CHAPTER IV

842 15 0
                                    

||•CHAPTER IV•||

“Get up, Clesthen,” Dahan-dahan akong napamulat ng mata ng may tumapik sa kanang braso ko.

Bubulyawan ko na sana ang tálimpadas ng masilaw ako ng sikat ng araw.

Tanghali na.Nakatulog pala ako.Masyado nang mataas ang araw at masakit na rin ito sa balat.

Ni hindi ko magawang maimulat nang maayos ang mga mata dahil sa pagkakasilaw.The fvck?!

Napataas ako ng kaliwang kilay ng lumipat ng pwesto si Damon at harangan ang masakit sa balat na sikat ng araw, “The sun might irritates your skin,”

Hmm, may kawang gawa.

Tatayo na sana ako bago pa ako tuluyang matusta ng araw nang isang bagay ang nahulog na nagpaagaw ng atensyon namin ni Damon na pareho naming ikinatigil, the Lavelle's Magazine.

Mabilis akong yumuko para abutin ang nahulog na bagay, pero huli na, Damon got it first and look at it firmly.Nang mapagtanto ang bagay na hawak ay mariing umigting ang panga at mabilis akong hinarap.

“Why the fvck you have this shit?!” My forehead creased.

Ano naman sa kanya kung meron ako nito? My brothers had been featured in this magazine.Masama bang gustuhin kong makita sila, kahit sa magazine lang.

Sabagay, they never let me touch nor see this magazine.Sadyang sutil lang ako at naipupuslit ko ito galing sa labas.

The Lavelle have their own magazine kung saan naka-feature ang tungkol sa buong Lavelle's Clan.Ang bawat pamilya ay may kanya kanyang magazine kung saan naka-feature ang bawat m'yembro ng pamilya.Nakapaloob rin sa mga magazine ang mga achievements ng bawat isa.

At ang Lavelle's Magazine na kanina ay binabasa ko ay ang magazine naman ng pamilya ko, kung saan never akong naging laman.

Kaya naman ang lahat ng Lavelles' Magazine na pinapalabas ay itinatago sa akin, and I don't know why.Ni hindi nga sa akin ipinapaalam ang tungkol sa bagay na 'to.But one of the maids left a copy in my room, that's why I am now aware of these magazines' existence.

Every published of this magazine ay meron na rin akong kopya, hindi dahil binibigyan na nila ako kun'di ay nagbabayad rin ako ng malaki just to have those copies.Sekreto rin ang transaksyon ko sa publishing company kung saan ito ipinapagawa.Lahat ng bagay ay simple nalang lalo na kung meron kang pera.That's why my family have never thought na meron rin akong copy ng magazine nila.

Bago pa man muling magtanong si Demon tungkol sa pagkakaroon ko ng kopya ng magazine ay mabilis ko nang inagaw mula sa pagkakahawak n'ya ang magazine at mabilis na naglakad papasok ng mansyon.

***

I was busy brushing my hair when Lydia entered, Ipinapatawag ho kayo ng Don sa kanyang silid-aklatan, Señorita,”

At anong klaseng hangin na naman ang umihip sa ulo ni Dad at nandidito na naman s'ya.

Tumango lang ako sa babae mula sa salamin bago ito umalis at iwan ako.

Ibinaba ko na ang hair brush na hawak at napagpasyahan na itigil na ang pagsuklay.

Alas d'yes palang ng umaga, hindi ba pupunta sa kompanya at mas paparamihin ang pera't kayamanan n'ya?

My Possessive Bodyguard Where stories live. Discover now