||•CHAPTER 2•||
SANDALI ko munang ibinaba ang hawak na suklay bago nilingon si Donna na nag-aayos ng susuotin ko para mamaya,"Nandiyan pa ba ang Papá?"
Ibinaba rin muna nito ang hawak saka marahang umiling, "Wala na po, kagabi pa s'ya umalis."Napahinga naman ako nang maluwag sa sagot n'ya.
Mabuti naman, ayukong nakikita ang pagmumukha ng taong iyon kahit sarili ko pa s'yang ama.
"Nakahanda na ang susuotin mo, Señorita." Tumango lang ako at muling humarap sa salamin.
Linggo ngayon kaya napagpasyahan kong magsimba.Ipagdarasal ko na rin si Dad para nang sagayon ay mabawasan rin kahit papaano ang mga kasalanan n'ya.
***
"Guard her!" Matalim ang tingin na tiningnan ko si Damon nang marinig ang tinuran nito.
Hindi ba talaga s'ya nakakaintindi na ayukong may nakabuntot na body sa akin ngayon, kahit ngayong araw lang ay gusto kong maranasang maging malaya.
"Mov-"
"Move and I'll shoot you one by one!" Sigaw ko sabay tutok sa kanila ng baríl na hawak ko.
Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Damon nang makita ang bagay na hawak ko.
"Wher-"
Mabilis namang lumipad papunta sa direksyon ni Damon ang pagkatutok ko ng baríl ng akma itong lalapit sa akin, "Make a move and I won't think twice to shoot you!"
"Put that fvcking thing down, Clesthen. You don't even fvcking know how to use that fvcking b*llshit t-"
Hindi ko na s'ya pinatapos sa pagsasalita at walang pagdadalawang isip na kinalabit ko ang gatilyo ng baril.
Nagsipagyukuan ang katabi nitong mga bodyguards, samantalang parang wala lang ang balang sing bilis ng kisap-matang dumaan sa gilid ng tenga ni Damon.
I know how to use a gun.
This is so basic.
Parang gusto kong pumalakpak sa nakikita ng mga mata ko ngayon.
Ang sandamakmak na bodyguards na pinagbabantay sa akin ni Dad ay puro walang kwenta. Ni hindi nga napansin ng isa sa kanila na nakuha ko na ang baríl na nasa back pocket ng suot n'yang pantalon.
Ha! So useless.
Mas magaling pa ata ako sa mga ito.
"Don't make this as one of your toys!" Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin si Damon sa aking harapan habang hawak ang baríl na ginamit ko.
Umiigting na rin ang panga nito, tanda ng pagkainis sa akin.
Who cares? Wala akong pakialam kahit maputulan pa s'ya ng ugat sa sintido sa konsumisyon sa akin. Ginusto n'ya 'to, p'wes magtiis s'ya!
YOU ARE READING
My Possessive Bodyguard
RomanceHe is a drop dead gorgeous man but a dangerous one and he is your..... bodyguard. My Possessive Bodyguard | Dark Society #1 | JaraFreja