Dedicated to my reader
CELESTIAN P.O.V:
Ako ay nag aayos na para sa pag sasalo sa palasyo ng smith, kaarawan kase ngayun ng inang reyna
Knock:/ knock:/ Knock:/
"Magandang Umaga sainyo, mahal na prinsesa... kami ay inutusan ng mahal na reyna na ayusan ka para sa gaganaping piging" magalang na sabi ni Liza ang personal maid ko, may kasama pa siyang ibang mga tauhan para tulungan ako mag ayos.
"Si Liza lang ang kailangan ko, umalis na kayo." Walang emosyon na sabi ko. Saglit pa sila nag tinginan sa isa't isa pero kalaunan ay umalis na rin sila at ang na tira na lang ay si Liza.
Makalipas ng ilang oras na tapos na si Liza sa pag aayos sakin. Bago lumabas ng silid Sila Celestian kinuha niya ang isang kwintas.
Knock:// knock:// knock://
"Magandang gabi mahal na prinsesa. Nauna na po ang mahal na Reyna at Hari sa palasyo habang si prince demonic naman ay Hindi makakapunta,naka handa na po ang karwahe sa labas." Sabi ng kararating na katulong, tinanguan ko naman siya at lumabas na silid.
Late na ako. Malayo pa lang, tanaw ko na ang engrandeng palasyo nina Clyden at Blyden, na puno ng mga ilaw at dekorasyon. Birthday ng kanilang ina, ang reyna, at malamang ay nag-umpisa na ang selebrasyon. Hindi ko maiwasang mainis dahil iniwan na ako nina Mama at Papa para mauna sa handaan.
“Great” bulong ko sa sarili. “As if gusto ko talagang pumunta.”
Pagdating ko, sinalubong ako ng mga kasambahay, na agad akong pinapasok sa ballroom. Ang daming tao—mga dukesa, prinsipe, at mga maharlika mula sa iba’t ibang kaharian. Pero hindi ko pa rin makita ang taong iniiwasan ko.
Siyempre, si Clyden.
Pagpasok ko sa loob ng ballroom, naroon na ang mga magulang ko, kausap ang reyna. Agad akong lumapit para bumati, pero ramdam kong marami ang tumitingin sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin at ngumiti na lang sa mga magulang ni Clyden at Blyden.
“Late ka, Celestian,” sabi ng mama ko na medyo may halong pag-aalala.
“Pasensya na po,” sagot ko, pilit na ngumingiti. “May inayos lang po sa palasyo.”
Paglingon ko, nakita ko si Clyden, nakatayo malapit sa bintana, tila walang pakialam sa nangyayari. Pero alam kong naramdaman niyang dumating ako. Nagkatinginan kami saglit, pero agad niyang iniwas ang tingin niya.
Habang masaya ang lahat, biglang tumayo ang hari, ang ama nina Clyden at Blyden, at kumatok sa kanyang baso para makuha ang atensyon ng lahat. Tumahimik ang buong ballroom habang nagsimula siyang magsalita.
"Everyone" he said, "today, we are celebrating the birthday of my dear queen. But we have one more important announcement we want to make.”
Napatingin ako sa hari, nagtaka kung ano ang balak niyang sabihin. Pero nang marinig ko ang susunod niyang mga salita, para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"I am happy to announce the engagement of my son Prince Clyden and Princess Celestian of the house of McKinney”
What?! Halos malaglag ang panga ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Tiningnan ko si Clyden, na halatang nagulat din, pero tulad ng dati, pinilit niyang maging kalmado. Pakiramdam ko tuloy, para akong na-trap sa isang sitwasyon na wala akong kontrol.
Hindi ko gusto si Clyden. At ngayon, in-announce ng mga magulang namin ang engagement na wala kaming kinalaman? Para saan 'to? Para sa politika? Para sa kapangyarihan?
Tumayo ako nang maayos at pinilit ngumiti kahit parang sumisikip ang dibdib ko. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan, lalo na't nasa harap kami ng buong kaharian. Pero deep inside, galit na galit ako
BLYDEN POINT OF VIEW
H
abang nagpapatuloy ang selebrasyon, nararamdaman ko ang bigat sa dibdib ko habang pinagmamasdan si Celestian. Lahat ng tao ay nakatingin sa kanila ni Clyden, umaasang makita ang magkapareha na magdadala ng pag-asa sa dalawang kaharian. Pero sa likod ng mga ngiti, alam ko kung gaano siya naiilang. Alam ko rin na hindi niya gusto ang sitwasyon na ito—at higit sa lahat, hindi siya interesado kay Clyden.
Pero ako... ako ang may lihim na nararamdaman para kay Celestian. Simula pa lang, hindi ko maiwasang mahulog ang loob ko sa kanya. Ako ang kakambal ni Clyden, at sa kabila ng lahat, alam kong hindi ko dapat ipakita ang nararamdaman ko. Hindi ito ang plano.
Lumapit ako kay Celestian para makiramdam kung okay ba siya. "Okay ka lang?" tanong ko, kahit alam ko na hindi siya komportable sa nangyayari.
"Yeah, just... shocked," sagot niya, pilit na pinipilit maging kalmado.
***
Third Person Point of view
Samantalang abala ang lahat sa selebrasyon, sina Dyl at Renie ay nasa ibang misyon. Mabilis nilang ginagalugad ang Valley of light, tinutulungan ang mga inosenteng mamamayan na lumikas bago pa dumating ang mga kalaban. Mahirap ang kanilang misyon, pero kailangan itong magawa nang mabilis at maayos.
“Renie, hindi na tayo pwedeng magtagal dito. Malapit na ang mga kalaban,” sabi ni Dyl, halatang kabado.
“Kalma lang, Dyl,” tugon ni Renie, malamig ang ulo. “Kailangan nating siguraduhin na walang magagawang pagkakamali. Isang maling galaw lang, patay tayo.”
Tiningnan ni Dyl ang komunikasyon crystal at kinausap ako gamit ito. “Celestian, we’ve started evacuating. Pero parang may mali. I think they know we’re here.”
Naramdaman ko ang tensyon sa boses niya. "Panatilihin ang kalmado. Gawin niyo ang lahat ng makakaya niyo para hindi malaman ng mga kalaban ang ginagawa niyo. I’ll take care of things here."
Habang nag-uusap sina Dyl at Celestian sa pamamagitan ng communication crystal, naramdaman ni Renie ang kakaibang presensya mula sa mga kakahuyan. Mabilis siyang tumingin sa paligid, pinagmamasdan ang bawat galaw ng paligid.
“Dyl, we’re not alone,” bulong ni Renie, pormal ngunit seryoso ang tono. “May nagmamatyag sa atin. Hindi ito mga inosenteng tao, siguradong kasamahan sila ng mga kalaban.”
Agad na kumilos si Dyl, kinuha ang kanyang espada mula sa likod at itinayo ang sarili. “Magkakagulo na. Anong plano natin?”
Renie, na palaging kalmado sa ganitong mga sitwasyon, ay tumingin sa direksyon ng nagtatago. “Maghintay tayo. Kapag lumapit sila, we’ll lead them away from the villagers. Hindi sila dapat madamay.”
“Celestian, ang sitwasyon dito ay lumalala. May mga kalaban na sa paligid. We might have to fight them soon,” sabi ni Dyl, tinatakpan ang tensyon sa kanyang boses.
"Don’t engage unless necessary. Kailangan niyo munang iligtas ang mga tao. Ako ang bahala sa susunod na galaw," sagot ni Celestian sa communication crystal, alam niyang kailangan niyang manatiling kalmado para sa kanilang lahat.
Nagsimula nang umatras sina Dyl at Renie, paunti-unting inilalayo ang mga kalaban mula sa mga inosenteng mamamayan. Habang unti-unting lumalapit ang mga anino ng kalaban, ramdam nila ang bigat ng misyon—isang maling galaw at mawawala ang mga buhay na nasa kanilang kamay.
Author's Note:
Hey everyone! I just want to take a moment to thank all of you for continuing to read my story, even though I had to pause for several months due to my busy schedule. Your support and patience mean the world to me
YOU ARE READING
Reincarnated as The Naïve Princess
AdventureJenna C. Torres is 28 years old, Smart, Talented, Inventor, and Rich... but she died of Car Accident, when she Wake up in another Body... What will she do in her Second life if people think she is just a Naïve Princess? Evil Princess? born to be a...