NATULALA ako sa kawalan matapos makita ang mga taong narito sa harap ko, masaya silang kumakain habang nagtatawanan. I had the urge to step back and just go home. Walking away from this place became a tempting thought.Lalo akong nahiya nang makita ang paghanga at gulat sa mukha ng mga taong naroroon. They are smiling at me habang naghihintay na mauna akong bumati, and that's what I do.
"Hello, everyone! I'm here na. If someone remember me, that's great. And if someone already forgotten who am I, let me reintroduce myself." I smile at them before heavily sighing.
"Hi, I'm Xanaya Celestine Del Vaise, our batch's valedictorian and muse. You can call me Tine." I chuckled at my last statement and greeted each of them with kisses, although I wasn't fond of such greetings.
Still, sino ba naman ako para tanggihan sila? Later, I might hear accusations of me being that "arrogant" kind of person, though it's not true. I just avoid such scenarios, I've already experienced that the past. Alam ko kung gaano kasakit iyon.
"Is that Tine? Grabe! Ang ganda niya, sino ba namang tao ang makakalimot sa kaniya?" Bigla ay narinig ko sa isang batch mate ko, napangisi akong hinarap siya.
"Denise, ikaw pala yan! Ako nga 'to, si Tine. Long time no see. As usual ay maganda ka pa rin kaysa sa akin." Pabirong bati ko sa kaniya saka siya niyakap. Ayon at katabi niya ang kaniyang nobyo.
Maya-maya rin ay bumitaw siya. Kinuha niya ang braso ko saka iniharap sa nobyo niya.
"Jian, this is Tine, batch mate ko. Narinig mo naman kanina, she's our muse and valedictorian when we were in high school. Sa buong campus ay pangalan niya lagi ang naririnig namin noon." Natatawang kwento pa niya sa boyfriend niyang si Jian, nang lingunin niya ako ay kapwa ngiti lang ang isinagot ko sa kaniya.
"Ahh, Tine, ito naman ang boyfriend ko. His name is Jian, nakilala ko siya sa Singapore last 2012. It's been 3 years since we started our relationship." Tumango ako at nakangiting nakipagkamay doon kay Jian. He look nice and sweet. Swerte ni Denise kung gayon, bagay na bagay sila.
Nagulat na lamang ako nang hilahin ni Denise ang braso ko dahilan para mapasunod ako sa kaniya. Napunta kami ngayon sa chocolate fountain, malapit sa mga pagkain na nakaserve doon, hindi ko tuloy maiwasang matakam lalo pa't hindi pa ako nakakakain ng lunch.
"Tine, ang ganda mo talaga! Are you still single?" Denise asked, hesitatingly. I laughed and assured her.
"No, I have a boyfriend, and he's on his way here. I'll introduce him to you when he arrives na." Sandali akong huminto sa pagsasalita nang mapansin kong tinapunan niya ako ng tingin, nang-aasar.
"What's with that look?" Natatawang tanong ko sa kaniya na may halo pang hiya, nangangapa pero hindi na siya sumagot pa.
Bumalik kami sa lamesa at itinuloy-tuloy ang pagkukwentuhan. Kumusta dito, kumusta doon.
Nahihiya pa nga ako nang gaya ni Denise ay itinanong din nila sa akin kung may boyfriend na ako. Hindi sila makapaniwala, alam kasi nila ang nakaraan ko. Bagamat hindi ako open sa pagkukwento ng mga bagay na iyon ay alam kong alam nila kung anong pinagdaanan ko.
"Excited na kaming makilala yung boyfriend mo, Tine. Paniguradong kagaya mo ay successful din siya at syempre ay gwapo. Ikaw pa ba? Magaling yata pumili itong 'Gorgeous Muse' natin, 'di ba, guys?" Bumaling pa si Mikha sa mga ka-batch mate namin habang tumatango tango naman ang mga ito bilang senyalea na sumasang-ayon sila sa babae.
Maya-maya lang ay nakatanggap ako ng isang text, galing sa kaniya.
One text message received
From: L ( ˘ ³˘)♡
Baby, I arrived already.
I'm here na, Mahal.Gayon na lang ang ngiting umusbong mula sa akin, tanging siya lang ang nakagagawa noon. Ang pangitiin ako nang sobrang ganda, sobrang linaw na tanging ang liwanag na lang ng mga mata ko ang makikita sa buong kabuuan ko.
"He's here, susunduin ko lang." Nakangiting paalam ko sa kanila at saka tumayo at kaagad na naglakad palabas ng venue.
Natanaw ko na siyang nakatayo at prenteng nakasandal sa pintuan ng kotse niya. Nakasuot siya ng shades, isa lang ang ibig sabihin noon.
"Love!" Tawag ko sa kaniya nang makita kong lumingon siya sa gawi ko. Kinawayan ko siya habang nakangiti. Ayon na naman ang maangas at matikas niyang paglalakad habang nakangisi sa akin.
"Baby, you look so ethereal. Come here." Aniya nang makalapit ay kaagad niya akong niyakap. Yakap na halos hindi na kami parehas makahinga nang bumitaw sa isa't isa.
"Ano ka ba! Kung makayakap ka naman sa akin parang isang taon mo akong hindi nakita. You missed me that much?" Pang-aasar ko pa pero nag-pout lamang siya sa akin, nagpapacute.
"I'm sorry, I'm late. Nakakainis si Cresia, pinipilit akong kumain eh sinabi ko na ngang sasabayan kita." Nakasimangot siya sa akin pero ang mukha niya ay nagliliwanag pa rin, natawa ako.
"Wag ka nang mainis kay Cresia, ginagawa niya lang ang makabubuti sayo. Hayaan mo na, pumasok na tayo. My batch mates are all excited to see my handsome baby." Nakangiting sabi ko saka siya inakay papasok.
At kagaya nang ineexpect ko ay ayon nga, kaagad silang nagkaingay nang pumasok kami. I chuckled when I see their reactions, para silang nakakita ng artista kung makatili.
"Everyone, kalma. He's my boyfriend, please introduce yourself baby." Sagot ko at gayon nga ang ginawa niya. Nagpakilala siya sa lahat at isa-isa itong binati.
Nakakatawa lang, humihingi pa siya ng 'are you sure about this' look sa akin sa tuwing yayakap siya sa iba, lalo na sa mga babae kong ka-batch mates.
When he finished greeting them, he immediately approached me and kissed my forehead causing the butterflies in my stomach to rage. Kung paru-paro o gutom iyon ay hindi ko na alam, pero isa lang ang matitiyak ko: natutuwa ako sa mga bagay na ipinararanas niya ngayon sa akin.
Akala ko hindi na mapuputol ang kasiyahan na iyon, pero nangyari na nga ang kinatatakutan ko dahil makalipas lang ang ilang minuto, dumating na ang taong labis na nagpahirap sa buhay ko.
"Tine..."
Tiningnan ko siya sa mata, nagtatanong. Pakiramdam ko tumigil ang paghinga ko at ayon na naman ang pakiramdam na para ba akong sinasakal. Sa paraan ng pagkakatawag niya sa akin, pakiramdam ko may kailangan pa akong malaman, may kailangan pa akong marinig.
Pero hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita, dahil sa mismong kinatatayuan ko pinanood at binalikan, ang mga memorya at alalang pilit ko nang kinakalimutan.
BINABASA MO ANG
Her Deepest Failure (Her Deepest Fear Series #1)
Teen FictionHer Deepest Fear Series #1 Atychiphobia, commonly known as the fear of failure, is an irrational and enduring dread of not succeeding. This fear can arise from various triggers, whether specific situations or underlying mental health issues like anx...