Papunta ako ngayon sa hospital para magpacheck-up kasi ilang araw na laging masama ang pakiramdam ko, may kutob na ako kung bakit laging masama ang pakiramdam ko this past few days pero mas mabuti na yung sigurado kaya magpapacheck-up ako.
Pagkarating ko sa hospital, nagtungo na ako sa opisina ni Dra. Santos ang obgyne ko, papasok na sana ako sa opisina ni Dra. Santos ng mahagilap ng mata ko sina Theo at Anastasia na magkasamang lumabasa sa opisina ni theo napakunot ang noo ko, nakakapagtaka bat sila magkasamang dalawa.
Di nyo naitatanong si theo ay isang doctor, nagkakilala kami nung nagkabungguan kami sa daan muntik na kasi ako noon madapa buti na lang mabilis nya akong nahawakan sa may braso ko kaya laking pasalamat ko sa kanya dahil kung di nya ako nahawakan baka napano na ang mga anak ko at simula nun naging magkaibigan na kami.
Nung nakapasok na ako sa opisina ni Dra. Santos inalis ko na muna sa isip ko sina theo at Anastasia, binati ko si Dra. Santos, nakangiti din nya akong binati pabalik.
Sinabi ko sa kanya ang mga nararamdaman ko this past few days at sinabi ko din na di pa ako dinadatnan at nung nag PT ako dalawang red lines ang lumabas.
Pinapunta nya ako sa cr at pinagpalit ng hospital gown at nung naisuot ko na lumabas na ako ng Cr at pinahiga nya na ako sa higaan na nasa loob ng kanyang opisina at linagyan nya ng gel ang tyan ko malamig iyon sa tyan, pagkatapos nyang lingyan ang tyan ko ng gel, pinatong na nya ang isang device na di ko alam kung ano ba tawag sa device na yun.
Habang pinapaikot-ikot nya ang device na yun sa tyan ko may lumabas sa monitor at sinabi nya sakin na yun daw ang anak ko at dalawang linggo na ito, napaiyak ako nung malaman ko na tama nga ang hinala ko na buntis nga ako.
Renesetahan nya ako ng mga vitamins at sinabi nya ang mga di dapat at dapat kong kainin at pinapabalik nya rin ako para sa next check-up ko.
Masaya akong lumabas ng hospital, nakapagpasyahan ko na pumunta ng palengke, nac-crave kasi ako ng manggang hilaw na may kasamang bagoong.
Pagkababa ko ng taxi mabilis kong tinungo yung nakita kong nagbebenta ng manggang hilaw, bumili lang ako ng anim na piraso ng manggang hilaw pati ng siling labuyo at bagoong.
Pagkatapos kong bumili sa palengke masaya akong pumara ng taxi para magpahatid sa kompanya, pagkadating ko ng kompanya nagtaka ako kung bakit parang nagpapanic silang lahat, kaya kinalabit ko si manong guard at nagtanong kung ano ang nangyayari at nanlalaking mata ang sinalubong nya sakin at para bang nakahinga ng maluwag ito nung makita nya ako.
"kuya ayos lang kayo, btw ano bang nangyayari bat parang nagpapanic kayong lahat dito?" tanong ko ulit dito.
"haluhh ma'am, saan po kayo nanggaling, kanina pa po kayo hinahanap ni sir, alalang ala po sya sainyo."
"may pinuntaan lang ako saglit, ohh sya kuya lalarga na ako ahh" pagpapalam ko dito at tinanguan nya lang ako.
Di na ako nag aksaya ng oras nagtungo na ako sa elevator para puntahan ang asawa ko slash boss ko, habang umaandar ang elevator iniisip ko kung ano kaya ang magiing reakyonnito pag sinabi ko na magkaka anak na kaming dalawa ulit.
Nang bumukas na ang elevator, nakangiti akong lumabas at mabilis na tinungo ang opisina ni keith ibalita dito na ang good news ko, nae-excite ako at the same kinakabahan, pero mas nangunguna sakin ang saya.
Pagkabukas ko ng pinto, galit na ekspresyon ang bumungad sakin, pero nung siguro na pagtanto nya na ako yun, biglang lumambot ang ekspresyon nito at mabilis akong niyakap ng mahilig at nagulat na lang ako ng mabasa na ang damit ko.
Hinimas himas ko lang ang likod nito, para pakalmahin ito, nung humarap na ito sakin namumula ang mga mata nito, di ako nakareact nung bigla nya ako siniil ng halik na kalaunan eh tinugunan ko din, yung parehas na kaming kinapos ng hininga doon lang kami bumitaw sa halikan namin.
"hon, saan ka ba nagpunta, alalang alaala ako sayo kala ko iniwan mo na ako" mahihimigan dito ang sakit at takot.
"nagpunta lang akong hospital at sumaglit din ako sa palengke para mamimili nito" sabay pakita ako sa supot na dala dala ko.
"Sa susunod magpaalam ka naman sakin para di ako nagalala ok?"
"opo, sorry di na kasi kita ginising kasi ang sarap sarap ng pagkakatulog mo kanina eh" nakangiti kong sambit.
"ma-iba tayo, anong ginagawa mo sa hospital, may sakit ka ba, sana sinabi mo sakin para nasamahan kita" tanong nito sakin.
"nagpacheck-up ako, and guess what I'm 2 weeks pregnant hon, magiging daddy ka na ulit" masayang masaya na anunsyo ko sa kanya.
Di ko inexpect ang reaksyon nya bigla na lang kasi itong napaluhod at may luha sa mga mata sabay himas sa hindi pa-umbok na tyan ko, natawa ako dito kasi para itong baliw na umiiyak at the same nakangiti.
"God, thank you, thank you for giving us another blessing" sambit nito sabay halik na naman sakin, namumuro na toh ahh, ohh sya pagbigyan beside gusto ko rin naman ahee.
thank you for waiting guys mwahhh
BINABASA MO ANG
My Ex Boyfriend Got Me Pregnant (Completed)
Romans"Tapusin na natin toh, ayoko na , pagod na akong magpanggap na mahal talaga kita, ket na ang totoo ehh, ndi naman talaga kita mahal, I'm sorry kung ginawa ko toh sayo, gipit na gipit lang talaga ako, at ang akala ko matutulungan mo ako at ng pamily...