Di ko inaakala na kung sino yung taong di ko naman masyado makakausap ang siya palang makakaintindi sa nararamdaman kong bigat sa aking buhay.
Isang gabi, nung nalaman niya na nag-break kami ng present ko, nagtext siya sabi sakin.
"Okay lang yan. Marami pa naman iba diyan. Andito lang kaming mga kaibigan mo. Mahal ka namin. Huwag na huwag kang malulungkot ha kasi kapag nalungkot ka sigurado mawawalan din ng kami ng saya."
"Alam ko naman yun. Salamat ha kasi kahit di tayo ganun ka-close concern ka pa rin sakin. Kahit di kita masyado kinakausap kahit magkaklase tayo mabait ka pa rin sakin. Salamat ng marami ha.", reply ko sa kanya.
"Eto naman, ikaw nga mabait jan eh. Hehe. Pinapasaya mo palagi ang klase natin. Buti na lang kaklase ka namin. Kaya wag ka magbago kasi maninibago ang lahat at magiging tahimik ang buong block natin" reply niya ulit sakin na pinapalakas ang loob ko.
"Sige gagawin ko yan. Ayoko nakikitang malungkot kayo. Salamt uli ha", huling text ko sa kanya nang gabing iyon dahil nakatulog na ako.
Nagulat ako. Di ko inasahan yun. Akala ko walang taong nakakakita ng kalungkutan ko. Pero siya pala nakiita niya yun. Siya ang natatanging nakakita nun. At natutuwa ako.
Hanggang sa pagpasok ko nang sumunod na araw ay nangungulit sila lahat sakin para lang wag akong malungkot. Buong tropa ko, kasama na si Jez doon, pinipilit nila na ngumiti ako at maging masaya ako dahil malulungkot daw sila. Nakakatouch lang diba? Na may mga taong nandiyan para passayahin ka at ayaw kang nakiitang malungkot. :)
Imbes na iyakan ko ang taong nanakit sakin, pinilit kong sumaya dahil sa sinabi ni Jez. Mahirap sa umpisa pero kinaya ko hanggang sa tuluyan na akong makamove-on sa past ko.
Lumipas ang mga araw hanggang sa naging malapit na ang loob ko kay Jez. Di siya marunong magalit, halos lahat nga ng pabor ko ginagawa niya hangga't kaya niya. Nakaka-amaze ang kabaitan niya. Wala siyang reklamo kahit minsan di okay ang mood ko. Iniintindi niya ako!
Wala ako masabi sa kanya. Hanggang isang araw, dumating ang pagsubok sa buhay niya. Nagkagusto siya sa isang babaeng wala namang nararamdaman sa kanya! Alam ko masakit yun, alam ko ang pakiramdam ng one-sided love ng isang kabataan.
Nakiita ko kung gaano niya kamahal ang taong iyon pero binabalewala siya. May isang laro na pareho naming paborito nung taong gusto niya. Kaya ginawa niya ang lahat para matutunan ang larong yun. Dahil din doon, lalo kami naging malapit sa isa't isa. Naging bonding na rin namin yun kumbaga.
May pagkakataon pa nga na naglalaro kami doon dahil nandoon yung babaeng gusto niya. Nakakabilib siya magmahal. Iba siya kung magpakita ng effort. Di nga lang niya maamin agad. Torpe din kasi siya, mana lang sakin! Hahahaha :D
Malapit na ang kaarawan ng baabeng pinapangarap ni Jez.........
Itutuloy..