Chapter V: We did what?

11 1 0
                                    

Mia's POV



Christmas vacation namin ngayon at andito ako ngayon sa bahay nang lola ko. Dito kasi ako lagi nang babakasyon, sarap kasi ng simoy ng hangin at reunion ng mga kamag anakan.



*Gusto mo bang gumawa ng taong nyebe?*


"Teka, cellphone ko yun a?" bulong ko sa sarili ko. Tumayo ako at kinuha ang bag ko.



*Tara tayo ay maglaro*


"Wala naman a?" tinignan ko muna yung screen,wala talagang tumatawag. Pero ringtone yun ng phone ko.


"Hello ate Mia" kumaway si Jenna sakin at nakita kung naka hawak siya ng phone, siguro sa Mama niya yun. Doon lang pala nanggaling ang tawag, akala ko pa naman.


*Gusto mo bang gumawa ng taong nyebe?*


Ayan na naman ang tunog. Hinanap ko muna kung andito lang sa paligid si Jenna pero wala naman. Agad akong bumalik sa bag ko at tinignan ang phone ko. May tumatawag nga.



De Guzman Calling...


"Hi! O bae? Ba't ka napatawag?" napa ngiti ako. 'tong jejemon talaga, ang bilis ako ma miss. I like the thought of him, missing me. Kilig ba tawag dun?


"Hindi. Okay lang yun" napasimangot ako. Ang cold yata ng boses niya? Hindi naman siya ganyan.


"May sipon ka ba? Bakit ganyan ka?" tanong ko sa kanya, baka lang namin kasi.


"W-wala. Look, i have something to say" seryoso niyang sabi.


"Grabe bae, nag Christmas lang english ka na? Hindi ka na jejemon bae! Congrats haha!" asar ko sa kanya pero tahimik lang ang kabilang linya.


"Andiyan ka pa ba? Hello?" ang weirdo naman ng breezy nato ngayon.


"Yeah, im here" sagot niya. May kakaiba talaga.


"M-may problema ba De Guzman? Bat ganyan ang boses mo?" pakiamdam ko, alam ko na saan to patungo.


"Mia. I'm sorry pero mas makakabuti siguro kung mag break na tayo". Pano niya nagawang sabihin na nakikipag break na siya sakin na parang wala kaming pinag samahan? Na parang kahit minsan hindi niya ako ginalawang breezy? PAANO?!


"A-ano bang sinasabi mo De Guzman? Wag ka nga mag joke. Christmas na oh! Tapos na ang April Fool's tsaka malayo pa yun. Wag ka naman magpa tawa ng ganyang joke" i tried my best to calm my voice Paulit ulit kung sinasabi wag kang umiyak Mia pero ang luha ko tuloy tuloy na ang bagsak. Hindi ko mapigilan.



"Im sorry" then he hung up.


Those last two words stab my heart. First love ko siya and I expect na mag tatagal kami kasi yun yung mga nababasa ko dun sa Wattpad. Na pag mahal na mahal niyo ang isat-isa, magtatagal kayo, na makakaya niyo lahat nang mga problema sa inyo, na andyan kayong dalawa para lumaban para mas maging matatag yung relasyon niyo.


Pero bakit naman ganito? Ang aga break na agad kami. Pero mas nasaktan ako kasi wala siyang sinabing dahilan. Parang ang lamig naman yata ng Pasko ko ngayon? Paki sabi sa jejemong 'yun, hindi siya kawalan.

A not so happy ending story (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon