Naglalakad ka sa hindi pamilyar na kalsada. Nandito ka ngayon sa Zambales at nagbabalak na magpakasaya mag-isa. Gusto mong magbakasyon sa loob ng tatlong araw. Gusto mong makatakas sa stress sa trabaho. Gusto mo ng ibang environment at makalimot sa mga problema't responsibilidad.
Sabi mo sa sarili mo noon, na balang-araw, magtra-travel kang mag-isa. Gusto mo lang masubukan kung anong pakiramdam. Gusto mo lang maranasan nang isang beses.
At naramdaman mo nga na hindi rin masama ang mamamasyal na mag-isa. Sa pagbiyahe mo, napagtanto mong walang drama na nagaganap. Walag away. Mas payapa ka. Mas tahimik.
Iyon nga lamang, hindi ka pamilyar sa lugar at mag-isa ka ngayon naglalakad habang hinahanap ang tinatawag nilang Voila Natividad. Isang staycation house na malapit sa beach resort na pupuntahan mo.
Namomoblema ka kung tama ba ang direksyon na nilalakaran mo. Nagtanong ka sa mga tindero sa tindahan ng itlog at bigas.
"Malapit ka na po. Doon na po 'yon. Liko ka lang sa kanan. Pangatlong bahay, iyong may green na gate. Iyon po ang Voila Natividad." Tinuro ng tindero kung saan makikita ang hinahanap mo.
"Salamat po," pasasalamat mo bago ka umalis.
Sinunod mo ang sinabi ng estranghero hanggang makita mo ang berdeng gate. Tumawag ka muna sa landlord ng bahay at sinabing, "Hello po, nandito na po ako sa tapat. Sorry po, na-late ako. Naligaw po kasi ako eh."
Sinabi ni Manang na lalabas siya sa bahay, hintayin mo lang daw siya at huwag kang umalis sa kinatatayuan mo. Pinatay n'yo na ang linya at napabuntong-hininga ka habang tumitingin sa paligid.
Malaki ang bahay, mukhang malawak, tatlong palapag ang mayroon at may swimming pool pa sa gilid. Mayroon ding parking lot, garahe at may nakatayong fountain sa gitna. Mukhang sulit naman ang binayad mo.
Maya't-maya pa lumabas na si Manang. Nakita mo na matanda na talaga siya. Puti na ang buhok at kita na ang mga kulubot sa balat pero mukha pa rin siyang malakas. Binati ka niya at binigyan ka ng matamis na ngiti.
"Halika na. Pasok ka na sa loob." Niyaya ka niya pumasok at pinagbuksan ka ng gate. Sumunod ka sa likod niya. Bitbit mo ang isang malaking bagpack at isang crossbody bag.
Habang naglalakad ka ay iniikot mo ang paningin. Nakita mo kung gaano kalinis at kaelegante ang lugar. Saan ka man tumingin ay may mga halaman, bonsai at bulaklak. May tatlong pinto kayong nadaanan. Tapos, huminto kayo sa pang-apat na pinto. Mukhang umabot na kayo sa dulo.
"Ito na ang pinakahuling kwarto. Ito lang ang pwede mong maupahan ngayon. Okupado na kasi ang lahat bukod dito," paliwanag ni Manang at nag-aalalang tumingin sa 'yo.
"Pero pare-pareho lang naman po mga kwarto rito 'di ba?" tanong mo.
"Oo. Pare-pareho lang ng disenyo at sukat. Pare-pareho rin ng mga gamit."
"Kayo po ba may-ari ng bahay na 'to?"
"Hindi. Namana ko lang 'to sa mga magulang ko. Dating paupahan 'to at ang madalas umupa rito dati ay mga college students."
"Ah." Tumango-tango ka na lang.
"Ito ang duplicate key ng kwartong 'to." Ibinigay sa 'yo ni Manang ang susi. "Kailangan mong mag-deposit. Kapag nag-check ako ng gamit at wala naman akong nakitang nasira, ibabalik ko rin sa 'yo ang isang libo."
"Okay po." Pumayag ka na lamang at nagbayad ng isang libo.
"Bawal bumili at uminom ng alak. Bawal maglasing dito."
"Okay." Tumango ka ulit.
"Sumunod ka sana sa bawat patakaran. Maasahan ba kita?"
Saglit kang natigilan at tinitigan mo si Manang. Medyo nagtataka ka kasi sobrang seryoso ng mukha niya na para bang pinagbabantaan ka.
BINABASA MO ANG
SECOND POV: Voila Natividad
Short StoryNagtungo ka ng Olangapo, Zambales upang magbakasyon. Hinanap mo ang Voila Natividad, isang staycation house na malapit sa beach resort na pinagkakainteresan mong puntahan. Nangako ka sa landlady na susundin ang bawat alituntunin sa bahay. Kasama na...