BAE SUZY - Alisson wonders
Myungsoo - Mark Hatter
Chester Cat- Jackson GOT7
Queen of Red- tiffany SNSD
Queen of White- Im Yoona
Walton wolf -TAO exo
11 wolf -Exo
ROB the rabbit- V BTS
(Sa other characters wala pa akong maisip)--
Flashback* (MID ERA to. May hari at reyna pa. Kasi diba sabi ni hatter hundred years na silang nakakulong sa wonderland.)Nasa gitna sila ng gubat ni white. Habang umuulan ng snow. Habang ang espada ni mark ay nasa leeg ni white.
"Nahuli din kita. White." He laughs. At humarap si white sakanya na nakangiti.
"Yun ang akala mo." Sabay sipa ni white sa kung saan ang masakit kay mark. Napasigaw si mark sa sakit at natumba.
"Mahuhuli din kita prinsesa !" Sigaw ni mark at maika ikang umuwi sa bahay nila at nandun ang nakasimangot na ate niyang si red.
"Naungusan ka nanaman ng isang babae?" Singhal ng kapatid niya.
"Edi sana ikaw ang humuli sakanya. Ikaw ang may kailangan." Sabi ni mark at sabay upo "hindi ko alam kung bakit kailangan ko siyang hulihin para sayo."
Ngumiti ng malaki si red "para makumpleto ang sumpa."
Umirap nalamang si mark sa kapatid. Laking gulat niya ng malamang isang witch ang kanyang kapatid.
Pero antagal niya ng hinuhuli ang prinsesa white. Di niya rin makayang saktan ito dahil nakakatakot madungisan ang napakaputi at napakagandang balat nito. Mahirap makitang umiiyak ang napakapungay na mata nito. Napailing nalang ng nakangiti si mark. Parang nagkakagusto na siya sa magandang prinsesa.
"Iniisip mo nanaman si white? Mark, mukhang nagugustuhan mo na ang prinsesa ah." Pangasar sakanya ng matalik niyang kaibigan na si chester.
"Ahh!" Napahiyaw sa gulat si mark sa biglang sulpot na kaibigan. "Anak nang. Ginulat mo ko!"
Natawa si chester "si white oh." Napalingon si mark at nakitang nakasakay sa kabayo ang prinsesa at tumigil sa harap nila.
"Anong kailangan mo? Ikaw na ba ang susuko para mahuli kita?"
Ngumiti ito "please be my knight."
END*
"Mark. What the fu-- MARK!" Sigaw ni chester. Natumba naman si mark sa kinauupuan dahil sa gulat.
"BAKIT. NANAMAN. BA. CHESTER !" sigaw nito na muling kumukulo ang dugo.
Napataas naman ng kamay si cheater "woah. Easy there tiger."
Tumakbo papalapit si alisson at hinawakan ang kamay ni mark yung hinliliit lang ba. Pero natunaw nanamang muli si mark at tumingin kay ali. Madali niyang hinawi ang kamay niya paalis sa kamay ni alisson. At nagwalk out papuntang gubat.
Agad namang sumunod si alisson "ano nanaman bang problema mark?"
"Ang problema ko ay ikaw. Bakit ba hindi mo padin mailigtas kami sa sumpang to !" Sabi ni mark. Pero ang totoo ay nasa isip niya kung bakit natutunaw siya sa mga haplos nito.
"Hindi ko alam mark. Sorry. Hindi ko alam kung papaano ko matatalo si queen of red." Sabi ni alisson.
"Red. The woman who killed my love." Napatingi si alisson kay mark dahil sa sinabi nito. "She killed queen of white. She cursed us. Me."
Flashback*
"MGA HANGAL !" Sigaw ni red habang may mga itim na mahikang pumapalibot sakanya. "Niloko niyo ako! Pinaglaruan !"
Nakaupo sa sahig si mark habang hawak ang walang buhay na si queen of white habang hawak ang isang mansanas na kinain nito at nalason.
Umiiyak si mark habang bumubulong ng "hindi. Gumising ka mahal ko." Sa tainga ng walang buhay na si white habang tumatawa ng tumatawa ang kapatid nitong si red.
"KUMPLETO NA ANG SUMPA ! Magiging reyna na ako!" Itinaas niya ang kamay niya at pinalutang si white. Hinabol naman ito ni mark. Pero huli na dahil biglang lumiwanag ang buong kapaligiran. At pagdilat ni mark ay nasa isang lugar na sila na mahiwaga. Makulay at kakaiba ang mga nilalang.
Ang mga tao na kanina lang ay natatakot dahil sa paghasik ni red ay naging kalahating tao at kalahating mga hayop na ngayo'y nagtatakbuhan na. Ang butler na si roger ay nagkatenga ng kuneho. Ang asawa ni roger na si mrs rattara ay nagkabuntot ng daga. Nakalutang sa usok na kulay lilak ang kaibigang nagkaron ng tenga ng pusa at buntot ng pusa na si chester. At siya ay nakasuot ng isang damit ng pangmaharlika na kulay pula at isang sumbrero, ang sumbrero na hilig niyang gawin nuon.
Habang nakalutang padin ang walang buhay na si white dahil kay red.
"Ako ang magiging reyna." Sabi nito habang ang lalakeng iniibig nito ay nagkaron ng tenga at pangil na panglobo. Kasama ang labing isang lobo nitong si walton na nakangisi habang ang labing isang lobo niya na tinuring niyang pamilya nuon ay nagkatawang tao at naging labing isang matitipunong lalake na may tainga at buntot ng lobo. Ang labing isang ito ay tinatakot ang mga tao/hayop para magsitakbuhan ito. At para matakot sila sa bagong reyna. Si walton naman ay nakangisi sa kanyang reyna. Si walton ay isang kinsman nuon. Taga patay ng mga taong ipingutos sakanyang patayin. Yun ang inutos ni red kay walton. Patayin si white pero laging nakakatakas ito. Pero nahuli si white ng magkatawang matanda si red at ibigay ang mansanas na may lason dito.
Tumingin kay mark si queen of red at pinatamaan ito ng isang itim na mahika. "Isusumpa kitang maging isang apoy. Walang awa kang magagalit. Masaktan mo man ang mga nagmamahal sayo. At isang halik ng babaeng yelo ang magpapagaling nito. Ang babae na tutunaw sayo at matapang na makakapagligtas ng mga tao sa wonderland para maibalik na sa normal na mundo." Ngumisi si red dahil alam niyang patay na ang babaeng yelo. Patay na si queen of white. Patay na ang babaeng nyebe.
Habang si queen of white ay nagkaron ng yelo sakatawan hanggang sa maging isang kastilyo ito at sa gitna ay isang upuan at sa may pader nito ay ang nagyelong walang buhay na si queen of white. Umupo si red sa upuan at agad na naging kulay itim ito na dati ay yelo.
"Ako na ang bagong reyna." Sabi ni queen of red at umungol ng malakas si walton.
END*
Nakatingin lang si alisson sa maikwento ni mark. "Kung witch si red ibigsabihin-"
"Oo alisson. Witch din ako. Pero hindi ko magamit ang magic ko ng maayos ng hindi ako nagagalit at mamamali ko lahat ng spells kapag nagagalit ako. Kaya ang kapangyarihan ko ay inilagay ko sa sumbrero ko. Katulad ng ginawa ko sa dress mo." Kwento nito.
"Bakit HATTER ang pangalan mo?" Tanong ni alisson
"Ang pagtatahi ay isa sa mga bagay na magaling ako. Hindi ko nalamang itinuloy sapagkat sabi ng ama ko ay gawain ito ng babae at tinuruan niya ako lumaban." Mark said.
"I will save you."
"What?" Tanong ni mark
"Dont worry mark,
I will save you from the curse. I will kill the queen and just pay me with something." Sabi ni alisson
Napakunot ng nuo si mark "pay you with what."
"Make me a HAT."
--@------@@----
Flashbacks ! Masasabi niyo? Guess the fairytales XD hahaha
ANG NAGIISANG MAMA AUTHOR, leeYUM06
BINABASA MO ANG
Come with me to wonderland
Fantasycome with me to this crazy world where danger, mystery and fantasy are made, but you need to be mad as a hatter, which luckily i am.