Chapter I: Accident or Destiny

289 55 68
                                    

Mia Salazar's POV


"Grabe ang init naman. May payong ba kayong dala diyan?" tanong ni Cha-cha.



Naka tambay lang kaming lima sa labas ng skwelahan, noon break din kaya nakalabas kami.


"Wala kaya wag kang mag inarte diyan" saway naman ni Bea.


"Aba? Ba't ba nagagalit ka agad? Nag tatanong lang naman yung maganda. Kainis, haters" sabay flip ni Cha-cha sa buhok niya.


Akmang sasapakin na ni Bea si Chacha pero hinayaan na lang namin. Sanay na kami sa dalawang 'yan, parang magka away pero hindi naman.


"Teka, pupunta muna ako sa Genisis saglit. Kukunin ko lang yung mga pina photocopy ko" sabi ko sabay tayo at inayos ang nagusot kong uniform. Computer shop ho yung Genesis in case na mag tanong kayo.


"Kk dito lang kami maghihintay" pa kikay na sabi ni Bea habang nagpa paypay. Mini-mic naman ni Chacha yung tono ng sinabi ni Bea kaya pinalo niya sa ulo si Chacha, "Aray! Ano kaba!" sigaw ni Chacha.


"Hoy! Tigilan niyo na nga yan!" sigaw ni Tanya sa kanila. Mabuti nalang at tumigil na silang dalawa, mga pasaway talaga.



Naglakad na kami ni Tanya total malapit lang naman yung Genesis.



"O-oy! Teka, bakit pati ikaw kasama Tanya?" boses palang alam ko ng si Chacha na 'yung sumigaw, ang laki kasi ng boses.


"Ayan kasi! Di kasi kayo nakikinig! Sabi ko kanina, sasama ako kasi pupunta ako kina Aling Nena. Bibili ako ng tubig, gusto niyo rin ba?" tanong ni Tanya.


"Hindi na. Basta wag kayo magtagal ha" paalala samin ni Chacha habang inaayos yung buhok niyang nagulo dahil sa hangin.


"Ok Cha. Kayong tatlo, dito lang kayo. Babalik din kami" sabi ko at tumalikod na agad.


"Okay. Wag masyadong matagal ah" sigaw ni Rociel. Ang hyper naman nilang tatlo! Paulit-ulit ng sabi, nakaka init ng ulo.


"Chao mga bungol!" sigaw ni Tanya kaya natawa na lang ako.




Tanya's POV


Ako nga pala si Tanya. Lima kaming mag babarkada, at tinatawag kaming The Girls. Ewan ko ba, ang hangin ng mga utak ng mga tao sa school. Mga pauso. I hate the attention pero sige na nga keri nalang.


Naka tingin lang ako kay Mia, ang lalim yata ng iniisip niya?


"Hoy! Ano? Bungol ka na rin ba? Kanina pa kaya kita tinatawag" reklamo ko sa babaeng kulot.


A not so happy ending story (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon