Chapter 5: Kinsman.

56 6 0
                                    

HANFORD - PARK CHEONDOONG
GRETA - DARA PARK
(Kasi magkapatid sila ;)
Rob the rabbit - V BTS

-------

Flashback of the bigbadwolf.

Mga taong nagbubulungan, nakatingin sakanya na parang isang tao na maraming ginawang kasalanan. Habang naglalakad kasunod ang labing isang lobo. Siya si Walton. Isang kinsman. Kasama niya lagi at tinuturing na pamilya ang mga libo na laging nakasunod sakanya.

"Hoy ! Ilayo mo nga yang mga aso mo saamin ! Baka mapano pa mga bata dito!" Sigaw ng isa sakanila. Pero isang malamig na tingin lang ang binigay ni walton sakanya at patuloy na naglalakad.

"Kaya ka iniwan ng mga magulang mo eh." Sabi ng isang matandang babae at agad na tumigil si waltong at tinutukan ng spada ang babae na ikinagulat ng ilan at susugod ang mga lalake ngunit umungol ang nga lobo.

"Manahimik ka." Sabi ni walton sabay alis ng spada at lakad papuntang gubat.

Duon ay naupo siya sa may puno. Nagsilapitan ang mga lobo sakanya at tumabi sakanya at nahiga.

Iniwan siya ng mga magulang niya sa gubat kung saan may mga mababangis na lobo. Pero nagkamali sila, dahil itong mga lobong ito ang nagalaga sakanya hanggang paglaki niya. Kaya ito ay tinuring niyang pamilya.

Napatayo ang isang lobo at napatingin sa isang babaeng nakapula na may dala dalang basket ng pagkain. Nagugutom na rin naman si walton kaya tumayo ito. Dahan dahang lumapit sa babae, nagtago ang mga lobo at sa isang puno na malapit na daanan nito ay nagtago si walton.

"Magandang hapon, magandang binibini. Alam mo bang pwede kang mapahamak dito sa gubat?" Sabi nito na nakangisi sa babaeng napakaganda, meron itong pulang mga buhok at maputing mga balat.

Ngumiti ito, "bakit hindi mo ako samahan? Ipapadala ko lang ito sa aking kaibigan na si white."

"Mga mansanas para sa prinsesa? Gusto mo ako na ang magbigay sakanya ng mga yan?" Sabi ni walton sa babae.

"Basta wag niyong kakainin itong mansanas na ito." Sabay bigay sa mansanas na pinakapula sa lahat.

Tumango si walton at ngumiti naman ang babae "ako nga pala si red."

"Walton." Sabi nito sabay alis. Ha! May mga mansanas na sila.

At sa tingin niya ibibigay ito ni walton sa prinsesa? Hinde! Lalo na at sobrang sarap ng mapulang mansanas na ito.

Agad niyang kinagat ito pero bigla niya ring nabitawan. Nakaramdam siya ng gumuguhit na sakit mula sa buong katawan niya. At bigla siyang nagkapangil, balahibo , buntot at tainga ng isa lobo. Sumisigaw siya sa sakit at umiiyak. Ang mga lobo na nagtatago ay lumapit sakanya.

"Hunghang! Sabi ng wag mong kakainin ang pinakamapulang mansanas ! Dahil diyan ay sinusumpa kita na magiging isang mabangis at mamamatay na lobo tuwing pagsapit ng kabilugan ng buwan !" Sigaw ni red sa kawawang si walton na namimilipit sa sakit dahil nagdurugo ang bunganga niya dahil sa paglabas ng napakatutulis na pangil. Pati ang kanyang mga kuko na nagdurugo at napakasakit dahil nagiging mahaba at matulis ito. "At ang sakit na mararamdaman mo sa pagiging mabangis mo na lobo ay lagi mong mararamdaman tuwing kabilugan ng buwan at papatay ka, papatay ka kung kailangan dahil sa gutom mo. Pero pwede kong maipawala yan, basta patayin mo o dalin mo saakin and prinsesa white."

Umalis na si red at iniwan ang kaawa awang si walton.

*END of flashback*

"ALI!" Sigaw ni rob the rabbit sa babaeng nakatalikod na si alisson kasama ang new found friends niya na sina Hanford at greta.

"ROB!" Alisson excitedly said. Tapos niyakap niya ito at hinawakan ang mga tenga napangiti naman at napapurrr si rob dahil sa ang mga kuneho ay gustong gustong hinahawakan ang kanilang tenga.

"Alisson, n-nakita mo n-na p-pala si mark ! K-kamusta ka n-naman?" Sabi nito sabay upo niya sa tabi ni alisson at nginitian niya din sina hans at gret na ngumiti pabalik.

"Oo, at ayos naman ako. At bakit ka nga pala nandito?" Tanong ni alisson sa kaibigan habang tinatouch padi ang ears ni rob.

"A-ako daw ang m-magiging a-alalay mo! S-sasamahan kita sa l-lahat ali!" Sabi nito sabay isang malaking ngiti na napa 'awww' si ali at gret sa kacutan ni rob.

"Wooooh. Papansin." Sabi ni hanford sabay pitik sa tenga ni rob.

Napatalon naman ito sa gulat at nagtago sa likod ni ali. At natawa naman sila.

"HANS! kawawa naman itong si rob." Sabi ni greta habang niyayakap si rob tas si ali naman ay tinatouch yung part ng tenga ni rob na pinitik ni hanford.

"Sus. Lagyan niyo lang ako ng tenga. Mas cute ako diyan." Sabi nito sabay pacute (HANFORD IS PARK CHEONDOONG AT SI GRETA AY SI DARA. Magkapatid eh XD)

Natawa naman sila ali at greta.

-----

Habang tumatawa sila ay sa loob ng kwarto ni mark ay nakaupo siya sa may kama.

Nakahawak siya sa ulo niya sabay tingin sa paligid.

Hindi niya padin ginagalaw ang kwarto nila ni white. Nandun padin ang mga baso na ininuman niya, ang suklay na ginamit niya, ang libro na binabasa niya. Nandun padin kung saan niya iniwan. Walang nagbago. Hindi niya padin ginagalaw, inaalis o nililinis.

Dahil hindi niya pa kaya.

Napasigaw siya sa sobrang sakit ng nararamdaman niya. Nagagalit siya. Sobrang nagasalit siya

Biglang bumukas ang pinto. Nandun nakatayo si alisson, greta, hanford at rob. Lumapit si alisson pero binato siya ni mark ng unan. Palayo sakanya. Pero lumapit padin siya. Hinawakan niya ito sa pisngi.

"You've gone mad again." Sabi nito kay mark na natunaw nanaman.

Nagmadali niyang inalis ang kamay ni alison.

He looked at ali

"I'm Always mad."

-----------------

Walton story ! Yay ♡ hahahaha

Ang Nagiisang Mama Author, leeYUM06♡

Come with me to wonderlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon