Buti Na Lang Andiyan Ka <3

82 0 0
                                    

BESTFRIEND... isang taong makakaintindi sa'yo sa oras na wala ka sa mood mo, natatanging nakakaalam ng sikreto mo na pakakatago-tago mo at isang taong kapag naiinis ka lalo ka pang iinisin.

Pero nagkaroon ka na ba ng TUNAY na BESTFRIEND? Yung taong di ka kayang tiisin kapag nagtatampo ka at taong maiintindihan ka at yayakapin ka lang kapag umiiyak ka....

Isa akong maituturing na taong masayahin, positibo ang pananaw sa buhay at mataas ang pangarap. Nakikita ako ng mga tao bilang isang ehemplo sa bawat pagsubok. Tinatanong nga nila ko kung minsan ng, "Wala ka bang problema sa buhay mo at kahit anong pagkakataon ka nakangiti ka lang?"

Isang matamis na ngiti lang ang sinusukli ko sa bawat naririnig kong papuri. Lalo kong pinapakita sa kanila na masaya ang buhay. Na kailangan ngumiti kahit na anong bagyo ang pinagdadaanan sa buhay. Maging positibo at manalig sa Maykapal!

Pero hindi nila alam na kapag nag-iisa na lang ako, doon ko nailalabas lahat ang nararamdaman ko. Doon ko iniiyak lahat ng sama ng loob at bigat ng mga problema ko. Sinusubukan kong maging matatag sa harap ng maraming tao para magkaroon sila ng inspirasyon sa buhay. Ayaw ko makita nila akong malungkot at mahina, dahil gusto ko na mismong ako ang magpalakas ng loob nila.

Pero sa paglalakbay ko sa aking buhay......

Buti Na Lang Andiyan Ka &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon