Intruder
I was all alone that evening, mom and dad are on business meeting for one week. Si Jebsein naman ay may sariling condo unit sa Pasig.
Nakatulog ako pag-uwi at 8:00 na nagising, inayos ko ang buhok ko na nagulo dahil sa pagkakatulog ko
Hinilamos ko din ang aking mukha gamit ang mga palad at tumayo na sa kama.
Kinuha ko din ang cellphone ko na nasa study table ko, umilaw 'yun ay nagsimulang mag vibrate.
"Hello, mom?" Humihikab pa ako ng sinagot ko ang tawag ni mommy
"Hi anak! Are you okay ba dyan? We're sorry if we left you alone.." Ngumiti ako at dahan-dahang binuksan ang pinto ng kwarto ko
"I'm okay mom, don't worry about me. Hindi na po ako bata, I can handle myself. Ingat kayo dyan ni dad." Tumawa sa kabilang linya si mommy, para namang hinaplos ang puso ko
"I know anak, osya sige. May dinner meeting pa kami ng daddy mo, I love you anak. Take care." Malambing na paalam niya
"I love you more my mom." Sagot ko at pinutol na ang tawag namin
Nang tuluyan na akong makalabas sa kwarto ay naramdaman ko ang kakaibang lamig, bukas ba ang pinto? Hindi ba nasara ng mga kasambahay?
"Yaya? Manang...." Habang pababa sa hagdan ay tinitingnan ko ang ibaba, walang tao. Tulog na ba ang mga ito? Impossible, maaga pa
"Manang? Where are you guys?." Nagtungo ako sa kusina, wala ding tao dun. Saan kaya posibleng pumunta ang mga kasambahay?
"Ahh!" Halos matumba ako sa pagkakatayo, nanginig ang buong sistema ko at nanuyo ang lalamunan. Naramdaman ko ang kakaibang takot
Ang isa sa guard namin ay nakatali ang mga kamay at may busal sa bibig, may dugo din ito sa tagiliran niya at pilit nagpupumiglas.
Nanlaki ang mga mata niya ng makita ako at umiiling ng paulit ulit.
Lumuhod ako sa harap niya at tinanggal ang nakabusal sa bibig niya
"M-maam, umalis kana po...umalis kana!." Hindi ko alam ang gagawin, nagpapanic ako sa kaloob-looban ko
Tumagos ang takot sa sistema ko ng may makinig akong mabibigat na yabag
"A-alis na po ma'am!." Nanginig ako at agad na tumayo, halos mawala na ang dugo ko sa katawan ng magtama ang mga mata namin ng hindi ko kilalang lalaki
Malaki ang pangangatawan nito, parang isang boksengero!
"Ayun! Nandito pala ang anak ni Louson!." Sa sobrang takot ay tumakbo ako, hindi ko na alam kong ano ang dapat kong unahin, ang alam ko lang dapat hindi nila ako maabutan
Halos hindi ko makita ang daanan ko dahil sa sobrang kaba at sa luhang namumuo na sa mga mata ko dahil sa sobrang takot
Please, Cheina Blaire! Kayanin mo! Tumakbo ka ng mabilis!
"Mga tanga! Bilisan niyo!." Sigaw ng lalaki kaya naman mas binilisan ko pa ang takbo
Halos magkandadulas-dulas ako sa hagdan pero hindi ko ininda 'yun, nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa makaabot ako sa kwarto ko
Luhaan kong inilock ang pinto ko, napaluhod pa ako sa panginginig at nagsimulang umiyak
Nanginginig kong binuksan ang cellphone ko at dinial ang number ni Jebsein
"Oh, ate-"
"J-jebsein, tulong! The...may mga pumasok sa bahay! May guard na sugatan! I-i was in my room, I run! Madami sila, please...please send he-help!" Hindi ko na mabosesan ang sarili ko lalo na ng makinig ko ang boses ng mga lalaki sa labas ng kwarto ko
"Shit! Stay strong sis, I'll send help immediately. Tatawag ako ng pulis, iligtas mo sarili mo!" Tumango tango ako habang humahagulhol
"Ahhh!" Takot na takot ako ng maramdaman kong tinutulak nila ang pinto ng kwarto ko
Matibay ang pinto ko, pero hindi ko masasabi ngayon 'yun dahil malalaki sila! Hindi ko alam kong anong kaya nilang gawin!
Namatay ang tawag ko kay Jebsein, nanginginig akong tumayo at lumapit sa bintana ko
Kahit pa nanghihina ako ay pinilit kong tingnan kung may tao ba sa baba. Agad kong binuksan ang pinto ng veranda ko.
Nang masiguro na walang tao sa baba ay inipt ko ang cellphone ko sa short ko at naghanap ng mga bato sa dingding na pwedeng pagbabaan mula sa veranda ko patungo sa baba
Napalunok ako, kahit pa bermuda grass ang babagsakan ko ay hindi ako sigurado na hindi ako mapipilayan.
"Dali! Mga tanga!" Lumunok ako bago nagdedisyon na tatalon nalang
It's now or never! It's either mapatay nila ako o mabalilaan ng iilang buto!
Pikit mata akong tumalon, may kataasan at mahapdi ang pagbagsak ko pero hindi ko ininda. Naramdaman ko pa ang hapdi sa siko at tuhod ko pero binalewala ko 'yun
Lalo na ng makinig ko ang sigaw nila sa itaas ko
"Ang tatanga niyo! Ayan nakababa na!" Tumakbo ako matapos kong makatayo, paliay liay pa ako pero kakayanin ko
"Blaire!." Bumuhos ang luha ko ng makinig ang pamilyar na boses, lumambot ang tuhod ko at para bang kahit anong oras ay bibigay ako
"Calyx..." Patakbo siyang lumapit sa akin, nag-aalala ang mga mata. Nag-aalab ito at nag uumapaw sa galit at pagkadismaya
Hindi ko alam kong para saan ang mga 'yun, hindi ko na maalinawan kung ano ba ang unang dapat maramdaman
Nakinig ko ang pagdating ng mga pulis habang bumagsak ako sa mainit na bisig ni Calyx. Sinusuyo niya ako habang inilalabas ko ang takot at mangamba sa pamamagitan ng pag-iyak
"Shhh, you're safe now. I'm sorry, I'm sorry natagalan ako...I'm here now Blaire, you don't have to be afraid." Ang kaniyang tinig ay puno ng seguridad na para bang ipinararating nito na wala ng makapananakit sa akin sino man
Inilabas ang mga guard na sugatan at iilang kasambahay na nawalan ng malay, isinakay sila sa ambulansya habang ako naman ay yakap ang sarili at nakalagay ang mga braso ni Calyx sa aking likuran. Para bang pinoprotektahan ako kung saan
Inilagay niya din ang kaniyang blazer sa akin para matanggal ang lamig na nararamdaman ko
"Tumawag si Jebsein sakin, nagkataon na malapit lang ako...I'm sorry, I was too late." Tumingin ako sa kaniya, kanina pa siya humihingi ng tawad, hindi naman niya kasalanan 'yun
"It's okay, it's not your fault. Thank you for coming.." Naramdaman ko na naman ang panginginig at kunting pagkahilo
Sa sobrang shock siguro ng sistema ko, inalalayan niya ako at marahang niyakap.
"Let's go home, Blaire. You're not safe here for a while."
YOU ARE READING
Midst of Yesterday ✔️
RomanceWhen she left me the world seem so dark, I find no joy and happiness. It's just gray and ashes. Losing her was the worst nightmare. And seeing her happy without me, makes me feel afraid that she doesn't need me anymore, that she can live without me...