Chapter 1

2 0 0
                                    

Chapter 1

"Any nominations aside from Ms. Rueva?" Umalingawngaw ang tanong na iyon mula sa aming teacher. Election for classroom officers today. Prenteng nakaupo lang ako habang diretsong nakatingin sa harapan.

"Ma'am!" Hindi ko inabalang tingnan kung sino ang nagsalitang iyon. May hindi ako magandang naiisip sa kung sino ang inonominate niya, napairap na lang ako nang tama nga ang hinala ko.

"Yes, Mr. Tuzon?" Nakangiting lumingon sa kaniya si Ms. Seria—guro namin, habang nakaangat ang isang kamay nito.

"I nominate Ms. Del Vaise to be our class muse," Umugong ang nag-aasarang reaksyon ng mga kaklase ko. Napailing na lang ako at pasimple siyang sinamaan ng tingin.

Sinambit ko ang salitang "Pakyu." ng walang lumalabas na kahit na anong tinig mula sa aking bibig, tinawanan lang ng amaw ang sinabi ko.

"And I shamelessly nominating myself as her escort, obviously." Mayabang pang dugtong niya kaya lalong naghiyawan ang mga kasama niyang amaw.

"Okay, then! Any nominees for muse, first? I will count down to three then we will close the nomination for muse. One, two, three? Okay, close the nomination." Nakangiti ang aming adviser habang sinasabi iyon, walang gana kong tinapunan ng tingin ang mga kaklase kong nakangisi sa akin saka sila inirapan. Natawa ang iba samantalang nangunot naman ang noo ng ilan.

"We'll start the voting, first we have Ms. Herihla Rueva. Any votes for Ms. Rueva?" Lumingon si Ms. Seria sa mga kaklase ko at nagsimula namang magbilang si Gyro ng boto.

"Twenty two, Ma'am." Sagot ni Gyro sa aming guro saka isinulat iyon sa blackboard, sa tapat ng pangalan ni Herihla.

Napaismid na lang ako sa kawalan. Sa pagkakaalam ko ay nasa fifty five kami. Kung hindi ako nagkakamali ay may thirty three pang hindi nakakaboto.

"Any vote—" Hindi pa man natatapos ang tanong na iyon ng teacher namin, ayon at nakataas na ang mga kamay ng tatlumpo't isang kaklase kong hindi bumoto kay Herihla. Imbis na matuwa ay napabuntong hininga ako. Kulang ng dalawa dahil hindi ako bumoto gayon din si Herihla.

Punyeta ito na nga bang sinasabi ko! Lagot ka talaga sakin Tuzon!

"Malinaw naman kung sino ang lamang," Humarap sakin si Ms. Seria saka ngumiti sa akin. "Ms. Xanaya Celestine Del Vaise is our muse."

Nameke ako ng ngiti, tinatanong sa hangin kung kailangan ba talagang buong pangalan ko ang banggitin.

"Ma'am, Tine na lang po." Napakamot ako ng ulo nang tumawa siya, hindi ko naman iyon pinansin at mababaw na tumango na lang sa mga kaklase ko.

Nagtuloy-tuloy ang botohan at syempre, pagkatapos ng muse ay escort naman ang sumunod. As I expected, ang amaw ang nanalo, palibhasa ay papansin sa mga kaklase namin kaya mas kilala siya ng lahat.

Dumaan ang oras nang hindi ko napapansin. Natapos ang botohan nang matiwasay, nang oras na nang picture taking para sa mga naging officers ay nagkaroon ako nang tyansang kausapin si Tuzon.

"Hoy, amaw! Siraulo ka bakit mo ko ini-nominate kanina! Hayop ka talaga!" Bagamat pabulong iyon ay isinisigaw ko naman iyon sa tainga niya nang may bawat diin sa mga salita.

"Dahan-dahan naman sa sigaw, Tine. Mas malakas pa sa megaphone ang bunganga mo. Kaganda-ganda mong babae kung makasigaw ka—"

Hindi natuloy nais niyang sabihin dahil kaagad na sumenyas ang kukuha ng litrato na magdikit pa kaming dalawa, tuloy ay ngingisi-ngisi ang loko.

