Chapter 2:RTNVP

744 31 1
                                    

Blyde Black Smith P.O.V.:

Nandito kami ngayun sa pavilion ng Black Smith Palace. Habang abala ang mga prinsipe at prinsesa sa kani-kanilang usapan, natanaw ko si Clyden na kasama si Prinsesa Selien Archeologist. Parang natural sa kanila ang mag-usap nang parang walang iba sa paligid. Hindi ko maiwasang mapansin si Selien, maganda at mabait siya sa paningin ng lahat, pero para sa akin, may kakaiba sa kanya. Hindi ko masabi kung anong bahagi ng pagkatao niya ang mali, pero parang laging may kulang o tagong lihim.

Biglang natawa si Keirra, na kilala sa pagiging madaldal. "Hey Dem, where is your little sister?" tanong niya, nakangisi, habang nilalaro ang kanyang gintong buhok. Ang tinutukoy niya ay si Celestian, na hindi ko rin alam kung nasaan ngayon.

"I don’t know, and I don’t care," malamig na sagot ni Demonic habang hindi man lang tumingin sa kanya. Kaswal lang siyang nagbukas ng librong hawak niya.

Lumapit si Keirra sa mesa ni Demonic at pasimpleng umupo sa tabi nito. "Oh, come on, Dem. Don’t be like that. Your sister has been missing these gatherings a lot lately. What if something happened to her?"

Napataas lang ng kilay si Demonic. "If something did, it’s not my problem. She’ll survive. She always does."

Napailing ako. Napaka-init talaga ng dugo ni Demonic kay Celestian. Hindi ko alam kung bakit, pero malamang may kinalaman iyon sa insidente noong nakaraang buwan.

Napansin kong tumingin si Selien sa akin at tumawag. "Hoy, Blyde! Ano na naman ba ang iniisip mo diyan? Nakikinig ka ba sa amin?" tanong niya habang ngumingisi. Ang presensya niya ay parang palaging may intensyon na basagin ang katahimikan.

"Hindi," sagot ko nang malamig, sabay tayo at talikod. Hindi ko nais makisali sa walang katuturang usapan nila.

Naglakad ako papunta sa gilid ng pavilion. Habang nagmumuni-muni, hindi ko maiwasang muling mag-alala tungkol kay Selien. Ano ba itong nararamdaman ko? Para bang may mga puzzle piece na nawawala tungkol sa kanya. Ngunit bago ko pa malalimang maisip iyon, narinig kong tinatawag ako ni Keirra.

"Blyde, umamin ka nga sa amin. Mahal mo ba si Prinsesa Celestian?" biglang tanong niya na may halong panunukso.

"Seriously? Hindi," mabilis kong sagot.

"Hmm, sigurado ka? You two are close in a way, aren’t you? Maybe you just don’t know it yet," pagpupumilit niya habang pilit hinahanap ang reaksyon ko.

"I’m sure. She’s naïve, and I don’t like her attitude," ulit ko, mas matigas ang tono. Tumahimik si Keirra, pero halata ang pagdududa sa tingin niya.

Maya-maya pa, tumayo si Demonic. "Mom said my sister woke up two weeks ago, so she’s fine now. We don’t need to visit her. Besides, Dad just called. He needs me at the palace. I’m leaving."

Bago pa siya makalayo, nagsalita si Keirra. "Let us join! I miss Uncle Dark," sabi niya sabay habol kay Demonic, halatang may paglalandi.

Habang papunta kami sa royal palace kasama si Demonic at Keirra, abala naman ako sa pag-iisip, biglang sumigaw si Keirra mula sa karwahe. "Uy, Blyde! Halika dito! Para kang nawawala sa sariling mundo diyan!"

"Hayaan mo siya, Keirra. Baka iniisip niya si Celestian," sabat ni Demonic na may bahid ng panunukso. Tumaas ang kilay ko at sinagot siya.

"Kung ako man ang iniisip niya, hindi iyon si Celestian. Mas importante pa ang pamilya natin kaysa sa mga prinsesa ng ibang kaharian," malamig kong sagot.

"Hmm, defensive. Interesting," sagot ni Keirra, sabay tawa. "Baka nga, deep down, meron kang tinatago, Blyde."

Hindi ko sila pinansin. Pinilit kong ibalik ang focus ko sa paparating na pag-uusap namin kay Lord Dark. May bigat ang tawag niya kanina, at sigurado akong may kinalaman ito sa mga nangyayari sa iba't ibang kaharian.

Celestian P.O.V:

"Prinsesa Celestian, gumising na po kayo! Tinatawag po kayo ni Lord Dark," malambing pero madiing sabi ni Liza habang marahang inaalog ang balikat ko. Dahan-dahan akong bumangon, nag-inat, at nagpunta sa banyo upang maligo. Ang tubig ay malamig at nakakagising, perpekto para sa maagang umaga.

Few Minutes Later…

Lumabas ako ng banyo, nakabalot ng puting tuwalya, at tinungo ang walk-in closet ko. Ang closet na ito ay hindi tulad ng mga tipikal na closet. Ito ay puno ng mga intricate carvings at disenyo na hango sa modern Japanese at Instik style. Pinili ko ang aking paboritong sky blue off-shoulder dress, gawa ko mismo. Ang taas nito ay above the knee, kaya’t may pagka-bold ang dating.

Tumigil ako sandali sa harap ng salamin. Ngingiti-ngiti ako habang hinahaplos ang buhok kong bagong highlight ng purple at blue. Binago ko rin ang aking hairstyle sa wolf cut. "Perfect," bulong ko sa sarili. Gusto kong ipakita sa lahat ang bagong ako.

Bago ako lumabas ng kwarto, tinawag ko si Midnight, ang aking trusted familiar. Bigla siyang lumitaw, halatang inis na naman. "Ano ang kailangan mo, Prinsesa Celestian?" tanong niya, halatang badtrip.

"Simple lang ang tanong ko, Midnight. Ang buong mundo ay naniniwalang wala akong kapangyarihan, tama?" tanong ko habang tinititigan siya.

Tumikhim siya bago sumagot. "Oo, Prinsesa Celestian," sagot niya na may bahid ng iritasyon.

Ngumisi ako. "You forgot I can read minds. Pinili kong itago ito. Nagpasalamat ako sa Goddess of Life para sa kapangyarihang ito."

Halatang nabigla si Midnight. "Tsk. So, ano pa ang gusto mong malaman?"

"Tell me about the royal family," seryoso kong tanong.

"A royal secret? Someone in the royal family is an impostor," sabi niya, nanlalaki ang mga mata.

Hindi pa ako nakakapagtanong muli nang bigla siyang naglaho. Sakto namang pumasok si Liza. Agad siyang napahinto, tila natulala sa akin.

"Mahal na Prinsesa… ang ganda niyo po ngayong araw," sabi niya habang nag-aalangan. "At ang iyong buhok! Kakaiba po talaga. Parang marami pong nagbago sa inyo."

Ngumiti ako. "Salamat, Liza. Pero sabihin mo, bakit ka nandito?"

"Mahal na Prinsesa, ipinapaalala po ni Lord Dark na huwag kayong male-late. Paparating na po ang inyong mga kapatid."

"Noted," sagot ko bago humakbang palabas ng kwarto. Nagbihis ako ng mas casual—isang black jogger pants at V-neck shirt—at nagtali ng messy ponytail.

Pagdating sa kusina, lahat ng tauhan ay napatingin sa akin. Halos lahat ay natulala.

"M-mahal na Prinsesa, anong maipaglilingkod namin sa inyo?" tanong ng head chef, kinakabahan.

"Simple lang. Ako ang magluluto ng tanghalian namin," sagot ko. Halos lahat ay napanganga, pero wala akong pakialam.

Sa gitna ng kusina, kinuha ko ang mga sangkap para sa paboritong dish ng pamilya ko. Let’s see kung magugustuhan nila ang bagong Celestian.

napansin ko ang ingay mula sa main hallway. Sumilip ako at nakita ko ang mga tauhan ng palasyo na nagmamadaling mag-ayos ng mga bulaklak at red carpet. Mukhang malapit nang dumating ang aking mga kapatid.

Huminga ako nang malalim at naglakad papunta sa main hall, ngunit bago pa ako makalabas ng kusina, napansin ko ang mga tauhan na nagtititigan at nagbubulungan.

"Ang lakas ng dating ng Prinsesa ngayong araw, ano? Para siyang ibang tao," narinig kong sabi ng isang tagasilbi.

"Oo nga. Mas confident, mas elegante. Parang... may kapangyarihan siya," sabi naman ng isa.

Ngumiti ako ng bahagya, pero hindi ko ipinakita sa kanila na narinig ko ang usapan nila. Alam kong matagal na silang nagtatanong kung bakit ako tila "normal" kumpara sa ibang mga prinsesa. Ang hindi nila alam, mas marami akong tinatago kaysa sa iniisip nila.

Habang papunta sa main hall, biglang lumitaw si Midnight sa tabi ko. "Akala ko ba tapos na ang usapan natin, Midnight?" tanong ko nang hindi siya tinitingnan.

"Tsk. Narinig ko ang mga tauhan mo. Hindi ka ba natatakot na baka masyadong maraming makapansin sa pagbabago mo?" tanong niya, halatang inis.

"Hindi ko problema iyon. Ang gusto ko lang ay makita nila kung sino talaga ako," sagot ko habang patuloy na naglalakad.

"Prinsesa Celestian, ang pagbabago ay maaaring magdala ng takot sa iba. Tandaan mo iyan," paalala niya bago biglang naglaho ulit.



Revised

Reincarnated as The Naïve PrincessWhere stories live. Discover now