Chapter 2

2 1 0
                                    

February 2019 ng hapon, lumabas ang exam results ko.

Kahit na may girlfriend na yung naging crush ko, gusto ko pa ding mag-aral doon. Sabi nga nila books before boys. Dream school ko pa din yun kahit anong mangyari.

Walang pag aalinalangan kong tinignan at pinindot ang "view results" button. Sa tagal ng loading ay sya namang pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. If I pass this, then I'm one step ahead of my dreams.

Pumikit ako na parang iyon ang dahilan para bumilis ang pag loading ng page.

Sa pag bukas ng mga mata ko, syang kasabay ng paglaki nito.

"You are qualified to enroll, please proceed to the accounting office to pay the registration fee and to process your enrollment"

Napa baba agad ako ng mabilis halos muntikan ng matapilok, at ibinihagi ang balita kanila mommy.

Sobrang saya ng araw na 'to, thank you G! Thank you universe!

Nawala ang ngiti sa labi ko ng nakita si mommy at si ate na parang hindi man lang natuwa para sa akin.

"Mommy? What's wrong?"

I asked

"Your father disagreed, kaya ka lang naman sinamahan ni mommy dahil she wanted to support you, pero hindi naman namin inakala na maipapasa mo yan kaya sinuportahan ka pa din naminn kahit alam namin nung mga oras na yon na hindi ka naman papasa, at hindi mo kaya. At malayo daw and knowing na lampa ka baka mapahamak ka lang dyaan"

Sagot naman ni ate

"Mag iingat naman po ako, hindi ko papabayaan ang sarili ko at gagalingan ko naman po dahil malapit na sa pangarap ko to"

I answered nearly crying and ignoring the first few phrases about them belittling me.

"You're not going to that school, and you'll not take Aeronautical Engineering in college!"

Nanlumo ako

All this time, I thought I'm one step ahead of my dreams. I've been always dreaming about it, since I was a child, back then when I was in elementary palang.

"Why can't I? It's my dreams that we're talking about po, not yours."

"Hindi mo kakayanin, ate mo nga hindi pumasa ng board exam! Ikaw pa kaya? Mag sasayang ka lang ng pera"

Then they left me in silence

If financial is the problem then I'm willing to work! It's my dreams and I can't just give up!

The next day came at wala akong ganang pumasok sa school.

Shs palang naman ako sa dadating na sy! I'm gonna make it work basta doon ako mag ccollege! At wala silang magagawa. Pangarap ko to, kaya gagawan ko ng paraan kahit na mag working student pa ako.

Habang nag lalakad ako papasok ng hallway, napansin ko na sa kahit maaga pa may mga stall ng naka tayo, para saan naman kaya itong mga to? May program ba? May event? Bakit wala man lang announcement sa amin?

Dumiretso nalang ako sa room at umupo habang yakap yakap ang bag. Kakayanin ko to, kung hindi ako doon mag aaral sa shs, I'll make sure that I'll study there in college! Sure pagbibigyan ko sila, sige susundin ko sila sa kung anong gusto nila para sa akin, pero ngayong paparating na shs lang at hinding hindi sa college!

Napa tingin nalang ako sa bestfriend ko na tumabi sa akin.

"Kamusta bhieee? Pumasa kaaa?"

Energetic na tanong nya sa akin, ganyan din ako ka energetic dati kapag pinag uusapan namin ang dream school and course namin.

"Yeah, pero sad to say hindi ako mag aaral doon"

I said while smiling at her

"Fam issue noh? Hirap kasi nyan hindi nag uusap parents mo, malay ba natin kung iniiba pala ng kapatid mo yung message na dapat sinasabi sayo ng dad mo, maybe your sis and mom agreed not to tell you which is which" kibit balikat nyang sabi.

I totally agree with her, since hindi nag uusap ang mom and dad ko, may possibility nga na ganon, na hindi malinaw.

Nag kibit balikat nalang din ako at nginitian sya.

"How about you? Kamusta application mo?"

"Ayon, ayos naman mag aantay nalang ng update. Doon ka nalang din kaya mag-aral?"

Napatingin ako sa kanya, it looks like I have a plan na pala kahit papaano.

"Kung mag-aaral ako kasama ka,  sa shs lang ang balak ko. I'll still pursue my dream. Ma ddelay lang ng 2years, pero I'll make sure na sa dream school and course ang bagsak ko"

Explain ko sa kanya

"Nice nice, gets since we've decided na palista ka na mamaya may stall naman sila dyaan sa quadrangle natin nag hhunt na sila ng mga papasok sa kanila next year"

Nanglaki ang nga mata ko, ayun pala yon! Kaya naman pala past 7 na ay madami pa ding napasok, siguro ay walang class ngayon para give way saming mga graduating ng gr10.

"Andyan nga din yung University of Aeronautics Philippines eh(UAP)"

Nang laki ulit ang mga ulit ko ng banggitin nya ang UAP, my dream school

"Ha?!"

"Oo andyan"

Itinuro nya yung stall na ilang lakad lang mula sa room natin.

Nanghihinayang akong tinignan yung stall.

Naka ramdam ako ng tapik sa balikat ko.

It's my bestfriend's way of comforting me.

Matiim kong tinignan yung stall.

I'LL DEFINITELY STUDY THERE! MARK MY WORDS!

Sigaw ko sa isip ko. 

ParalleledWhere stories live. Discover now