Part7

25 0 0
                                    

Gusto ko nang makalimt sa nakaraan ko. Para akong nabangungot sa pagkakabanggit na yun ni Jez tungkol sa ex ko. Aaminin ko may nararamdaman pa ko sa kanya nang mga oras na yun at mahirap ko siyaang kalimutan sa dami ng magaganda at masasayang pinagsamahn namin.

Natulala ako. Lumipad ang utak. Lumutang ang kaluluwa sa kamangmangan. Nang bigla akong tinapik ni Jez at muli ay nagbalik ako sa realidad ng buhay.

Jez: Uy dre, bakit? Sorry ha nabanggit ko si Mhine mo. Sorry dre. Kalimutan mo na yun. Pasensya ka na ha.

Ako: Ah okay lang. Sorry din natulala ako. May sinasabi ka pala di ko na tuloy narinig. Tara pasok na tayo sa susunod na klase natin.

Sabay ngiti ako sa kanya para di na siya mag-aalala.

Pero hanggang matapos ang klase namin ay di ko na naalis sa isip ko si Mhine (tawagan namin ng ex ko). Di nila ako akausap ng matino sa pag-uwi at halata nila na may malalim akong iniisip nang mga oas na iyon. hinayaan na lang nila ako. Alam kasi nila na ayaw ko nang kinukulit ako.

Hanggang pag-uwi ko naiisip ko pa rin yun. Ewan ko. Sobrang nahihirapan akong agmove-on kay Mhine. Mahal ko nga kasi. Pero bakit di ko magawa sa sarili ko yung bagay na inaadvice ko sa iba? Bakit di mo kayanin na kalimutan na ang taong nanakit sa akin at hanapin ang taong handang magmahal sa alin ng totoo diba? Bakit ba ganun ang buhay? Nahihirapan tayong kalimutan ang isang bagay kahit na nasasaktan na tayo at mas pinipili nating masaktan na lang kaysa kaimutan sya.

Hanggang makatulog ako nang gabing iyon pero pati sa panaginip ko siya ang laman nito. Magkahawak kami ng kamay at masayang naglalakad. Imbes na ngumiti ako paggising ay naiyak ako sa sakit na nararamdaman ko. Miss ko lang talaga siguro si Mhine kung kaya ganun na lang yung nararamdaman ko. :((((

Pumasok ako nang araw na yun na hindi okay. Walang ekspresyon ang mukha at damdamin ko kundi kalungkutan lang. Tahimik ako at walang masyadong imik kahit kanino.

Nagtaka si Jez at ang mga kaibigan namin. Nilapitan nila ako at pinilit nila akong pasayahin. Nagyaya silang manood ng sine at kumain sa mall. Pero hindi a rin ako naging okay. Alam ko naman na kaya nila ginagawa yun ay gusto nila ko makitang ngumiti at sumaya. Yung dating ako na masaya at maingay kapag kasama ko sila.

Hayy..... Naiiyak ulit ako dahil naaalala ko ulit ang nakaraan ko. Hanggang di ko na mapigilan at tumulo na ang luha sa mga mata ko na parang mga parang mga butil.

Itutuloy.........

Buti Na Lang Andiyan Ka <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon