DUMAAN nga ang dalawang linggo at na-announce na sa aming lahat ang prom na gaganapin sa makalawa. As I expected, lahat sila masaya lalo na’t noong sophomore days pa namin ang huling prom na nangyari na kung aalamin ay nasa 2 years ago na.
"Tine, salamat sa libro. You're really a big help." Inilapag ni Denise, student sa Venus, ang librong ipinahiram ko sa kaniya kahapon. Naiwan niya kasi ang libro niya sa Biology at sakto naman na kakayari lang namin gamitin iyon nang manghiram siya sa akin. Sinabi ko naman na bukas niya na lang ibalik kaya heto siya ngayon at isinasauli na sa akin.
"Wala yun, Denise. Kapag may kailangan ka sabihin mo lang sakin. Ako ang bahala." Nakangiting tugon ko sa kaniya. Nagpaalam na rin siya sa akin at muling nagpasalamat bago umalis.
"Grabe ang bait mo talaga Tine! Kaya sayo ako eh." Bagamat pabirong sinabi iyon ng amaw ay natawa naman ako, sa isang part ay may kung ano akong nararamdaman. Ewan.
"Mabait ka dyan. Hindi 'no! Huwag mo nga akong asarin." Natatawang sagot ko sa kaniya. Tumayo ako at kinuha ang bag ko, akmang aalis na para pumunta sa café nang hilahin niya ang strap ng bag ko dahilan para mapaupo ako.
"Saan ka pupunta?" Aniya na nang-aasar ang tono.
"Kakain ako, amaw! Nagugutom na kaya ako. Kanina pa tayong alas-siyete nandito, anong oras na!" Reklamo ko kahit na kasalanan ko naman talaga kung bakit hindi pa kami nakakakain.
"Tsk, dyan ka na lang Tine. Ako nang bibili. Libre ko dahil good mood ako ngayon, huwag lang sana mabwisit mamaya." Napatango na lang ako saka inalis ang pagkakasukbit ng bag ko sa balikat ko.
"Salamat, amaw!" Sigaw ko pa bago siya lumabas ng classroom. Tatawa-tawa naman siyang nag-okay sign sa akin bago tuluyang umalis.
"Nawala lang ako ay naging kayo na, agad?"
Napatingin ako sa likuran ko. Nando'n siya at nakapamulsang nakatitig sa akin. Inaasahan ko nang lalapit siya sa akin at maghahanap ng away, nangyayari na nga.
Paano ba naman ay mag mula nang bumalik siya ay wala na siyang ginawa kung hindi ang pilit kaming paglapitin na para bang kagaya nang dati.
Nando'n yung paaalisin niya ang mga kaklase ko sa classroom kapag vacant para lang makausap ako. Meron ding bigla na lang ako hihilahin out of nowhere at saka pilit na kakausapin sa kung saan mang lupalop na lugar.
Pero hindi naman nangyari ang sagutan na nais niya dahil nang mga oras na iyon ay talaga namang wala ako sa sarili para makipag-usap sa kaniya. Pero ang kumag ay hindi tumigil, heto na naman siya't nagpapapansin sa akin.
"Sinong tanga ba ang nagsabi sayo na kami na? At kung totoo nga ang bagay na yun, ano naman sayo, Raze? Tumigil ka na nga! Ano na naman ba 'to?" Nakangiting tanong ko, punong-puno nang pagiging sarkastiko ang pagkakasabi ko noon.
"Tine, kaibigan ko siya! Bakit siya ang isusunod mo sakin—" Inis kong inilapag pabagsak sa lamesa ang librong hawak ko.
"Dati ka bang siraulo?" Parang maiiyak na siya nang salubungin ko ang tingin niya, talaga namang natawa ako.
"Oo nga pala, siraulo ka nga pala talaga. Pwede bang umalis ka na lang kung wala kang gagawin na matino? Hindi mo ba nakikita? Layuan mo na ko! Ako na mismo ang umiiwas sayo, pagod na ko!"
"Na hindi ko naman hiniling, Tine! Bakit ba ang manhid mo! Ilang araw na kitang sinusubukang kausapin pero palagi kang umiiwas! Dahil kanino? Dahil ba sa kaniya ha?!—"
Hindi ko siya pinakinggan. Isinulpak ko sa magkabilaang tainga ko ang earphones na hawak ko at saka yumuko sa mga braso ko.
Naramdaman ko nang hugutin niya ang isa sa mga earplugs noon. Nakakatawa dahil kahit gawin niya pa iyon ay hindi ko naman talaga siya pakikinggan.
"Tangina, Tine! Kausapin mo naman ako!"
Nawala ang ngiti sa mukha ko. Nagsimulang mangatog ang kamay ko dahil ayon na naman siya sa pagsigaw-sigaw sa akin na para bang normal lang iyon na gawain ng isang lalaki.
"Kausapin mo ko! Ano bang problema! Pwede pa naman nating ayusin ‘to, ‘di ba? Bakit kung kailan gusto ko na ay saka ka pa aayaw!"
Natahimik ako dahil sa tanong niya na yun. Nagtataka ko siyang tinitigan. Nagsimulang manlamig ang kamay ko.
“Nagshashabu ka ba, Raze? Nakalimutan mo na ba kung anong ginawa mo saking punyeta ka?" Pilit ko mang pigilan ang emosyon ko ay ayon nga at nagsisimula na silang magsilabasan.
“Tine...” Pagtawag niya sa akin pero kaagad akong tumayo at akma na sanang aalis, ang amaw, pinigilan na naman ako!
“Raze! Huwag mo nga akong hawakan! Nababaliw ka na ba talaga, ha?! Tigilan mo na sabi ako! Ano pa bang kailangan mo! Umalis ka nang walang paalam tapos ay babalik ka’t magtatanong nang parang walang nangyari, ano pa bang gusto mo!" Puno nang hinanakit ang boses ko, pasalamat na lang ako dahil hindi ako pumiyok nang sabihin ang mga masasakit na salitang iyon.
"Nakakatawa dahil parang nakalimutan mo nang lahat ng ginawa mo sakin! Siraulo ka, Raze! Siraulo ka! Kailangan ko pa bang ipaalala sayo ang pang-gagago na ginawa mo sakin?" Mapait ang naging tono ko doon.
Ayoko sana siyang kausapin pero mukhang wala siyang balak na tumigil sa kalokohan niya kung hindi ko pa siya gigisingin mula sa mga kahibangang ginagawa niya.
"Raze! Hindi mo ba nakikita? Okay na ako! Maayos na’t hindi na tuliro kagaya nang dati! Bakit hinahalungkat mo pa kung pwede namang kalimutan na? Gusto mo bang isa-isa ko pang banggitin sa harap mo kung ano yung mga bagay na ginawa mo para lang lalong lumayo ang loob ko sayo?" Hindi siya nakasagot sa akin. Nakita ko nang mamuo ang luha sa mga mata niya.
"Kung tatanungin mo ako ngayon din, kung mahal pa kita, sana ay alam mo na ang sagot dyan, Raze. Matagal akong nag mukhang tanga kahihintay sayo. Matagal akong nagbulag-bulagan para lang hindi makita yung mga ka-gaguhan na pina-gagagawa mo noon sakin. Nagtiis ako, Raze! Tangina! Sinugal ko lahat para sayo dahil akala ko sigurado ka sakin! Dahil akala ko itataya mo lahat para lang sakin! Napakatanga ko nga talaga siguro dahil umasa pa kong may magbabago sayo." Napailing ako sa kawalan.
Kinuha ko ang gamit ko at sa huling pagkakataon ay tinitigan ko siya. “Maawa ka sa sarili mo. Kung ayaw mo pa rin akong tantanan ay sa girlfriend mo ikaw maawa. Hindi ka ba nahihiya sa mga nakakakita nang mga ginagawa mo? You’re already have a girlfriend, Raze! Maawa ka naman sa kaniya! Kahit hindi na sa akin.” Yun lang at iniwan ko na siya roon.
Mabigat ang loob kong tinahak ang cafeteria. Hindi ko alam kung bakit mas lalo lamang bumigat ang loob ko sa na tunghayan kong pangyayari.
“Uy, Tuzon, ayon na si Tine. Lagot ka ro’n hinalikan mo si Aya.” Narinig kong pang-aasar ni Jefferson, kaibigan niya sa kabilang section.
Napatitig ako sa kanilang dalawa. Kay amaw at kay Aya, ayon at naghahalikan silang dalawa pero biglang itinulak ni Tuzon si Aya nang makita ako.
Hindi ko maintindihan kung bakit bigla ay gusto kong umuwi na lang at magmukmok sa isang sulok. Saan ba ako mas nasaktan? Sa naging diskusyon namin ni Raze, o dahil sa nakita kong pakikipaghalikan ng amaw sa ibang babae?
Pero bakit?
BINABASA MO ANG
Her Deepest Failure (Her Deepest Fear Series #1)
Teen FictionHer Deepest Fear Series #1 Atychiphobia, commonly known as the fear of failure, is an irrational and enduring dread of not succeeding. This fear can arise from various triggers, whether specific situations or underlying mental health issues like anx...