CHAPTER VII

481 7 1
                                    

Masakit ang sariling ulo nang magising ako. Marahan ko itong hinawakan at hinilot para kahit papaano'y mawala ang sakit. Arghhh!

"You're finally awake." Napatingin ako sa nagsalita. Kahit nahihilo ay pinilit ko pa ring aninagin ang mukha nito.

Hindi pamilyar ang mukha nito pero alam kong isa s'yang doctor base sa kanyang suot.

I roamed around. From the white ceiling to the white and clean wall, alam ko na agad na nasa ospital ako.

My forehead creased. Ang huling natatandaan ko ay nasa university ako. How come na napunta ako dito?

The doctor walked towards my direction.

"He brought you here." He said, checking my condition.

My eyebrows met as I heard what he said. Para bang nabasa nito ang iniisip ko nang muli itong magsalita.

"Akala ko nga ay sasapakin na ako sa sobrang dilim ng mukha n'ya kanina."

Marahan ako nitong hinawakan. Para bang takot itong magalusan ako sa oras na magkamali s'ya ng hawak sa akin. Para bang buhay ang nakataya.

"You are now fine. Pahinga lang ang kailangan mo para bumalik ang lakas mo."

"Who are you?" Tanong ko sa doctor nang harapin n'ya ako. Sa bawat doctor na tumitingin sa akin ay tinatanong ko ang pangalan ng mga ito. I want to know who the fvck they are.

My left brow lifted nang nahihiya itong umiling iling habang nagkakamot ng batok.

"I can't-"

"-k." Walang ganang putol ko sa sasabihin nito saka tumalikod ng higa, "You may leave."

"I'm Keius Clyle." Huling sambit nito bago ko narinig ang papaalis na yabag nito.

Nang tuluyan na itong maalis ay marahan Kong ipinikit ang mga mata ko. Gusto kong magpahinga. Hindi ko na alam kung bakit at ano ang rason kung bakit ako nandito. Masyadong masakit ang ulo ko para isipin pa ang bagay na 'yon.

****

"She's already fine. You don't need to worry, Tito."

A cold yet very familiar voice filled the whole room.

My eyes automatically opened as I heard his familiar voice. Sa sobrang pamilyar ng boses nito ay hindi ko na yata kayang hintayin na lingunin ako nito. He's facing the glass wall and I am facing his broad back.

Ang itim na polo nito na nakatupi hanggang siko ay nakakamangha. He's so hot with his posture. Likod palang ay halata na ang magandang katawan na taglay nito.

Nang maramdaman nito ang mariing titig ko ay dahan dahan itong lumingon sa kama ko. Pero nang lumingon ito sa kinahihigaan ko ay hindi ko inaasahan ang mukhang sasalubong sa aking mga mata. Para akong pinagbagsakan ng kung ano at bigla akong napatayo mula sa aking pagkakahiga.

He's here. But why? No, baka namamalikmata lang ako. Masama ang pakiramdam ko kaya baka namamalikmata lang ako. Tama. Imposibleng nandito sya.

Muli akong nabalik sa malalim na pag-iisip nang muli itong magsalita. "I'll call you again later, Tito." and he hung up the call.

Hanggang sa pagbaba n'ya ng teleponong hawak ay bakas pa rin sa aking mukha ang gulat, hindi inaasahan ang muling pagpapakita n'ya.

Pero nang muli ako nitong balingan ng pansin ay halos gusto ko nalang tumalon sa kamang kinahihigaan ko at takbuhin s'ya. Pero pinigilan ko ang sarili ko.

It's been a years. Nagtatampu pa rin ako sa kanya.

"Clesthen," malambing na sambit n'ya sa pangalan ko.

Bakit ganun? Bakit kung sambitin n'ya ang pangalan ko ay parang wala s'yang ginawa sa 'kin. Parang hindi nya ako iniwan? hindi nya ako sinaktan?

"Why are you here?" hindi maiwasan ang panlalamig sa boses ko.

Alam kong hindi lang basta tampo ang nararamdaman ko. I am mad.

He lied to me! He's a liar!

"I was the one who brought you here." Sandali akong natigilan sa sinabi nya. Tulad ng biglaang pagdating n'ya dito sa harap ko ay gulat rin ako sa bagay na sinambit nya. S'ya? Siya ang nagdala sa akin dito, pero...bakit? I mean...

Am I hallucinating things? Before I passed out alam kung iba ang nakita ko, hindi sya. Pero impossible. The person I am thinking right now doesn't care about me.

Maaaring si Damien nga talaga ang nakita ko, namalikmata lang ako dahil akala ko ay susundan at hahanapin n'ya ako since he is my bodyguard. Trabaho n'ya ang bantayan ako.

Ang Galit na naramdaman ko sa muling pagbabalik ni Damien ay tila naghalohalo na. I felt mixed emotions.

Pero bakit parang may mali? Why I feel disappointed?

"Clesthen?" Marahan kong inangat ang ulo ko at hinarap si Damien, at sa pagtagpo ng mga mata namin I realized the things that I should give attention...my childhood best friend.

Kahit alam kong galit ako ay hindi ko pa rin maiwasang matuwa. He's here. He's finally here.

Sobrang tagal na pala nang huli ko s'yang makita. Marami na ang pinagbago n'ya, pero mas kapansin pansin ang mas lalong pagkadipina ng kanyang katawan ngayon. Kung gwapo na s'ya noon para sa akin, ngayon ay tila naging doble o triple pa ang naging tingin ko sa kanya.

Mula bata ay kilala ko na si Damien. Sabay kaming lumaki sa mansyon. My Dad brought him to play with me, at dahil uhaw ako sa kaibigan ay mabilis kaming naging malapit. Palagi s'yang nagpapahatid sa driver papunta sa mansion kung nasaan ako at wala namang kaso sa akin at maging sa pamilya ko iyon. Hanggang sa pagtanda ay gano'n ang everyday routine namin, not until one day, he just left me... waiting for him.

"I'll be back tomorrow, Clesthen," paalam nito sa akin habang kumakaway na pasakay sa aming sasakyan.

Nang tuluyang umandar at umalis ang sasakyan ay muli kong naramdaman ang lungkot, ang pag-iisa.

Kakain, maglalaro, matutulog, kakain, maglalaro matutulog nang mag-isa. Paulit ulit na gawain sa tuwing ako nalang mag-isa.

Sumapit ang umaga, I waited for him, I waited for Damien to come and play with me. Pero inabot ng hapon ang ginawa kong paghihintay, walang Damien na dumating. Naisip ko na baka may importanteng bagay lang na ginagawa ito at hindi nakapunta dito.

Hanggang sa kinabukasan ay naghintay ako ulit sa pangako n'yang babalik s'ya at maglalaro ulit kami. Pero tulad kahapon ay walang Damien na nagpakita. At tulad ng plagi kong ginagawa, I waited for him pero tad ng mga nakaraang araw, wala pa ring Damien na dumating... hanggang sa lumipas na ang mga araw, gabi, buwan, at maraming taon, wala ng Damien ang bumalik.

At ngayon, after so many years, he came back.

"I'm here...I'm finally back...to you."

My Possessive Bodyguard Where stories live. Discover now