Kabanata 10

66 2 0
                                    


Someone's someone

"Good morning" Halos mabitawan ko ang hawak kong baso ng gatas dahil sa biglaang niyang pagsasalita

Nasa veranda ako habang nakatanaw sa labas

Ngumiti siya at hinalikan ako sa ulo

"Flowers for the most stunning lady in the whole world" Natawa ako sa kaniya at hinila ang kamay niya para paupuin siya sa tabi ko


"You're early ha, ang aga din ng pangbobola mo" Nginitian niya ako at inayos ang buhok kong nakakalat sa mukha ko

"I'm telling the truth only, baby. Hindi ako kailanman mangbobola" Namumula ang pisngi ko dahil dun. Hindi talaga siya pumapalya na pakiligin ako araw-araw

"I have something for you" Napailing ako, hindi na bago 'yun. Pinaliligoan niya ako ng mga bulaklak, mga materyal na bagay at higit at nakakaangat sa lahat ay pagmamahal.

Inilabas niya ang maliit na kahon sa bulsa niya, nagulat ako dun. Singsing ba ito? Hindi ko pa nga siya sinasagot may singsing agad?

Binuksan niya 'yun at nagpakita ang isang singsing na may maliit na dyamante sa gitna. Napakasimple, ang ganda!

"This is a promise ring, I promise that I'll wait no matter how long, take your time and let's not rush things. I promise that I'll love you every second of my life, you don't have to worry about me talking to other because I only want to talk to you. I love you much, Cheina. I love you more than anything." Hindi pa man siya nagsasalita kanina ay naluluha na ako dahil sa singsing na ipinakita niya, hindi ko naman alam ba may sasabihin siya!

Para na tuloy siyang nagpo-propose sa akin! Hindi ako maganda ngayon!

"Calyx.." Kinuha niya ang kamay ko at maingat na isinuot sa akin ang singsing, saktong-sakto 'yun sa daliri ko

"A-ang ganda..." Tuluyan ng pumatak ang mga luha ko

Agad naman siyang nag-alala ay hinaplos ang pisngi ko

"Shh, why are you crying? You didn't like it? I'm sorry" Hinawakan ko ang mga kamay niya na nasa pisngi ko

He love me too much, saganang-sagana ako sa pagmamahal niya. Hindi ko alam na ganito niya akong mamahalin, hindi ko inaaasahang ganito ang unang pag-ibig ko

"It's pretty, I love it–everything you gave. Thank you.." Tinitigan niya ako sa mga mata ko at pinahid ang natirang luha

"I'll give you the world if you wanted too, I'll give you everything."

Niyakap ko siya ng buong puso, ibinibigay ko dun ang pagpapahalaga ko sa kaniya. Ang pagmamahal ko sa kaniya

Hindi ko alam kong mapapantayan ba ng pagmamahal ko ang pagmamahal niya sa akin. He was so good to be true


"Napakasugid ng manliligaw mo ate ha." Tiningnan ko si Jebsein na nakatingin lang kay Calyx simula pa kanina ng dumating sila bago mag lunch

Pormal ang itsura ni Calyx na hindi naman ganoon kapag ako ang kasama niya, para bang ngayon ay may aura siyang kakaiba na gustong-gusto ko din

"Pwede na kaming magtayo ng flower shop dahil sayo" Biro ni mommy

"It's a nice business idea" Patol naman ni Calyx sa sinabi ni mommy, natawa nalang kami sa mga sinasabi nila

It was good to be someone's someone even there's no label. There's no label but the assurance was pure, I was his sure thing, his someone.

"Six months ka ng nanliligaw sa ate ko? You're really matured kuya, it was a good thing that my sister will be with a matured man. Especially if that's you..." Lihim akong ngumiti

Hindi ko naman sinasadya na patagalin, also he told me that I should not rush my decision. I have a years to decide!

"Yeah, even it takes years. Your sister was the only girl I wanted to love for the rest of my life so I'll wait for her." Kahit palagi niyang sinasagot 'yun ay hindi ako natitigil sa pagkamangha

Punong puno ng pagmamahal ang pinupukaw niyang tingin sa akin, para bang ako lang ang nakikita niya. Para bang ako lang ang mahalaga sa kaniya.

"Nagmana ka pala kay Emelda, your mother is really consistent. Even though your father left for so many years your mother waited, she's happy waiting for your dad even they don't have communication at all!" 

Grabe pala talaga silang mag mahal, and I'm lucky that the one who he love is me. Only me.

"Hindi po uso sa pamilya namin ang sumuko sa mga taong mahal namin."

"I really like you hijo, I hope my daughter will find her answer and realize how lucky she is to have you." Biglang singit ni daddy sa usapan

"I'm the one who's more lucky to have her tito, she's the only one who made me feel this way." Kinagat ko ang labi ko, nag-uumapaw ako sa ligaya!

"Wala 'to dad, sobrang tinamaan kay ate!" Calyx and dad chuckled, umiiling-iling pa ang mga ito

"Ganyan din ako sa mommy niyo noon, ang pagkakaiba nga lang ay sinagot ako agad ng mommy niyo dahil pakiramdam daw niya ay kami na para sa isa't-isa! Look at us now, we are!" Natawa ako dahil dun habang pinaglalaruan ang bulaklak sa kamay ko

Sumulyap sa akin si Calyx at ngumiti, hinawakan niya ang kamay ko at marahan 'yung hinalikan

"I love you" He whisper

Namula ako dahil dun at hinawakan ang daliri niya nang marahan

Hinatid ko siya hanggang sa labas ng bahay dahil doon nakaparada ang sasakyan niya, mahigit alas-nuebe na din ng gabi at masyado na siyang ginabi sa bahay dahil sa nonstop na kwentuhan nila sa loob


Humarap siya sa akin ng makalapit na kami sa kotse niya.

"Goodnight baby, I'll see you tomorrow." Hinalikan niya ako sa noo at hinalikan niya ulit ang kamay ko

"Calyx..."

"Hmm? Baby.."

"Bukas, 'wag ka ng manligaw." Napatigil siya at nagtataka ang mga mata na tumingin sa akin, biglang napalitan 'yun ng takot

"What do you mean? You don't want me to court you? I'll stop? No! You don't like me?" Nakagat ko ang labi ko dahil sa mga tanong niya

"Kasi, bakit ka pa manliligaw kung boyfriend na kita?" Nanlaki ang mga mata niya at umawang ng bahagya ang labi, natigil ito na para bang nag-lag

"W-wait, I'm your boyfriend now?" Tumango tango ako at malawak na ngumiti sa kaniya

Agad niya akong niyakap, naramdaman ko ang pag halik niya sa buhok ko

"God, thank you. Thank you, I love you baby, I love you my Cheina...I love you, shit. I love you so much" Natawa ako sa reaksyon niya, para bang siya na ang pinakang masayang lalaki dahil sa pagsagot ko sa kaniya

Midst of Yesterday ✔️Where stories live. Discover now