"Keep warm, my baby Liliana"
Para sa akin nga, pero kanino galing? Lakas maka my baby, si Rin ka ba? Sana si Rin! Pero kung hindi, baby mo mukha mo.
Binasa ko ulit yung nasa sticky note pero walang nakalagay na iba bukod doon.
Binuksan ko yung locker at nilagay sa loob yung paper bag, at sinoot yung hoodie.
Ang comfy sobra at ang bango.
Niyakap ko ang sarili ko aaa feels nice.
Bahala na kung kanino man to galing, sobrang thank you nalang at hindi na ako lalamigin sa room.
Tinignan ko pa yung laman ng locker, at nandon yung iba't-ibang school supplies na may tatak ng school, yung school handbook, yung school calendar at libreng padlock.
Inayos ko yung loob at sinarado na, pupunta muna ako sa cafeteria para maka kain muna ng snacks.
Hindi ko na din hinanap si Mikana, dahil hindi nya na din naman ako hinahanap, kaya ko namang mag isa. At sya ay hindi kaya siguro gusto nya ng mas madaming kasama kesa sa kami lang dalawa. If she feels safer there then I'll support her.
Ang bango talaga ng hoodie ang pogi siguro ng may-ari neto, sige na nga kahit hindi ka si Rin, pero kung ganito naman ang amoy mo sige baby mo na ko.
Charot HAHAH
I giggled in that thought while walking through the cafeteria.
Medyo madaming tao, halong shs at college students.
Bumili nalang ako ng nachos at umupo sa walang masyadong tao. I don't need to socialize makaka kain ako kahit wala akong kasama.
"Liliana?"
Napa angat ako ng tingin sa nakatayo sa harap ko, si Omorfia
"I thought you'll study in UAP since you passed the exam. And I'm surprised to see you here! Real surprised!"
Napangiti nalang ako sa kanya, at hindi pinapansin ang katabi nya, si Rin.
"Can we sit here?"
"Yeah, go ahead po"
Umusog ako para mabigyan pa sila ng space.
"Jhad? Remember her, nag orient tayo sa school nila noon"
Bakit naman kailangan nya pang itanong yon, sure naman ako na hindi na ako naalala ni Rin, I'm not that relevant to be remembered by him.
"Yeah I remember her, Liliana right?"
Napatingin ako sa kanya, deretso sa mga mata nya.
He remembers me?
Naihawi ko ang buhok ko papunta sa likod ng tenga ko. Nakakahiya! Aaa bakit ba naman kasi?
Tumango nalang ako sa kanya, at yumuko dahil nahihiya akong kausapin sya.
"That's a nice hoodie you got there"
Di ko napigilan at napatingin ulit ako sa kanya.
Baka isipin neto na may boyfriend ako dahil sigurado akong na aamoy nila yung masculine perfume galing sa hoodie ko.
"Ah, may nag iwan lang po sa locker ko"
Sagot ko sa kanya.
"Wow, first day na first day may admirer ka na agad Liliana!"
Nakangiting singit sa usapan ni Omorfia, hmph sinusulit ko nga moment namin ni Rin eh, kahit na hindi ako masyadong makapag salita dahil nahihiya ako.
"Vetements hoodie pa ang napagdesisyunan nyang ibigay ah" dagdag nya pa
Napatingin ako sa logo ng hoodie, Vetements nga! Pero original kaya?
"Yeah, limited edition Vetements hoodie" nakapangalumbabang sabi ni Rin.
Limited edition? Mukhang mahal!Pwede ko tong ibenta pang tuition ko sa college ah, pero mabait ako kaya hindi ko gagawin yon hehe.
Tumahimik nalang ako at inubos ang pagkain.
"Ang bango naman ng admirer mo Liliana, familiar scent ng perfume nya eh"
"Hayaan mo at sasabihan kita kapag na sigurado ko na kung sino at ng ma iship ko kayo pareho"
Nginitian ko nalang sila bago sila umalis.
Hinawakan ko ang pisnge ko sa sobrang init ng pakiramdam nito kanina pa.
Bumalik na ako sa room dahil malapit ng matapos ang breaktime, ni hindi ko man lang nakita si Mikana buong breaktime.
Last subject na ngayon at kaka pasok lang ng subject teacher namin.
Nag pa introduce yourself lang din sya at nagbigay ng list ng requirements na kailangan para sa class nya.
After non, ay umalis na din sya at binigay samin ang free time.
Yung iba kong classmate ay nag aayos na ng kanilang mga sarili, make-up ganon.
Napahawak ako sa pisnge ko, ang oily lol.
Kumuha nalang ako ng baby wipes at pinunas sa mukha ko.
Ang gaganda nila, kung ako siguro ang mag aayos ng sarili ko ay pipiliin kong mag ayos bago pumasok kesa pauwi. Pero siguro may iba pa silang lakad, o may kailangan pa silang kitain at kailangan ay maayos ang itsura.
Sinoot ko na ang bag ko at nag aantay nalang ng tunog bell.
Pumasok na yung maintenance at nag linis sila, ganito siguro sa private walang cleaners.
Nag aantay na ako ng jeep, ang hirap humanap lalo na iba ang way ko. Puro puno ng students ang jeep papunta sa unahang school. Pupunta nalang siguro ako doon at doon nalang sasakay dahil panigurado ay luluwag ang jeep dahil bumaba na ang mga students na pang hapon ang schedule dahil papasok pa lang sila.
Habang nag lalakad ako, narinig kong humarurot ang isang motor.
Matte black Ducati, sakay noon ay lalaking naka uniform ng UAP, siguro ay papasok na sya. Sana all nalang.
Pinanood ko lang yon hanggang sa mawala sa paningin ko.
Tama nga ako at dito ang babaan ng mga students, at makaka sakay ako agad agad. Nakikita ko na magiging ganito na ang routine ko araw araw.
"I'm home!" Sigaw ko pagka pasok na pagka pasok ko palang ng bahay.
Pagkapunta ko sa sala ay nanonood si ate at mommy ng documentary.
Si daddy naman ay nasa dining area nag lalaptop.
Umakyat ako sa kwarto ko para mag palit ng panloob dahil gusto ko pa ding sootin yung hoodie, ang comfy kasi.
Pagkababa ko ay mas pinili kong samahan si daddy, ayaw ko naman sa sala dahil maiinis lang ako sa pag ccriticize nila ng documentary.
While looking at my dad, napa isip ako kung ano kaya talagang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi sila nag uusap si mommy?
Since birth kasi hindi ko sila nakita, o narinig manlang mag usap, at kadalasan ay si ate ang ginagawa nilang "messenger".
YOU ARE READING
Paralleled
RomanceParallel lines are always at the same distance apart (called "equidistant"), and will never meet no matter how long we extend them. Though, will it do the same with two individuals? Will they be just like a parallel line? Or will they be a Perpendic...