Celestian P.O.V:
Matapos ang selebrasyon, hindi ko pa rin matanggal sa isip ko ang mga nangyari. Ang announcement ng engagement namin ni Clyden, at ang feeling na naiwan ako sa isang sitwasyon na wala akong kontrol. Pero wala nang oras para mag-isip pa tungkol doon. Ang pinakamahalaga ngayon ay ang nalalapit na laban.
Dahil hindi na kami pwedeng magpatumpik-tumpik, nagmadali akong bumalik sa aming lihim na pwesto. Ang lugar na ito ay para sa mga miyembro ng Hidden Guild—isang lugar kung saan pwede kaming magplano nang walang takot na madidinig kami. Sa dami ng nangyaring kaabalahan, gusto ko ng tahimik na usapan at matinding pagplano.
Pagdating ko roon, nakita ko agad ang mga lider ng guild na nakatayo at nag-uusap tungkol sa huling detalye ng plano. Ang hangin ay puno ng tensyon, at ramdam na ang urgency sa bawat galaw ng mga tao sa paligid.
“Celestian, dumating ka nang tamang-tama,” sabi ni Zenith habang pinapasok ako. “Kailangan nating tapusin ang plano.” sabat ng guild member
"Oo, handa na ako." Pag sang-ayon ko
Ang iba pang mga miyembro ng guild ay nakatambay sa paligid ng malaking mapa ng valley. Sila Dyl at Renie, abala sa pagtutok sa mga posisyon at estratehiya. Nakikita ko ang seryosong mga mukha nila, kaya’t alam kong mataas ang stakes. Hindi na namin pwedeng magkamali.
“Zenith, ano ang final plan natin?” tanong ko.
“May kasunduan na tayo sa SELECTION Knights,” sagot ni Zenith. “Sila ang mag-lead sa laban, sila ang magsisilbing pangunahin nating pwersa sa harapan. Habang sila ang haharap sa kalaban, tayo naman ang mag-i-infiltrate sa likod at mag-neutralize ng mga importanteng target.”
Sumang-ayon si Dyl at Renie. “We’ll coordinate. We’ll use the distraction to create chaos sa kalaban at magbibigay ng pagkakataon para sa atin na umatake,” sabi ni Dyl habang tinitingnan ang mapa.
“Kailangan nating magtulungan bilang isang yunit. Hindi pwedeng magkalayo tayo sa isa't isa, or else, mawawalan tayo ng pagkakataon manalo” dagdag pa ni Zenith.
“Walang problema,” sabi ko, kinuha ko ang huling detalye sa mga plano. “I’m ready. We’re ready.”
---
Third Person P.O.V:Sa kabilang dako ng maliit na taguan malapit sa kuta ng Serpintina, ang SELECTION Knights ay nagpre-prepare din. Si Captain Yuri ay nakatayo sa harapan ng kanyang mga tauhan, hawak ang espada habang tinitingnan ang malawak na kalsadang magdadala sa kanila sa pinaka-mainit na bahagi ng battlefield.
Mahalaga ang misyon. Alam niyang mahirap ang magtulungan sa Hidden Guild, pero wala na silang magagawa. Kailangan nilang magsanib-puwersa para maprotektahan ang kaharian.
“Captain, sure ba tayo sa alliance na ito?” tanong ni Tarin, ang isa sa kanyang mga kasama. “Ang guild… hindi sila kaagad maaasahan.”
“Wala tayong choice,” sagot ni Yuri, ang tono ng boses niya matigas at maligpit. “Kung ayaw nating matalo, kailangan natin silang maging allies ngayon. Ang laban na ito ay hindi natin kayang tapusin nang mag-isa.”
“Pero paano natin matitiyak na hindi nila tayo lolokohin?” Tanong pa ni Tarin.
“Simple,” sabi ni Yuri, “we keep our eyes open. The guild knows what’s at stake. If we work together, we have a better chance of winning. Let's just focus on the mission and not on the past.”
Sinabihan niya ang mga tauhan niyang maghanda at magtulungan. Nagkakaroon ng kakaibang alingawngaw sa ilalim ng hangin, at ang bawat isa sa kanila ay nandoon para ipagtanggol ang kaharian, walang ibang layunin kundi ang magtagumpay.
CELESTIAN P.O.V:
Nang dumating kami sa valley, nakita ko agad ang malaking pagbabago sa tanawin. Ang buong valley ay parang handa na para sa isang malaking labanan. Nagsimula nang magbigay ng hudyat si Yuri at ang Knights na magsimula na sa kanilang pagsalakay sa kalaban.
Nakita ko si Yuri sa unahan, hawak ang espada at may seryosong ekspresyon. He was calm and collected, as always, pero alam kong ramdam niya ang bigat ng responsibilidad na ito. Siya ang pinuno ng Knights, at lahat ng mata ay nakatutok sa kanya.
“Keep formation,” utos ni Yuri. “We have to make sure everything goes as planned.” paalala niya
Habang ang SELECTION Knights ay umaatake, ang mga miyembro ng Hidden Guild ay tahimik na dumadaan mula sa mga likod ng kalaban. Sila Dyl, Renie, at ang iba pang mga kasamahan ay hindi nagpapakita sa harap ng kalaban, sila ay gumagalaw tulad ng mga anino—tahimik pero tumpak.
Pumuwesto kami ni Zenith at sumunod sa plano. Hindi ko maiwasang mag-alala, pero sa oras na ito, wala nang ibang magagawa kundi magtiwala sa plano at magtulungan. ang layunin namin ay pareho,manalo at protektahan ang ating mga tao.
Habang ang mga pwersa ng Knights ay patuloy na nakikipaglaban, kami ay nakapasok na sa likod ng kalaban. We moved swiftly, and with precision. Mabilis na napipinsala ang mga pangunahing target at ang kalaban ay nagsisimula nang malito.
“Celestian, this way!” sigaw ni Dyl.
Nakita ko siya mula sa likod, at agad akong tumakbo patungo sa direksyon niya. Dyl, Renie, at ang iba pa ay nandoon na at nagsisimula na sa kanilang misyon.
Sinundan ko sila habang binabagtas namin ang mga pasikot-sikot na daan patungo sa mga komandante ng kalaban. Sabi ni Zenith, “We need to take them down before they regroup.”
Habang kami ay nagmamadaling umabante, naramdaman ko ang presensya ni Yuri sa harap. I could sense the tension in the air as we worked side by side with the knights. Everyone was in sync, and the energy was high.
“Celestian!” tawag ni Yuri mula sa kabilang linya ng laban. “We need to strike now. Move with us!” agaran sabi at sabay hila sakin
Sumunod ako kaagad, pero ang tanawin ay tila punong-puno ng alon ng digmaan. Ang bawat hakbang namin ay may malalim na ibig sabihin, at hindi kami pwedeng magkamali.
Sa harap ng buong battlefield, ang Hidden Guild at Estudyante ng RKA ay nagkakaisa—walang lugar para sa takot. Laban ito para sa ating bayan, at ang misyon namin ay simple lang: magsanib-puwersa, matalo ang kalaban at ang demonyong sumira bg mundo, at ipagtanggol ang mga inosente.
Author's note:
Sorry for Grammatical error. Thank you for reading this story, I really appreciate your support to my story.
YOU ARE READING
Reincarnated as The Naïve Princess
AdventureJenna C. Torres is 28 years old, Smart, Talented, Inventor, and Rich... but she died of Car Accident, when she Wake up in another Body... What will she do in her Second life if people think she is just a Naïve Princess? Evil Princess? born to be a...