Dumating ang araw na naranasan ko ang una kong heartbreak sa college life. Alam ito ng mga matatalik kong kaibigan, lahat sila alam ang nangyari sakin. Pero kahit kailan, di nila ko nakitang umiyak at ni isang butil ng luha walang pumatak kapag kaharap ko sila.
Ayaw kong isipin nila na dahil sa break-up namin ay magmumukmok ako at iiyak ng isang linggo. Matatag ako! Yan ang pinakita kong uali sa kanila. Mahal ko kasi sila at gusto ko na mapalakas ko ang loob nila kapag sila ang may dinadala.
Pero sa bawat ngiti na pinakita ko at halakhak na binitawan ko, may tinatago akong luha at sakit sa aking puso. Sa iisang tao ko lang madalas sabihin ang nararamdaman ko. Di ko siya ganun kalapit pero kahit anong oras ay handa siyang makinig sakin.
Si Jez, isang kaibigan ko na tahimik pero kwela. Minsan lang bumanat pero patawa talaga. Classmate ko siya ng isang sem pero di kami gaanong nag-uusap. Kung mag-usap man di ganoon kadalas at katagal.
Tahimik siya, parang suplado pero mabait talaga siya. Di ko nga akalain na ganoon pala kabait yun. Di ko kasi alam kung paano ko siya ia-approach noong una. Mahirap hulihin ang ugali niya, ito ang una kong impresyon sa kanya.
Pero nagkamali ako. Ang inaakala ko na di ko makakasundo, siya pa pala ang taong makakaintindi sa isa sa mga pinakamahirap na parte ng buhay teenager.
Itutuloy....