Bandang 8am ng matapos yung iba't-ibang schools sa pag-aayos ng kani-kanilang stalls.
Nakatingin ako sa bintana habang tinitignan ang stall ng UAP, ng may pumasok na grupo ng students and teachers from another schools.
Mag iikot ikot ata sila saming mga gr10 sa iba't-ibang section. Para ma orient na nila kami, at kung gustong mag palista ay pupunta nalang doon sa stall nila.
We are attentively listening to them that we even didn't noticed na breaktime na pala.
Tinignan ko yung list ng schedule ng mga papasok sa amin na school para i orient kami.
Next na yung school na papasukan namin ni Mikana, my bestfriend.
Nag lalakad lakad kami sa canteen, nag hahanap ng pagkain, ng may nahagip ang mga mata ko.
Is it himmm?
Tinignan ko pang mabuti ang kumpol ng mga tao na andoon banda, taga UAP nga, pero hindi ko sigurado kung sya yon.
I shrugged my shoulders, hindi naman siguro mukhang freshmen sya eh hindi naman siguro papa attend-in ng mga ganito yung mga freshmen, kasi mas pipiliin nila yung old students para ma emphasize yung kung ano man yung quality na sasabihin nila about their school.
Bumili ako ng kwek kwek at inayang bumalik ng room si Mikana.
"Hi we are from Parañaque International Academy School-"
PIAS, ang napagkasunduan naming pasukan Mikana.
Pinakinggan ko silang mabuti, mabuti at merong STEM strand, kahit papaano ay mai aalign ko sya sa course ko sa college.
"If you wish to apply please see us in our stall and we will guide you, hope to see you future Roaring Dragons!"
Roaring Dragons? Cool!
Ang sa UAP kasi ay Golden Eagles.
Speaking of UAP sila na ang next.
Sinulat ko yung Roaring Dragons sa notebook ko katabi ng Golden Eagles bago tumingin sa harap.
Isa-isa ko silang tignan, may kakaiba talaga sa dating nila eh, parang lahat silang lahat ay paniguradong magiging Pilot, Aeronautical Engineer, Flight Attendants at iba pa. As if they've already marked their own plane.
Napatingin ako sa kakapasok lang, at nag init agad ang mukha ko. Sya nga! Andito sya nasa may gilid ng pinto namin, katulad noon ay kaunti nalang ay kasing tangkad na nya yung pintuan namin.
Nag salubong ang mga mata namin, and that made me go back in the reality, yumuko ako at tinignan nalang ulit ang notebook.
"Hi we are the Golden Eagles from the well-known University of Aeronautics Philippines, and we are here to orient you, future Golden Eagles!"
Sinisiko siko ako ni Mikana, pero hindi ko magawang makipag harutan sa kanya dahil hindi ko pa na kkwento sa kanya itong crush ko.
"So luckily, one of your classmate already passed the UAP entrance exam, and we are here to giver her a freebie UAP merch, as well as this class' officers"
Sinisiko pa din ako ni Mikana, pero wala akong kapal ng mukha ngayon kahit na mahilig ako sa mga free.
"Liliana Mendez, who is she? Andito ba sya?"
The beautiful lady said, yung girlfriend ng crush ko.
May tinitignan syang papel, at for sure details ko yon.
Napatingin ako sa harap ng tinawag nya ko, ang ganda ng boses nya para hindi ko pansinin.
Tatayo na sana ako ng itinaas ni Mikana ang kamay ko
"Andito po syaaa!"
Tinignan ko ng masama si Mikana, kahit kelan talaga jusko po.
No choice akong tumayo at lumapit.
"You're Liliana?"
Tumango nalang ako at inantay yung ibang officers.
Hindi ko magawang tumingin sa gilid dahil panigurado mahahalata ako pag sinubukan kong sumulyap.
Pagkatapos ibigay samin yung freebie na UAP journal, tshirt, pens and pins ay nag group photo kami at maya maya ay pina-upo na din kami.
"And please answer this, this will help us with your contact details if you soon wish to enroll in our school"
Kagaya ng ibang schools nag pa sagot din sila, and they promised that it will be fully confidential, and once we didn't enroll in that school the paper will be shredded immediately.
Nakatingin ako sa harap pero hindi ko pa din magawa tumingin sa gilid.
Kahit na nasa gitna lang ako naka tingin ako, pumunta sya doon sa girlfriend nya at kinuha yung mga papel, imbis na yung isang student ang mag ddistribute sa aisle namin.
Yung sa kabilang aisle ay binilang nalang at yun ang bilang ng binigay nilang papel, pero sa aisle namin ay isa isa nyang binigyan.
Todo ang kaba ko habang palapit sya ng palapit sa row namin.
"You hair grew"
Muntik na akong mapatalon sa upuan ko ng mag salita sya.
Napatingala ako at walang pag aatubiling tinignan sya.
Tinuro ko ang sarili ko, na parang nag tatanong kung ako ba ang kinakausap nya.
"Yes, you"
Binalik ko nalang ang tingin ko sa harap at hindi pinansin ang sinabi nya. Nakaka hiya!
Inabot nya sakin nag apat na papel.
Apat? Eh lima kami sa row
"L-lima po kami"
Sabi ko sa kanya ng hindi pa din nakatingin.
"We already have your contact so you don't have to answer that, you answered it already, the day you took your exam remember?"
Napatingin ako sa papel, ah oo nga. Yung ganito ko pa nga ata yung hawak ng girlfriend nya kanina kaya natawag ako.
Tumango tango nalang ako at inabot kay Mikana yung apat na papel.
Tinignan nya ko ng nagtataka na parang ang hatid non ay kailangan kong sabihin ang lahat.
Pag tapos non ay umalis na sya at bumalik sa harapan para isauli yung sobrang papel.
"Ikaw ha! Di ka nag kkwento sakin, bakit mo kilala si kuyang taga UAP?" bungad na tanong sa akin ni Mikana habang nag liligpit ako ng gamit dahil kaka alis lang nung UAP students at uwian na din namin.
"Ah iyon ba? Hindi ko yun kilala ah ano nag guide lang sya samin nung exam kasi close nya yung proctor namin noon" I don't know why, pero I have this feeling that I have to lie about it at ayaw ko i share yung crush ko kahit na hindi nya ako kilala.
"Sus, pero may pa your hair grew" napahawak ako sa buhok ko, at nag isip ng excuse.
"Ah ano siguro napansin nya lang, kasi diba nung November mala dora yung buhok ko? Eh ngayon lagpas balikat na pati bangs ko oh nalalagay ko na sa tenga ko"
"Sabagay"
Nag kibit balikat nalang sya at naniwala sa akin, nakahinga ako ng maluwag dahil doon.
YOU ARE READING
Paralleled
RomanceParallel lines are always at the same distance apart (called "equidistant"), and will never meet no matter how long we extend them. Though, will it do the same with two individuals? Will they be just like a parallel line? Or will they be a Perpendic...