktan ako Oo, pero hindi ako galit kay Christian, napagtanto ko lang na tama si Dana, mabuti pang ilet go na lang si Christian.
"Oh ano na??!!"
"Tama ka."
"Anong ibig mong sabihin??"
"Si Christian at si Mitch na nga, nakita ko sila kahapon sa mismong bahay nila Christian, nandon din si Mitch, nakita ko silang magkayakap, nakita ko kung pano rin niya yakapin si Mitch, Huh nakakatawa noh?? Ngayon ko lang narealize, kahit kailan hindi ako niyakap ni Christian ng ganun. Masakit! Ang sakit!!! Dahil sa sobrang tagal kong naging baliw sa kaniya, ito lang pala ang mapapala ko." Hindi ko mapigilang umiyak sa harap ni Dana, sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
"Pssssh tama na, so yun ba ang dahilan kung bakit ka umalis palayo?? at muntik ka ng mamatay sa kalsada sa sobrang init ng katawan mo??, Lheanne the best thing to do is forget about him, forget about Christian. Best tama na, tama na yung malaman mong hindi kayo para sa isa't-isa."
"Dana. Hin-hindi ko kaya. Mahal ko parin si Christian eh, ewan ko! Naiinis ako sa sarili ko!" sagot ko umiiyak na din si Dana, alam kong concern siya sa akin alam kong nag-aalala lang siya sa'kin, pero hindi ko kayang kalimutan si Christian. Layuan si Christian siguro nga kaya ko, pero ang kalimutan ko siya??? Hindi ko kaya.
"I understand, mahirap sa ngayon. But Lheanne learn to move on, at tutulungan kita." Tumango na lang ako at niyakap si Dana, buti na lang may kaibigan akong masasandalan at laging nandyan pag may problema ako, si Dana na lagi kong inaaway dahil kay Christian siguro panahon na din na pakinggan ko naman si Dana ngayon.
"Tama na ang iyakan, may pasok pa ako eh." Oo nga pala, may klase din pala ako Hihihihi.
"Sige, salamat Dana."
"Wala yun, Kita na lang tayo sa labas ng gate, sabay na tayong umuwi mamaya." Sabi niya at tumakbo paalis, Umalis na din ako sa kailangan ko ng pumasok, hanep kasi yung tutor ko, akalain mo parang daddy ko lang siya, sabi niya magfocus daw ako sa pag-aaral ko at makinig dahil ididisscuss ko daw lahat sa kaniya lahat ng napag-aralan naming ngayon -_- bwesit talaga! Aist , naglalakad na ako papunta sa classroom naming, pero may nanghila sa'kin papunta sa likod ng vacant na room.
"Christian???" bakit niya ako dinala dito?? Sa ginagawa niya ngayon, mukhang mahihirapan talaga akong kalimutan siya. Nakatalikod siya sa'kin at nakapamulsa, hindi rin siya kumikibo, kaya nilapitan ko siya.
"Chris---"
"Lheanne, gusto ko ng tapusin ang pagiging magkaibigan na'tin." para akong nabingi sa mga sinabi niya, wala ng mas masakit pa sa nakita ko kahapon sa narinig ko ngayon, sinusuko niya na lahat ng pinagsamahan namin?? Pero bakit?? akala ko kaya kong tanggapin lahat ng sasabihin niya ang lahat ng mga magiging desisyon niya, pero ang hirap pala kung siya mismo ang nagsasabi sayo ng harap harapan. Naramdaman ko may pumatak na luha sa mga matako, at sinundan pa ito ng kaliwang mata ko hanggang sa sunud-sunod na silang bumabagsak papunta sa mga pisngi ko.
"Umiiyak ka??!!!!" tanong niya sa'kin, hindi lang ito basta tanong kundi fierce yung pagkakasabi niya, hindi ako makapagsalita, nanginginig ang mga kamay at binti ko at handang bumagsak anumang oras, humarap siya sa'kin.
"Alam mo ba,?? kung iiyakan mo ang isang tao na kailanman hindi ka pinahalagahan, ibig sabihin traydor ka sa sarili mo, tinatraydor mo ang sarili mo, dahil pumapayag kang masaktan"
"Dahil mahal kita!!!!!!!!!!!" hindi ko mapigilang ipamukha sa kaniya na kahit anong gawin niyang ikakasakit ng damdamin ko mahal ko parin siya. Nagcross arms ako at tinignan siya ng deritsyo.
"Mahal kita Christian, mahal na mahal. Kahit na simula pa nung bata pa tayo ilang beses mo na akong nireject, hindi ako sumusuko at umaasa parin akong magbabago ang isip mo at umaasa din ako na someday ako ang pipiliin mo!!!!!!!"
"Enough!!! Lheanne hindi kita gusto!!! Naiintindihan mo ba yun??? Hindi kita gusto!!!!"
PAKKKKKKKKKKKK!!!!!!!!!!!!!
Hindi ko napigilan ang sarili ko na sampalin siya, agad na bumalik ang diwa ko, at nakita kong namumula ang pisngi ni Christian, hinawakan ko ang pisngi niya, pero tinabig niya ang kamay ko.
"Layuan mo na ako!" sabi niya at dali daling naglakad palayo, hindi ko mapigilang humagulgol at mapaupo sa sahig at isinubsob ang mukha ko sa mga tuhod ko, ang tanga ko, bakit nagawa ko sa kaniya yun?? Dahil sa kamay na 'to nagalit siya sa'kin. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
"Ah miss, may magkaklase dito. May gagawin kapa ba dito??" teka familiar ang boses na yun ah! No! hindi pwedeng Makita niya akong umiiyak, agad kong pinunasan ang mga luha ko at tumayo agad.
"Wala! sige!" sabi ko at tuluyan na akong tumakbo, Kainissss!!!! Bakit ba lagi na lang siyang sumusulpot pag may nangyayaring hindi maganda?? Una nung nag-aaway sila mom at dad ngayon naman nung nagalit sa'kin si Christian Grrrr.
BINABASA MO ANG
Happen Ending
Teen Fiction" What is love for?" I let him know all my secret feelings for that stupid guy. He smiled at me, Why he's not answering my question??? Perhaps He feel irritated dahil sa ilang beses ko na yan tinanong sa kaniya. He took care of me. Yes. Once.? T...