May isang tao akong nakilala. Isang taong di ko inaakalang magiging isa sa mga matalik kong kaibigan.
Ako nga pala si Hordan, 1st year college, masayahin, palatawa at palangiti. Marami na akong naging bestfriend, siguro higit sampu na mula noong highschool.
"Di kita iiwan", "Andito lang kami palagi para sa'yo", "Di ka namin kakalimutan"... Ilan sa mga pangakong napako ng mgatinuring kong bestfriend. Ewan ko ba kung bakit ganun!
Sa una, sasamahan nila kong lumipad ng mataas, tapos kapag matayog na kami saka ako iiwanan sa ere at babagsak ako ng mag-isa.
Ganoon ba talaga ang buhay? Kailangan bang maraming beses ka munang masaktan para matuto ka? Bakit nga ba nila ako iniiwan sa ere? May kulang ba sa akin? Wala naman ako nagagawang mali pero bakit nila ko tinatakbuhan?
Sa una, maayos naman ang samahan namin eh. Kwentuhan at madalas na tawanan pero habang tumatagal parang nagsasawa sila na kasama ako. Di naman ako demanding pero feeling ko iniiwasan nila ko.
Pagtuntong ko ng college, pinangako ko sa sarili ko na bago ko ituring na bestfriend ang isang tao, sisiguraduhin ko na ituturing din niya akong bestfriend din. Mahirap naman kapag ako lang yung nagtuturing na bestfriend.
Nagkaroon ako ng maraming kaibigan, mga kaibigang mapagkakatiwalaan. Hanggang sa nakabuo kami ng grupo. Samahan namin ang pinakamatatag at kilala sa campus namin. Dahil nga sa palagi kami magkakasama sa first semester, nakilala kami bilang masayahing grupo.
Nakikita nila kami na totoong nagmamahalan. Iisang baso sa pag-inom kapag wala nang choice, isang chichirya lang para sa aming lahat at sama-samang nakikitulog sa iisang bahay. Sobrang nakakatuwa lang at nakakagaan ng loob na makasama sila palagi.
Kaya kahit na may problema kami, pinipilit namin maging masaya sa kahit anong pahgkakataon. Ako kasi ang tinuturing nilang leader sa grupo at natatakot ako na baka kapag nakita nila akong mahina, di na sila maniwala sakin kapag gusto ko palakasin ang loob nila.
Dumating ang araw na......