Whim
It's been exact one week, since Calyx and I started our new relationship.
This was my first relationship since our last, at nagiging malawak ang pananaw ko sa relasyon.
"Hija, I'm glad you're here!" Malawak ang ngiti ni Tita Emelda ng salabungin niya ako
"Na-miss ko po kayo, kaya imposible na hindi ako makapunta" Nakangiting sagot ko sa kaniya at sinalubong ang kaniyang beso
"I'm so happy that you and Calyx are finally together na, p'wede na ata akong sumakabilang buhay dahil d'yan"
Sabay kaming nag-react ni tito Ben sa sinabing 'yun ni tita Emelda
"Tita, don't be like that po 'no!"
"Ano ba kayo! Nagbibiro lang ako, gusto kong makitang maging masaya muna kayo." Tumawa siya ng mahina at inakay na ako palapit sa mga guest nila
59th Anniversary ni tita Emelda at tito Ben, nagpasama nga ako kanina kay Calyx sa mall para mamili ng regalo. Kahit siya ay tinulungan ko din na maghanap since wala pa din pala siyang naihandang iregalo.
Biglaan lang din ang selebrasyon nila, ang unang plano sana ay family dinner nalang. Pero dahil gusto ni tita na muling mag celebrate kasama ang mga kaibigan at ilang business partners nila ay naging engrande ang okasyon.
"My word can't explain how happy I am since the day na nagkabalikan ulit kayo ng anak ko..." Hinaplos ni tita ang mga daliri ko, madamdamin niya akong tiningnan. Halata sa mga mata ang kasiyahan niyang nadarama
"Hindi naman po kami nagkabalikan ni Calyx...nagsisimula po ulit kami tita.." Marahan niyang pinisil ang mga daliri ko
"You two deserve to be happy, maging masaya kayo. I can't bear another year to see you both struggling." Tumango-tango ako at niyakap siya
Ever since, tita Emelda was so good to me. Kahit noong hindi pa kami nag-uusap ni Calyx ay sobrang bait na niya sa akin, kaya naman ganoon nalang ang kasiyahan niya ng malaman niyang kami na noon ni Calyx. Umiyak pa ito at gustong magpatawag para sa isang celebration party.
"Thank you tita, for everything."
"Call me mom." Malawak ang naging ngiti ko na agad din niyang ginantihan
"Thank you so much..mom"
"Mom, can I have my girlfriend for a sec'?" Sabay kaming napatingin ni tita kay Calyx na kung saan nanggaling, kanina pagkapasok namin sa venue ay bigla siyang nawala tapos ngayon naman ay bigla siyang susulpot.
Nainis tuloy ako sa kaniya bigla
"Sure! Go ahead, enjoy the party!" Hinawakan niya ang bewang ko para igiya papalayo kay tita, muli ko namang nginitian si tita at saglit na nagpaalam
YOU ARE READING
Midst of Yesterday ✔️
RomanceWhen she left me the world seem so dark, I find no joy and happiness. It's just gray and ashes. Losing her was the worst nightmare. And seeing her happy without me, makes me feel afraid that she doesn't need me anymore, that she can live without me...