Chapter 11

4 0 0
                                    

Pumasok si Chai sa study room pagkatapos maligo at magbihis. Hindi niya alam na hindi lamang si Lolo Emmanuel ang naroon. Nakaupo sa guest chair sa harap ng mesa si Khaiden.

"Buti at dumating ka na, iha." ani ng matanda sa kanya.

Iniwasan niyang mapatingin kay Khaiden. Tuloy-tuloy siyang lumapit sa matanda at nag mano siya. "Mano po, Lolo Emmanuel. Hindi ko na po kayo nahintay kanina."

"Sinabi nga ni Krishia. Hindi ba't araw ng sweldo ngayon?" tanong nito sa kanya.

"Opo, Lolo Emmanuel. Magpapa-pirma nga po ako sa inyo ng tseke."

Ngumiti ang matanda bago sumulyap kay Khaiden. "Kita mo na kung gaano kabait at masipag si Chai."

"How would you know kung hindi kayo nawawalan o kaya nanakawan ng pera, Lolo?" tanong ni Khai sa kanyang Lolo.

"May auditor na nagbibilang sa mga pera ko, Apo." Naging matalim ang tingin nito kay Khaiden.

"I'm just saying, Lolo Emmanuel. Sa panahon ngayon masyadong mahirap magtiwala ng ibang tao." Sumulyap ito sa kanya.

Ang sakit ng dibdib miya. Hindi katwiran ang sinabi ni Khaiden alam niyang pinagdududahan siya nito.

Walang salita siya sa drawer niya at kinuha roon ang check book ni Lolo Emmanuel.

Lumapit siya sa matanda at pinapirmahan ang mga iyon.

"You sign documents that easy without even reading or looking at you what you were signing, Lolo?"

"Yes. Malaki ang tiwala ko kay Chai." Hindi na siya nakatiis na hindi magsalita.

"Like what Lolo Emmanuel said earlier, may accountant na nag-audit sa lahat ng income at expenses ng farm tuwing buwan."

"I just want to protect my grandfather's wealth." He smiled.

Ibinalik niya ang envelope ang pinapirmahan kay Lolo Emmanuel at nagpaalam na ito sa matanda. "I have to go na po Lolo Emmanuel. Magpapasama po ako kay Krishia sa bangko."

"Sumabay ka munang mananghalian sa amin ni Khaiden , iha." ani Lolo Emmanuel sa kanya.

"Wag na po, Lolo. Sa bayan na po ako manananghalian." aniya nito.

"Sasama sa iyo si Khaiden sa bayan, Iha." Nilingon nito si Khaiden na bahala sa pagkakain. "Hindi ba, Apo?"

"I'll be glad to do that."

Pakiradam ni Chai ay mawawala na siya ng hininga sa sinabi ni Khaiden.

Siya?

Sasamahan siya ni Khaiden sa bangko?

"Okay lang ako, Lolo. Naghihintay na nga po si Mang Kanor sa akin." aniya sa matanda.

"Uutusan ko si Kanor sa kabilang bayan. May ipinapakuha ako sa farm." sabi ni Lolo Emmanuel. "Ang Helux ang gagamitin ninyong kotse ni Khaiden. Tutal may international license naman si Khaiden."

Hindi na nakatanggi pa si Chai. Kasabay nga niyang nananghalian ang mag-lolo. Kitang-kita niyang nakangiti si Krishia habang kumakain sila.

Kung sobrang pagkailang ang naramdaman niya habang kumakain sila. Wala kibong naatuon ang atensiyon niya sa labas ng bintana ng kotse.

Her heart was pouding. Pakiramdam nga niya ay umaabot sa lalamunan niya ang tibok ng kanyang puso.

"Pakaliwa ang papunta sa bayan." Nang nasa dulo na sila ng daan paputang bangko.

"I'm sorry. Nalilito ako sa daan papuntang bayan."

Hindi na siya sumagot. Muling itinuon niya ang atensiyon sa labas ng bintana ng sasakyan. Sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso bagay na kinaiinisan niya.

"About last night..."

Nilingon niya ito.

"I know si lolo ang may gusto na maging tayo and I'd like to apologize. Hindi ako dapat nagsalita ng ganoon sayo."

Nagulat siya sa sinabi nito.

Ibinalik niya ang tingin sa labas ng bintana bago siya sumagot. "Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako papayag sa gusto ni Lolo."

"Why not?" tanong nito sa kanya.

Napakunot ang noo niya. "Walang dahilan para pumayag akong magpakasal sa iyo, Khaiden."

Tatanggihan mo si Lolo?" takang tanong nito sa kanya.

"Hindi biro ang pagpapakasal. Ginagawa lang yong ng dalawang taong nagmamahalan." sagot niya.

Tumawa ito. "How romantic. For your opinyon marami ring nagpapakasal for conevenience sake."

"Hindi ako papayag sa gusto o plano mo."

"Really?"

Hindi siya kumibo.

"I think we need to talk about this topic." pakli nito nang hindi siya sumagot.

"Wala tayong pag-uusapan, Khaiden." cold na pag sasabi niya sa binata.

"There is something important to talk about. Pumayag ako sa kagustuhan ni Lolo na pakasalan ka." seryosong sabi nito.

Napalingon siyang bigla.

He held her gaze. "You heard me. Pumayag na ako pero sa ibang pagkakataon na natin pag-usapan ang mga detalye. There will be some rules of course."

Nababaliw na ba ito?

Ano ang nakain nito at biglang naiba ang ihip ng hangin?

Hindi na niya nagawang magtanong dahil parang ayaw ng lumabas ang kanyang dila. Pero isa lang ang nasa isip niya.

Alam niyang may lihim na plano si Khaiden. Kailanman ay hindi niya maaaring pakasalan ang binata baka masaktan siya sa huli.

_____

Its_AudreyBelle11 | AG💋

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bride Series 2: Villamonte's Bride (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon