"Asan ako?" tanong ko sa sarili habang nililinga ko ang paligid. Walang iba akong makita kundi mga bulaklak at kaputian. Pakiramdam ko, napaka-kakaiba ng lugar. Puro amoy ng mga sariwang bulaklak at malamig na simoy ng hangin ang pumapaligid sa akin. Hindi ko alam kung nasaan ako. Nagtataka ako, biglang bumalik ang alaala ng banggaan—ang sakit, ang dilim, at pagkatapos... wala. Napatitig ako sa mga kamay ko, buo pa rin ako, pero parang may kulang.
"Wait, patay na ba ako? Asa langit na ba ako?" tanong ko muli sa sarili ko, unti-unting bumabalik ang kaba. Pero bago pa tuluyang pumasok ang takot sa akin, narinig ko ang tunog ng isang malumanay na tawa. Luminga ako muli, at sa gilid ng aking paningin, may nakita akong isang babae.
Isang babae na may liwanag na tila sumasabay sa bawat galaw niya, parang sinag ng araw. Mahaba ang kanyang buhok na umaalon sa hangin, at ang suot niyang damit ay parang yari sa mga ulap—malambot, malinis, at kumikinang. Ngumiti siya sa akin, na tila alam na ang iniisip ko.
"Hindi ka pa pwedeng mamatay o pumunta sa langit," sabi niya, ang boses niya ay malambing, pero mayroong kapangyarihan na parang umaagos sa kanyang mga salita.
Napakunot ang noo ko. "Ano? Anong ibig mong sabihin?" Hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayari.
"Pupunta ka sa tunay na buhay mo," paliwanag niya. Hindi pa rin malinaw sa akin ang sinasabi niya, kaya hindi ko napigilang magtanong.
Sino siya? Bakit ako nandito? Bakit ako makikipag-usap sa isang mahiwagang babae na tila isang diyosa?
Napansin ng diyosa ng kabuhayan ang pagkalito sa mukha ko kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Ganito kasi 'yun, Jenna. Nagkamali ako sa paglagay ng kaluluwa niyo ni Midnight. Dapat siya ang napunta sa mundo ng mga tao para gabayan ang iyong kinikilalang ama’t ina. Kaso ikaw ang napunta sa kanila at siya ay napunta sa Mckiney Palace. Kaya ngayon, ibabalik kita sa dapat mong kinalalagyan."
Parang bigla akong nakahinga ng maluwag, pero kasabay nito ay mas maraming tanong ang pumasok sa isip ko. Paano nangyari iyon? Kung mali ang mundo ko, sino nga ba talaga ako?
Bago ko pa siya tanungin ulit, isang pamilyar na tinig ang narinig ko mula sa aking kanan. Lumingon ako at nakita ang isang batang babae na tila kasing-edad ko, nakasuot ng itim na kapa at may mga matang tila nagtatanong din.
"Hey, Jenna—or should I say Celestian Nichole—I'm Midnight. Kapag bumalik ka na sa iyong tamang katawan, ang mga tao sa Archeologistic, Marborgh, Narcostis, at Lightning City ay galit na galit sa’yo... I mean, sa akin, dahil sa masama kong ugali, mga naïve kong galaw, at mga masasamang ginawa ko,” mahinang sabi ni Midnight, halatang may pagsisisi sa kanyang boses.
Tahimik akong tumango, hinahayaan ang impormasyon na lumubog sa isip ko.
JENNA / CELESTIAN NICHOLE P.O.V.
Naguguluhan ako. Ang buong buhay ko ay isang kasinungalingan? Ngayon, sasabihin nila sa akin na hindi ako dapat si Jenna kundi si Celestian Nichole, isang prinsesa mula sa McKinney City?
"Just call me Celestian or Nichole, hindi Jenna," sagot ko kay Midnight, sinusubukang maging kalmado kahit na gusto kong sumabog sa dami ng emosyon na bumabalot sa akin.
"Wag kang mag-alala, Lady Celestian. Gagabayan ka namin kapag bumalik ka na sa McKinney City," sabi ng diyosa ng kabuhayan, ang kanyang boses ay magiliw ngunit puno ng katiyakan. "Panahon na para magising ka mula sa iyong isang linggong pagkakatulog. Paalam, Lady Celestian," dagdag niya, bago siya biglang naglaho na parang bula.
Pagmulat ko ng mata, bumungad sa akin ang isang malaking silid. Kulay pink at light pink ang buong paligid. Napangiwi ako. Hindi ito ang aking estilo. "F*ck, bakit ang sakit ng ulo ko?" Inihilot ko ang aking sentido habang sinusubukang mag-adjust sa biglaang pagbabalik sa aking katawan. Nakarinig ako ng kaluskos at napatingin ako sa pinagmulan ng tunog. Nakita ko ang isang babaeng naka-uniporme ng maid, nakatingin siya sa akin na tila natatakot.
YOU ARE READING
Reincarnated as The Naïve Princess
AdventureJenna C. Torres is 28 years old, Smart, Talented, Inventor, and Rich... but she died of Car Accident, when she Wake up in another Body... What will she do in her Second life if people think she is just a Naïve Princess? Evil Princess? born to be a...