Chapter 3

1 0 0
                                    

ILANG araw na simula nang hindi ako nakakatulog nang maayos sa gabi. Parati akong binabangungot at ang masama pa ay kapag nagising na ako sa madaling araw, hindi na ako nakababalik pa sa pagtulog.

Araw-araw na naging ganoon ang pangyayari sa akin. Hindi ko alam kung papaano akong nakakapasok sa school, at makakauwi ng ligtas. Salamat kay Tuzon dahil paniguradong binabantayan niya ako nang mga oras na iyon.

Nang malaman ko sa kaniya ang pagbabalik ni Raze sa Gonfalve, lahat ng mga alaala ko sa kaniya ay bumalik din.

Nakakatawa na sa loob ng anim na buwan o mahigit kalahating taon ay iniwan niya akong mukhang tanga na naghihintay kung babalik pa ba siya. Ano na naman kayang plano niya ngayon? Kung ano man iyon ay sana huwag niya na akong idamay pa.

Tahimik na ako ngayon at nasanay nang wala siya. Bakit kung kailan matiwasay na ang buhay ko saka pa siya babalik para mang gulo ulit? Nakakatawa siya.

"Tine ilang linggo ka nang ganyan. Ang lalim ng mata mo at halatang hindi maayos ang tulog mo." Tinabihan ako ni Tuzon dala ang kaniyang mga art materials. Pupunta kami ngayon sa drafting room para gumawa ng activity. Doon ko lang na-realize na wala akong dalang materials, ni-isa.

Nang mapansin niya ang kalagayan ko ay kaagad niyang inilapag sa table ko ang dala niya. "Tine, hintayin mo ko dito. Bibili pa ako ng extra materials para may magamit tayo. Sandali lang ako." Aniya habang nakangiti sa akin. Pinat niya pa ang ulo ko bago umalis.

Buntong-hininga ko siyang sinundan ng tingin hanggang sa hindi ko na siya matanaw pa. Yuyuko sana ako para magpahinga muna saglit pero naramdaman ko ang isang tao na lumapit sa akin.

"What a mess, Del Vaise. Ang muse namin mukhang naloloka na naman yata ngayon?" Pang-aasar ni Reese sa akin.

Kung hindi ako nagkakamali ay siya rin iyong kasama ni Herihla sa CR nakaraang linggo na ang nakakalipas. Sila yung dalawa na pinagchichismisan ako sa banyo, not knowing na ando'n din ako at nakikinig.

"Siguro ay nabalitaan mo na nakabalik na si Raze sa Gonfalve? Kawawa ka naman. Hinihintay mo pa ba siya hanggang ngayon? Kung ako sayo Tine, hindi na ako aasa na may babalikan pa ako." Makahulugang sabi niya.

"Mula nang umalis siya sa Gonfalve, hindi na ako umasa na may babalikan pa ako, at may babalikan pa siya dahil matagal ko nang tinapos ang lahat ng namamagitan sa amin. Hindi na ko umaasa sa kaniya, ni-isipin na umaasa siya sa akin. Kakapalan na lang ng mukha iyon kung gagawin ko pa." Walang emosyon kong pinakawalan ang mga salitang iyon sa pagmumukha niya. Nakita ko naman nang matahimik siya.

"Bumalik man siya dito, kahit dito sa harapan ko ngayon, mismo. Ni-isang persyento ng pag-asa ay hindi mo ako makikitaan." Malalim akong bumuntong hininga. Pinipigilan lumabas ang emosyon.

"Matagal nang tapos ang lahat sa pagitan namin. Kung ayaw mong maniwala ay subukan mong magkalkal sa basurahan, baka sakaling may mapulot ka at maibigay mo sa ganda-gandahan mong kaibigan." Nakangiting tugon ko bago kuhanin ang bag ko at materials na iniwan ni Tuzon saka siya nilayasan.

Nang makalabas sa classroom ay doon lang ako nakahinga nang maluwag. Liliko na sana ako papunta sa drafting room pero nakasalubong ko ang magkasalubong ang kilay na si Tuzon, hindi niya pa muna ako napansin dahil nasa ibaba ang tingin niya.

"Saan ka ba nang galing? Ang tagal mo." Kunwaring naiinis na tanong ko sa kaniya. Pero nagulat ako nang hawakan niya ang balikat ko.

"Tine, nandito si Raze. Nakita ko siya! Gusto ko siyang sapakin kanina hanggang sa magkulay ube siya pero hindi ko nagawa. Nakakainis! Kung bakit kasi kailangang bumalik pa siya rito." Natulala ako sa narinig.

Lumaylay ang balikat ko na hawak pa rin ng amaw at napalingon sa paligid. Gusto kong sigawan ang sarili ko dahil sa ginawa kong paglingon at paglingap pero huli na.

Ayon at nakita namin ang isa't isa. Naroon siya sa office na katapat ng drafting room at nakatingin sa akin. Bakas sa mukha niya ang gulat nang makita ako, gayon din ang reaksyon ko.

"Tuzon..." Hindi ko alam kung bakit ang apelyido niya ang nabanggit ko nang oras na iyon. Napatingin ako sa amaw at nakita ko ang gulat sa mata niya nang magtama ang paningin naming dalawa.

"Tuzon... nasaan yung art materials na binili mo?" Iyon ang nabanggit ko sa kawalan ng mga nais sa sabihin. Nagtaka pa siya at napakamot ng ulo. Hindi niya inaasahan na iyon ang sasabihin ko, nakakatawa dahil maski ako ay hindi alam kung bakit iyon ang nasabi ko.

"A-akala ko naman kung ano, Tine!" Nagpanggap siyang tumatawa pero hindi nawala sa mga mata niya ang konting lungkot. Lungkot na hindi ko alam kung saan nang gagaling.

"Tara na sa drafting room?" Nakangiting tanong ko sa kaniya. Pilit kong itinatago sa ngiting iyon ang kaba at lungkot na nagsisimula nang umusbong sa akin.

Alam kong nakita ng amaw si Raze na naroon sa tapat ng office at paniguradong madadaanan pa namin kaya naman imbis na sa harap ay sa likod kaming dalawa dumaan.

Pero mukhang lalo kami namali ng galaw dahil ayon si Raze sa likod ng drafting room. Nakaharap at kausap ang isang mestizang babae.

"Kanina ka pa wala sa sarili, Theo Jiraze! You've not even eaten your food! What the hell is happening to you?! Is this because of your ex-girlfriend? You're bothered because you saw her with her new boyfriend together, right?"

Natigilan ako sa tanong na iyon ng mestizang babae. Kung hindi ako nagkakamali ay siya iyong bago ni Raze. Nakilala ko siya weeks after akong iwan ni Raze, nakakatawa lang dahil hindi ko magawang magalit sa kaniya.

"Please shut up, Viela. Hindi gano'n yun. Mahiya ka naman, nasa tapat tayo ng office. Baka mamaya ay may makarinig sa atin. Kababalik ko lang at ayokong mapahiya-"

Imbis na pakinggan sila ay kaagad akong tumalikod at naglakad palayo sa lugar na yun. Nasulyapan ko pang humingi ng tawad si Tuzon sa aming teacher sa drafting dahil hindi kami makaka-attend. Maya-maya lang ay lumapit na rin siya sa akin at sinabayan akong maglakad.

Walang salitang namutawi sa aming dalawa. Bagamat parehas kaming hindi nagsasalita ay nararamdaman ko ang presensya niyang nag aalala sa akin.

"Narinig ko kay Jefferson kanina na may gaganaping prom the day after the next week at i-a-announce iyon bukas." Siya ang unang nag bukas ng topic pagkatapos namin maupo sa hanging bridge, dito lang din sa garden ng school.

"A-attend ka ba?" Tanong ko. Ang paningin ay nasa tubig.

Naramdaman ko nang sumulyap siya sa akin pero hindi ko siya nilingon.

"If you'll accept my invitation, then I will." Sagot niya sa akin. Nagulat naman ako doon. Oo nga't may ideya na ako sa kung sino ang yayayain niyang ka-pareha pero ayoko pa rin umasa, hindi maganda ang ganong mga bagay.

Mahirap umasa kung wala ka namang pinanghahawakan na kahit na anong bagay. Mahirap umasa sa wala.

"Will you be my date, Tine?" Tanong niya sa akin at sa sandaling iyon ay nilingon ko na siya.

"Only if you held my hand forever, Tuzon." Sagot ko at nakita ko nang rumihestro sa mukha niya ang gulat.

Her Deepest Failure (Her Deepest Fear Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon