Kabanata 22

68 2 0
                                    



Blood


Malawak ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang aking engagement ring, hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyari kamakailan lang. Na-o-overwhelm ang puso ko at ninanais na sana hindi na matapos ang kasiyahan na pumupuno sa aking puso.


"Nice ring." Napatingin ako sa babaeng biglang nagsalita, nasa labas ako ng opisina at nagbabalak na umuwi sana dahil biglang sumama ang pakiramdam ko pero huminto muna ako para pagmasdan ang singsing ko


"Yeah, planning to ruin my engagement again?" Muli kong ibinalik ang tingin ko sa daliri ko na may singsing, hindi siya pinagtutuunan ng kahit kaunting tingin


"You let me ruin your engagement." Natiklop ang isang kamay ko at pinilit na pakalmahin ang sarili


Ibinababa ko ang kamay ko na may suot na singsing at hinarap ang babaeng nandito ngayon


"Hindi ko alam kung paano ka nakakapasok sa kompanyang ito, dapat ay nandoon ka sa pugad mo--pugad ng mga ahas." Tumawa siya at lumapit sa akin, hindi ako nagpatinag at matapang lang siyang tiningnan


"For so many years... you took everything from me!" Binigyan ko siya ng sarkastikong ngisi 


"Kahit kailan ay wala akong kinuha sayo, assumera ka lang." 


Tiningnan niya ang singsing ko, pinagtaasan ko siya ng kilay dahil doon. Kanina niya pa 'yun tinitingnan


"Don't pretend that you did not know, simula noong makilala kita inggit na inggit na ako sayo!" Nakita ko ang galit sa mga mata niya, hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga 'yun. Gumaganti lang naman ako sa kaniya dahil siya ang nauuna, pero kung hindi niya ako inuunahan ay hindi kami magkakaaway


"You have everything! Maganda ka, mayaman ka, sikat ka sa buong campus at maging sa labas noon! When I'm with you, I feel so little, pakiramdam ko ay nakikita at kinakausap lang ako ng iba dahil alam nilang kaibigan kita. That hurt me so much, na anino mo lang ako, na palaging nasa likod lang ako."


"But it was not my intention--"


"At 'yun ang dahilan!" Pagputol niya sa balak kong sabihin


"Palaging hindi mo intensyon, palaging hindi mo sinasadya, palagi ka nalang nag-so-sorry, palagi nalang dapat ikaw! I hate that, ikaw nalang palagi. Dapat palagi na sayo ang sentro ng atensyon, kahit nga wala kang ginagawa hinahangaan ka na ng lahat, kahit nga makita ka lang nila isasamba kana, and I was there behind you! Naaapak-apakan ng tao, tinutulak ng mga tao para lang mapalapit sila sayo. Lahat ng gusto ko napupunta sayo, lahat ng gusto mo nakukuha mo, pati ang kaisa-isang lalaking minahal ko ikaw din ang gusto. How can you be so selfish!?" Tumulo ang mga luha niya at nakakuyom ang kaniyang mga kamao, para bang punong-puno ng galit ang puso niya sa akin


"You're insecure Grace, h'wag mong isisi sa iba 'yun at lalong 'wag mong isisi sa akin."


Midst of Yesterday ✔️Where stories live. Discover now