Sa harapan na ng kwarto naabutan ni Chai si Khaiden. Sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso sa hindi maipaliwanag. Nang pumasok sa loob si Khaiden ay hindi siya maintindihan kung papasok din ba o lalabas na siya.
Nahihiya siya rito at sa kanyang sarili. Iniakyat lahat ni Manong ang mga gamit ni Khaiden. Hindi siya pinapansin nito samantalang alam nitong nasa likuran siya nito. Para siyang hangin na hindi nito nakikita.
Minabuti niyang tumalikod na lang. Babalik na lang siya sa kusina para tulungan niya ang mga kasam-bahay na mag-ayos doon. Nakakailang hakbang na siya nang marinig niya ang boses ng binata.
"Chai..." tawag niya ito sa kanya.
Bumilis agad ang tibok ng kanyang puso sabay lingon sa binata. Mas bumilis ang pintig ng puso niya nang nagtama ang mga mata nila.
"Where are you going?" tanong nito sa kanya.
"Ah...eh... p-punta na ako sa kusina atsaka okay na naman ang lahat diyan."
"We need to talk. Get inside, Chai."anitobaago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto.
Namanhid yata ang mga binti niya.
Lumingon ito sa kanya. "Chai..."
Saka lang sya humakbang palapit dto. Parang tambol ang kanyang puso. Nang nasa loob na sila ng malawak na silid nito ay lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya. Pinilit niyang magsalita.
"Ayusin ko ang mga gamit mo sa cabinet." laking pasasalamat niya sa sarili na hindi siya nautal.
"Don't touch that. Hindi ko kailangan ang assistance. Besides, I don't want someone to meddle into my personal things." cold na pagsasabi nito sa kanya.
Napalunok siya.
What exactly did he mean?
Humakbang ito palapit sa kanya. Lalo siyang nanliit nang nasa harapan na niya ito. Hanggang balikat lang siya nito. Her heart was beating very fast. "Let's put things straight," He looked at her straight in the eyes. "Alam ko ang plano mo, Chai. It is working for Lolo but not for me."
She heaved a sigh. "Anong plano? Wala akong plano, Khai."
He placed hishands in his hips. " Oh C'mon, Chai. I was not born yesterday."
"A-anong..."
"What made him think that I should marry you?" cold na tanong nito sa kanya.
"Alam ko pero.. hindi ko rin..." hindi niya natuloy ang sasabihin nya ng biglang nag salita si Khai.
"Of course you know because you were the one who initiated it."
"Nagkakamali ka... wala akong alam na..."
Naningkit ang mga mata nito at halos magsalubong ang mga kilay. "Yes, you manipulated Lolo. Kaya kalimutan mo na ang plano mo." Pinagkatitigan siya nito. "I want to be alone now. You can go out."
Parang gusto niyang umiiyak sa maling inisip ni Khaiden sa kanya. Hindi man lang siya nito binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Kung sabagay, hindi rin naman niya kayang magsalita dahil alam niyang sa oras na may lumalabas na salita sa bibig niya ay tiyak na basag ang boses niya. Nang humakbang siya palabas ng pinto ay mabigat na mabigat ang kanyang dibdib.
___
MAGKAKASUNOD na buntong-hininga ang pinakawalan sa inis at galit ni Khaiden nang lumabas ng kwarto niya si Chai. Hindi siya umabot sa edad ng twenty-five para lang magpakasal sa isang babae na inirereto ng lolo niya. Habang nasa sasakyan sila at ikinukuwento ng lolo niya si Chai, naisip niyang manggamit ang dalaga. Baka ginagamit nito ang trabaho para mapalapit kay Lolo.
Sabi ng matanda ay laki ito sa orphan. Malaki din ang posibilidad na gusto lang nito ang mga ari-arian ng lolo niya. Hindi naman niya ugaling manakit ng damdamin ng ibang tao lalo na isang babae pero kapag ganoon ng ang sitwasyon.
Magsisinungaling siya sa kanyang sarili kung sasabihin niyang wala siyang naramdamang atraksiyon kay Chai nang una niya itong makita. She was beautiful. Yes, she was not like the blonde, sexy, hot and tall women he usually dated.
Pilit nga lang niyang binalewala ang anumang namuong atraksiyon niya para dito. Kailan pa siya nagkaroon ng interes sa babaeng hindi matangkad at sexy? Chai was sexy, but she was not his type of a lady. Chubby ito. Humigit-kumulang limang talampakan at apat na pulgada lamang ang taas nito. The shortest woman he had an affair with was tanding five-six inches.
Subalit ganoon man ang height ni Chai, he could tell in one glance that she had perfect curves in the right places. Hindi man ito nagtataglay ng napakagandang mukha, malakas ang appeal nito dahil maamo ang mukha nito. She had deep-brown eyes and tiny pointed nose. Her lips were as red as cherries.
Why was he thinking that way?
Hindi siya dapat makaramdam ng gayon. Ang dapat ay panatilihin niya ang atraksiyon na naramdaman para dito. He should always think that Chai was a user and gold digger. Na sa kabila ng maamong mukha nito ay may iba itong binabalak para makuha ang lahat ng ari-arian ng Lola nila.
He would not fall for her trap!
_____
Author's Note: This is unedited please expect a lot of grammatical errors.
Please mag comment naman kayo kung anong nararamdaman niyo sa story nakakapagod kaya mag update tapos walang comment at votes haysst.Comment at vote lang nman ang gusto ko eh
Its_AudreyBelle11 | AG💋
BINABASA MO ANG
Bride Series 2: Villamonte's Bride (On-Going)
Storie d'amoreNang makilala ni Yashashrie Charlotte Honteveros, Chai for short. si Lolo Emanuel ng pamilyang matagal na niyang pinapangarap. Labis niyang ikinagulat ang pakiusap nitong pakasalan niya ang apo nito na sa larawan pa lamang at kuwento ng mga kasamba...