"Mas mukha pa kayong magkaaway kaysa representative ng section natin, for once naman magdikit kayo!" Reklamo ni Marky, kaklase kong nagpipicture. Napabuntong hininga na lang ako at saka lumapit pa kay Tuzon.

"Last picture na 'to na itatake ko, ha? Ayusin nyo na!" Sigaw pa noon habang itinatimer iyong camera niya.

Pero ganoon na lang ang gulat ko nang akbayan ako ni Tuzon habang naka-peace sign pa sa taas ng ulo ko. Inis ko siyang nilingon at dahil do'n ay na-develop ang picture namin nang ganoon ang aming huling post.

"Ayan! Cute naman, para kayong sa mga Korean drama na hindi magkasundo. Aso’t pusa, tse!" Natatawang pang-aasar pa ni Marky matapos ang pagpapapicture namin sa kaniya.

Kaagad na lumakad si Tuzon papalapit sa lalaki para tingnan ang litrato namin pero hindi ko na siya sinundan pa. Kaagad kong kinuha ang gamit ko at kaagad na nagtungo sa comfort room.

Pumasok ako sa isa mga cubicle at doon ay umupo, kanina pa ako naiihi pero hindi ako makapag-cr dahil sa lintik na nomination na iyon.

"How do you feel about Xanaya Celestine being our muse this year? Inagawan ka niya ng spot. Ang akala ko ba ay plano mong mag muse this year lalo pa't last year na natin ito sa high school?"

Nagpantig ang tainga ko nang marinig ang sariling pangalan. Kailanman ay hindi ako natuwa sa pangalang ibinigay sa akin ng mga magulang ko. Wala naman kasi akong makitang espesyal na bagay doon.

"Oh come on, Reese. Alam naman natin na hindi ko hawak ang kamay ng mga peste nating kaklase para iboto ako. Hayaan mong si Tine ang mag represent ng section natin ngayong taon. Huli naman na 'to, hayaan na nating ang kawawang iyon."

Napabuntong hininga ako. Hindi lingid sa kaalaman ko na maraming may ayaw sa akin sa campus namin, lalo na nang sophomore days ko pa lang.

"Do you think she deserves it Herihla?" Bigla ay tanong nang naunang babae, si Reese, ang kaklase kong anak ng baranggay captain sa aming baranggay.

Napangisi ako. Alam ko sa sarili kong hindi ko iyon deserve, mga amaw na 'to.

"Duh?! Kailangan pa bang itanong yan? Of course, she doesn't deserves it! Hipokrita siya kung iniisip niyang nagugustuhan na siya ng mga tao dito. She will always be that outcast that everyone once hate! Hindi niya iyon mababago!"

Kaagad kong inayos ang cubicle pag tapos ko iyong gamitin. Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago ako lumabas, tinitiyak na wala ng taong naroroon bukod sa akin.

Nakahinga ako nang maluwag nang masigurong ako na lang ang taong naiwan. Tinitigan ko ang sarili sa salamin.

Huminga ako nang malalim saka inayos ang sarili. Hindi ko kailanman mapipilit ang ibang tao na magustuhan ako, na maintindihan ang punto ko.

Pero natatakot na naman akong mapahiya. Natatakot na naman akong pumalpak sa harap nila. Natatakot na naman akong makagawa ng bagay na sa tingin ko ay ikapapahiya ko oras na makaharap sa kanila. Natatakot na naman akong magsalita dahil baka may hindi sila magustuhan at mag-iba ang tingin nila sa akin, mas iniisip ko pa ang iisipin nila.

Nakakatawang sa lahat ng pakiramdam ay iyon ang ayaw ko at higit na kinatatakutan ko. Ang maging isang malaking palpak sa harap ng maraming tao. Ayokong kaawaan nila ako pero ayaw ko ring pagtawanan at maliitin nila ako.

Pero wala akong magawa, higit na kinatatakutan ko sila kaysa sa kahit na anong bagay sa mundo. Dahil sila, maaari nilang sirain ang buong pagkatao ko. Sa isang salita, sa isang pitik, kaya nilang tanggalin ang buhay ko.

Her Deepest Failure (Her Deepest Fear Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon