"Kamusta na kayo ng laloves mo, Ate Chai?" nakangiting tanong ni Krishia nang puntahan ito ni Chai sa kusina.
"Krishia naman..." Kinuha niya ang mga pkatong hinugasan nito at isa-isang pinunasan bago inilagay sa plate rack.
"Bakit?"
"Hindi ko laloves si Khai. Alam mo namang kalokohan lang ni Lolo Emmanuel 'yon. Nang makita ko si Khaiden, lalo kong naisip na talagang malaking kalokohan lang ang lahat. Kakausapin ko nga si Lolo kasi mukhang galit talaga si Khaiden sa akin."
"What? Bakit naman magagalit si Tito Khaiden sayo?" takang tanong nito sa kanya.
"Iniisip niya na ako ang may pakana kung bakit naisip ni Lolo na maging mag-asawa kami ng Tito Khaiden mo." Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. "Ramdam na ramdam ko ang galit at inis niya sa akin kanina."
"Hindi man lang siya na-attract sa iyo, Ate Chai?" tanong nito.
"Sa itsura kung ito? Malabong magkagusto si Khaiden sa akin, Krishia." mahina niyang pagsasabi.
"Maganda ka kaya, Ate Chai."
"Hindi ako kasing ganda ng mga babae naging karelasyon niya noon, Karishma."
"Ikaw naman ang gusto ni Lolo Emmanuel na maging manugang niya."
Umiling siya. "Hindi ko gagawin 'yon, Krishia. Kakausapin ko si Lolo Emmanuel. Sasabihin ko sa kanya na tigilan na niya ang plano niya sa amin ni Khaiden."
"Siguradong madidismaya si Lolo Emmanuel 'yan, Ate Chai."
"Kailangan ko ipaunawa kay Lolo nga hindi maaaring mangyari ang plano niya."
"Sayang bagay pa naman kayo ni Tito."
Wala siyang dapat panghinayangan. Wala namang namamagitan sa kanila ni Khaiden.
Pero siya, bakit may kung anong estrangherong nararamdaman na bumabalot sa pagkatao niya?
She had this silent hope that Khaiden liked the idea.
Na magugustuhan man lang siya ng binata. Pero malabong mangyari iyon lalo pa at tahasang sinabi nito na hindi ito papayag na manghimasok sa personal na buhay nito.
Pagkatapos na mapunasang lahat ang mga plato, baso at kubyertos.
Iniwan niya si Krishia sa kusina at nagtuloy sa study room. Gusto niyang tapusin ang naiwan niyang trabaho kanina.
Hindi niya akalaing madaratnan doon si Lolo Emmanuel.
Naroon din ang caregiver nito. Nakaupo ito sa swivel chair at may binubuklat na mga papeles.
Lumapit siya rito. "Lolo, anong ginagawa ninyo rito? Bakit hindi pa kayo natutulog?"
Ang caregiver ang sumagot sa kanya. "Kanina ko pa nga niyayaya si Lolo."
Naupo siya sa harap ng mesa nito. "Ako na ho ang gagawa niyan kung anuman ang ginagawa mo, Lolo." aniya. "Magpahinga na ho kayo sa kwarto niyo po."
"Okay lang ako, iha." Bumaling ito sa caregiver. "Iwan mo na kami ni Chai. Sa kanya na lang ako magpapahatid sa kwarto ko. Siya na rin ang magpapainom sa akin ng gamot."
Sumunod naman ito sa inutos ng matanda. Lumabas na ito sa study room.
Nang sila na lamang ang nasa study ay matamang tinitigan sya ni Lolo Emmanuel.
"Kamusta ang pag-uusap ninyo ng aking apo, iha?" tanong nito sa kanya.
"Lolo Emmanuel, Huwag na po ninyong ipilit ang gusto ninyo. Kahit kailan ay imposibleng mangyari ang iniisip niyo."
Tumawa ito nang pagak. "Ano ba ang pinagsasabi mo dyan, iha? Bagay na bagay kayo ng aking apo."
"Iniisip po niya na ako ang..." hindi na ituloy ang sasabihin nya na magsalita ito.
"Huwag mo siyang intindihan. Ako ang bahala sa kanya. Ang dapat mong gawin ay magpaganda palagi para mapansin at ma-inlove siya sayo."
"Hindi ko ho talaga kayang gawin yan, Lolo."
Hinawakan ni Lolo Emmanuel ang kamay niya. "Gawin mong lahat para mapalapit ka sa apo ko."
Paano niya gagawin iyon kung may galit at inis ito sa kanya?
"Iha, gawin mo ito para sa akin. Nakikiusap ako sa iyo." anito.
"But, Lolo Emmanuel..."
"Alam kung kaya mo siyang pa-ibigin. Nakikita ko sa inyong dalawa ng apo ko na kapag nagkatuluyan kayong dalawa, gugustuhin na niyaang manatili dito sa farm. Mapupuno ng tawanan at pag-mamahalan ng mga apo ko sa tuhod itong bahay. Hindi ba't gusto mo ng isang magandang pamilya?"
"Opo, pero Lolo..."
"Wala nang pero-pero. Gawin mo ang lahat para mapalapit si Khaiden sa iyo." mariin ng pagsabi nito sa kanya.
Para matahimik ang matanda ay tumango na lang siya. "Magpahinga na ho kayo, Lolo. Malalim na ang gabi."
"Magpahinga ka na rin, Iha."
"Ihahatid ko lang po kayo sa kwarto niyo pero babalik ako rito kasi tatapusin ko ang payroll ng mga trabahador para ukas." saad niya.
Tumango ang matanda. "Sige, Iha."
Nang masiguro niyang maayos na si Lolo Emmanuel sa kwarto nito ay saka siya nagpaalam dito. Siya na mismo ang nagpa-inom ng mga gamot nito na kailangang inumin bago matulog.
Paglabas niya ay eksaktong bumukas naman ang pinto ng katapat na kwarto ni Lolo. Iniluwa roon ay si Khaiden. Agad na naging mabilis ang tibok ng kanyang puso.
Bagong paligo ito. Nakasuot ito ng Gray boxers short at Black V-neck shirt.
"I thought Manang is Lolo's caregiver," Khaiden said he approached her. " O kinuha mo na rin ang trabaho ni Manang para mas mapalapit kay Lolo at ma-hook ako nang tuluyan?"
"Inihatid ko lang si Lolo sa kwarto niya." Hindi niya alam kung paano pabubulaan ang maling iniisip nito. Hindi naman niya nito masisisi kung mag-isip ito ng ganon.
"Was he asleep already?" Khaiden asked.
"Hindi pa tulog si Lolo." sago niya.
Without another word, he passed by her and went inside the room
_____
Its_AudreyBelle11 | AG💋
BINABASA MO ANG
Bride Series 2: Villamonte's Bride (On-Going)
RomanceNang makilala ni Yashashrie Charlotte Honteveros, Chai for short. si Lolo Emanuel ng pamilyang matagal na niyang pinapangarap. Labis niyang ikinagulat ang pakiusap nitong pakasalan niya ang apo nito na sa larawan pa lamang at kuwento ng mga kasamba...