Chapter X: Thicker than the thickest

85 12 9
                                    

Mia's Pov


Back to school na kami galing sa New year break namin, at magkasama na naman kami ni Tanya. Papunta kami ngayon sa faculty room para mang hingi ng chalk. Ayos din teacher namin, pumapasok ng walang chalk nang utos pa. Kaming dalawa ang inutusan kasi nakita niya na naman kaming nag u-usap ni Tanya sa klase niya.



"Tanya, may sasabihin ako sayo" sabi ko na nila laro ang mga daliri ko. Sasabihin ko ba sa kanya?


 "Ano yun?" hindi siya naka tingin sakin, naka tingin lang siya sa mga rooms, baka may hinahanap.


 "Baka magalit ka kasi sakin" balisa kong sabi. Next time ko na lang kaya sabihin sa kanya?


 "Ano ba kasi yun? Ikaw ha, pinapa kaba mo'ko" patawa niya pang sabi. Maka tawa pa kaya siya pag sinabi ko na?


 "Eh kasi. Kasi.." pumikit ako, sana talaga hindi siya magalit! Pero who am I kidding? Sino bang hindi magagalit sa sasabihin ko sa kanya? Parang deja vu lang ang nangyari. Galit din ba kayo sakin?


"Ano nga? Naiinis na ko" huminto siya at hinawakan ako sa balikat.


"Tell me now Mia" natakot ako bigla. God, I close my eyes and confess to her,


"Kami na ni A-angelo nung January 10 T-tanya" sabi ko ng naka yuko. Hinantay ko na mag salita si Tanya pero hindi siya umimik. Nang tinignan ko siya diretso lang siya naka tingin, parang iniiwasan akong kausapin. Sabi ko na nga ba, magagalit siya.


"Tanya? Galit ka ba? Sorry Tanya sorry" paulit-ulit kong sabi sa kanya, pero parang wala siyang naririnig, hindi siya kumikibo. Nag lakad ulit siya at humabol naman ako.


"Andito na tayo. Pasok muna ako sa loob, dito ka nalang" at pumasok na agad siya ng hindi man lang inantay yung sasabihin ko, hahanap nalang ako ng malapit na upuan at dun hihintayin si Tanya.



Bakit ganun? Hindi ko man lang namalayang malapit lang pala ang faculty room? Siguro dahil sa tensyon? Feeling ko kasi, may tensyon sa aming dalawa.


Hindi ko naman talaga intensyon na ahasin si Tanya, hindi talaga. Pero ewan ko ba kung bakit ako nag yes sa Angelo na yun. Nadala ako sa mga lason niyang banat! Hindi naman ako serysoso sa kanya, pero siya kasi oo. Ayoko pa munang mag seryoso kasi mahirap ng masaktan ulit. Hindi ko naman pwedeng bawiin yung sinabi ko kay Angelo. Ano ba'tong pinasok kong gulo?! Tanya, sana mapatawad mo ako.


 Naka yuko lang ako simula nung maupo ako dito, frustrated ko nang sinisipa lahat ng alikabok sa sementong sahig. Narinig kong bumukas ang pintuan sa faculty room. Alam kong si Tanya na 'yun hinintay ko na lang na lumapit siya.



"Tayo na" cold na sabi ni Tanya. Tumango nalang ako pero naka yuko pa rin ako. Magkasabay na kaming naglalakad ni Tanya pero ang cold ng atmosphere namin. Hindi ako sanay. Makikipag break na ako mamaya kay Angelo kesa naman ganito kami ni Tanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A not so happy ending story (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon