Chapter IX: Kulang lang sa tulog

82 14 8
                                    

Mia's POV


Sa paglipas ng panahon masasabi ko talagang naka move-on na ako. Di naman siya kawalan kasi bata pa ako at jejemon siya. I must live life to the fullest! Buhay pa siya pero sa isip at puso ko patay na siya. Bitter ba? Wala kasing forever!


Siya nga pala New year's eve na mamaya! New year, New Life. Uso na naman yung 2014 please be good to me at mga new year's resolution. Mga bagay na di naman nila tinutupad. Yan yung tawag sa mga taong puro salita lang, kulang naman sa gawa. Kaya ako? di ako nag n-new year's resolution, tamang pray lang.


Andito nga pala kami ngayon ni Cha sa room ko. Busy si mama't papa sa preparation, ganun din kila Chacha. Gagala nga sana kami with The Girls kaso ganun din pala situation nila samin ni Cha. Nag l-laro ako ng Subway Surfer, si Cha naman naka tutok lang sa laptop ko.


"Oy Mia, di mo man lang sinabi facebook mo pala to". sabi  ni Cha.


"Edi e log out mo? Problema ba yun?" tutok pa rin ako sa nilalaro ko. Malapit na ako sa jackpot!


"Ang seryoso te, ang pangit hahaha" kantyaw sakin ni Chacha kaya nawala ako sa focus at nabangga sa tren, sayang ang layo ko na!


"Kainis 'to!" nag ayos ako ng upo at sumilip sa ginagawa ni Chacha.


"Sino yan?" tanong ko kay Cha at lumapit na rin ako para tignan, may message kasi.


"Angelo.Angelo Ramirez? ANGELO RAMIREZ! Waa! Kilala ka pala niya?!" sigaw na sabi niya at nag hysterical agad.


"Chill Cha, di ako bingi. Kilala agad? Di ba pwedeng nagpa pa-like ng dp muna? Utchusera nito" bumalik nalang ako sa pwesto ko kanina, pati si Angelo famewhore din pala?


"Di kaya siya nag papa like! Gwapo na siya no, di na siya kailangan mag pa like!" at bakit naman nasali sa usapan yung ka gwapohan ni Angelo dito?!


"Eh? Ano ba kasing sabi" sabi ko at sinimulan yung bagong round. Baka swertehen ako this time.


"Hi daw" napalingon ako kay Chacha ng sinundot sundot niya ako sa gilid.


"Sabihin mo kumag siya at wag na siyang mag reply!" at bumalik ulit sa pag lalaro.


Pero ang reply ni Chacha ay hello din.


"Hingi daw siya number mo" nabangga ako sa tren ng maranig ko yung sinabi ni Chacha. Aba? Sabi ng hindi na mag reply, nang hihinga pa ng number.


"Sabihin mo maligo ka muna!" walang connect ang sinabi ko pero ewan, wala ako sa sarili ngayon. Ano ba yang mga pinag sasabi ni Angelo?


Pero ni reply ni Chacha ang number ni Mia. Kinilig siya sa loob-loob niya.


"Saan ka daw naka tira?" nabangga ulit ako sa tren! Ano ba yan! Ang laking distraction!


"Sabihin mo nga wag na siyang magulo!" frustrated kong inayos ang buhok ko, ano bang kalokohan ni Angelo ngayon?



Hindi na nareplyan ni Chacha si Angelo at nag log out na lang siya.



"Andito po ako kila Mia. Huh? Opo.Sige po.Okay. Bye" napa lingon ako kay Chacha at itinigil ang nilalaro ko.


"Uwi muna ako Mia, handaan na daw" sabi niya at tumayo.


"Okay sige hatid na kita sa labas"



Paglabas niya, tinawag naman ako nina mama, " Mia? Halika na! Kain na anak".

Nag salo salu kami sa pagkain at nanuod ng fireworks pagkatapos.



Pumasok na kaming lahat ng wala na ang mga fireworks. Sina Mommy at Daddy naman nag date pa sa sala. Napangiti ako habang tinitignan sila. Pumanhik na lang ako sa taas para magpa hinga at para makapag solo sila.



Naka higa na ako't lahat-lahat pumasok naman si Mommmy dala ang isang baso ng gatas "Para madali kang maka tulog anak, i love you honey. Happy New Year" at kiniss niya ako sa forehead tapos lumabas na. Napangiti ako.



Ininom ko na yung gatas at pinatay ang lampshade. Matutulog na sana ako ng biglang umilaw ang cellphone ko. Lakas ng trip ng nag text ngayon di ba niya alam matutulog na ako? Pag si Cha lang talaga to, kukutusan ko yun bukas!



Kinuha ko ang cellphone ko sa table at umayos ng upo.



"Happy New Year Mia" - Angelo.



Teka, pano niya nakuha ang number ko?


"Hey. Its me, Angelo. Tulog ka na? Usap tayo?"


Text niya ulit. Anong nakain niya? Plus point siya sa text, hindi kasi jejemon.


Dahil hindi pa naman ako ina antok ni replayan ko siya,


"Ah. Wag ka tumawag bingi ako" tumatawa ako habang tiny type yung reply ko. Akala mo ikaw lang marunong mang trip Angelo?


"Hahahaha cute mo talaga Mia :">"


At anong meron sa blush niyang text? Gwapo kana Angelo, wag kana magpa kilig. Hindi siya gwapo! Hindi!  Oh sige na nga, gwapo siya. Nag text kami ng text hanggang umabot ng 2 am. Sinabi ko ng matutulog na ako kaya nag text din siya sakin ng,


 "Okay. Have a goodnight sleep Mia. Salamat nga pala at ni replayan mo ako. I dont know pero it feels good na ka text ka. Goodnight Mia :*".


Pagtapos kong basahin yun literal na napa nganga ako. What's with Angelo ba? Lakas maka trip ha! Pero what's with me din? Parang kinikilig ako. Baka kulang lang ako sa tulog, oo tama nga yun! Kulang lang ako sa tulog.

A not so happy ending story (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon