Part5

27 0 0
                                    

Pero bago pa dumating ang mismong kaarawan ng babaeng pinakamamahal ni Jez ay nabanggit na niya sa akin noon na mayroon siyang isang bagay na pinag-iipunan. Inusisa ko siya tungkol dito ngunit ayaw niyang sabihin ero mayroon na akong ideya tungkol dito. Marahil ay nag-iipon siya upang makabili ng isang magandang regalo sa babaeng mahal niya.

At mismo! Di nagkamali ang hinala ko. Tama nga. Isang kwintas na may pendant na ANGEL ang ibinigay niyang Debut gift sa kanyang minamahal.

Pero.......

Alam ni Jez na may iba nang itintibok ang puso ng babaeng iyon. Gayunpaman, pinili niya na mahalin ang babaeng iyon ng walang hinihinging kapalit. Nakikita ko ang effort at pagpupursigi ni Jez na mapasagot ang babaeng mahal niya.

Ganun nga naman talaga kapag nagmamahal ka, kahit nagmumukha ka nang tanga, okay lang sayo. Basta maipakita mo sa kanya na mahal mo siya at totoo ang nararamdaman mo para sa kanya.

Alam ko na nadurog ang puso ni Jez sa nalaman niya na may iba na ngang mahal ang taong mahal na mahal niya. Kaya sa pagkakataong ito, ako naman ang magbibigay ng lakas ng loob sa kanya.

Nilapitan ko siya at nag-usap kami ng masinsinan.

Ako: Dre, mahal mo talaga si Shexa noh?

Jez: Oo naman dre. Nakikita niyo naman siguro kung gaano ko siya kamahal diba at ayoko siya mawala sa akin.

Ako: Kahit alam mo na may mahal na siyang iba okay lang ba sayo?

Jez: Oo, handa naman ako maghintay eh. Alam ko dadating ang araw na matututunan din niya akong mahalin.

Ako: Paano kapag di dumating ang araw na yun? Habambuhay ka na lang ba maghihintay sa kanya? Bakit di ka na alang magmove-on?

Jez: Mahirap yun dre. Masakit! Ayoko siyang i-give up. Mahal ko talaga siya e.

Ako: Pero diba kung mahal mo ang isang tao, you will set her free at magiging masaya ka na lang kung saan siya magiging masaya?

Di na nakapgsalita si Jez. Natahimik siya sa sinabi ko. Siguro nag-iisip siya na tama ako. Sana lang ay pinakinggan niya ang sinabi ko sa kanya.

Pero nang mga sumunod na araw...............

Itutuloy...

Buti Na Lang Andiyan Ka <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon