Part6

28 0 0
                                    

Akala ko nakinig siya sakin. Pero nagpatuloy siya sa pagmamahal sa babaeng yun. Wala akong magawa kundi suportahan siya.

Nakikita ko na unti-unting nadudurog ang damdamin ni Jez. Lumilipas ang mga araw at nakikita ko na lalo pa siyang nahuhulog sa babaeng iyon. Ayoko naman kumontra sa nararamdaman ni Jez. Baka kasi mamaya nangingialam ako sa buhay niya.

Ayoko naman na dahil sa concern ko sa kaibigan ko, ako pa ang lumabas na masama. Basta ang sinabi ko sa kanya, andito ako na aalalay sa kanya at handang makinig kung gusto niya ng kausap at mapaglalabasan ng sama ng loob.

Hanggang sa di na niya kaya, ang kaya na lang niyang gawin ay umiyak sa akin.

Jez: Dre, may kulang pa ba sakin? Ano bang meron yung lalaking yun na wala ako at di niya ako magawang mahalin?

Ako: Dre, ano ka ba? The best ka nga eh. Swerte nga ng magiging syota natin ah. Perpekto na nga tayo eh, djOke lang! Ideal man tayo dude. Di siya kawalan sa'yo pare. May mga ibang babaeng nagmamahal sayo di mo lang napapansin kasi nakatuon lang ang pansin mo sa babaeng yun

Jez: Kaso mahal ko talaga siya e.

Ako: Eh diba mahal naman niya iba? Paano yun? Mag-aantay ka na lang forever?  Paano kapag may babaeng pinakilala na pala sayo ang Diyos kaso inisnab mo kasi yung babaeng yun lang ang nakikita mo diba?

Jez: Iba kasi siya eh. May quality siya na di ko nakikita sa iba.

Ako: Basta dre andito lang ako para alalayan ka. Susuportahan kita sa bawat desisyon mo. Kung kailangan mo ng shock absorber, magiging iyon ako para sa inyo. :)

Jez: Salamat dre.

Niyakap na lang niya ako habang umiiyak siya. Nararamdaman ko yung sakit na nararamdaman niya. MAsakit nga naman magmahal na hindi ka napapansin ng mahal mo diba? Kung gaano kasarap ang feeling ng pagiging inlove, ganun din kasakit siguro yung nararamdaman ni Jez ngayon.

Iniisip ko kung ako ang nasa sitwasyon niya. Baka araw-araw ko nang iiyakan ang babaeng iyon. Alam kong mahirap magmove-on! Lalo na kapag hindi naging kayo ng babaeng gusto mo diba?

Akala ko nakamove-on na ako sa past ko tapos biglang naipaalala sakin yun ni Jez. Biglang natulala ako. Na-open niya yun matapos ang usapan namin sa araw na yun. Nag-flashback bigla yung lahat ng nangyayari sa amin :(

Itutuloy....

Buti Na Lang Andiyan Ka <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon